“Sorry to keep you waiting.” paumanhin ni Lucio ngunit walang bakas ng ngiti sa mukha nito. “It’s okay, Sir.” napansin nito na may dala na itong attache case. “T-thank you, Sir,” na-weird-uhan siya nang pagbuksan siya ng pinto ni Mr. Belmonte ngunit hindi na siya nakatanggi pa. Agad siyang pumanaog sa sasakyan at mabilis naman itong nagtungo sa driver’s seat at nagmaneho. As usual ay walang imikan ang dalawa. Nakailang ring yata ang phone ni Bea bago tuluyang naubusan ng baterya. Nailing na lamang siya nang silipin niya ito na dead-batt na. “Pasaway ka, Ivy.” “I’m sorry, Ms. Almanza?” nailing si Bea sa boss niya. Akala yata nito ay ito ang kausap niya. Paano ay tahimik ang paligid at bigla ba naman siyang magsalita. “W-wala po, Sir.” sunod-sunod na iling niya. Mahaba ang itinakbo ng b

