Ikaw Na Nga Chapter 18

218 Words
“I-I’m sorry, Sir…” napatungo si Bea. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari sa kaniya. Tila nahipnotismo siya nito. “Can you please focus?” umayos ng upo si Bea. Naaantipatikohan pa rin siya rito. Kahit na sinagip siya nito sa muntik na aksidente sa warehouse ay hindi ibig sabihin ay susupladuhan na siya nito. Hindi niya nilingon ang binata ngunit nakikinig siya rito. “I’d like to know the result of your audit.” dahil sa kasupladuhan nito ay hindi siya nagpaligoy-ligoy pa at sinabi rito ang nakita niya sa reports. Kung ilan ang nawawalang box at kung saan ang locations ng mga box na nawawala. “That’s all, Mr. Belmonte.” tatango-tango lang ang binata. As usual ay hindi ito ngumiti at hindi rin ito tumingin sa kaniya. Nasa monitor lang ito nakapokus. “I want you to audit the branch in Cebu too,” napaawang ang labi niya. Hindi na niya sakop ang branch na iyon dahil may naka-assign na mag-o-audit doon kaya naman nagdahilan siya. “Sir, that belongs to Ms. Estaloga.” sa pagkakataong ito ay nilingon na siya nito at tinitigan. “I just assigned her to the other branch.” wow, namilog ang mga mata niya ngunit inilingon niya ito sa malayo para hindi makita ni Mr. Belmonte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD