CHAPTER 2

1177 Words
IKALAWA: “Not a good joke.” NAGDADALAWANG isip ma’y unti-unti ngang inabot kay Brianna ng lalaki ang kamay nito. Nang magpang-abot ang kanilang mga kamay ay kaagad na hinila niya ito at sa ‘di inaasahan ay nawalan siya ng balanse kaya natumba silang dalawa... Tumama ang kanyang likod sa malamig na semento habang nakadagan ito sa kanya. Sandali silang parehong natigilan at nagkatitigan sa mga mata ng isa’t isa. Malalalim ang mga mata nito at seryoso sa pagkakatitig sa kanya. Nang mabalik sa katinuan ay marahan niya itong itinulak paalis sa kanyang itaas kaya napahiga na lamang ito sa kanyang tabi. At least, they’re now few meters away from the very edge of the rooftop! Sa pagkagulat niya’y bigla ba naman itong humagalpak sa pagkalakas-lakas na tawa. Humawak pa ito sa tiyan nito na tila ba’y sasakit iyon dahil sa katatawa nito. Kunot noo tuloy niya itong tiningnan. Ano kayang nakakatawa? Kanina lang ay napakalungkot ng mukha nito at may high suicidal tendency, ngayon ay tatawa-tawa ng napakalakas na parang wala nang bukas. Baka nama’y bipolar? ‘Yon bang tipong pabago-bago ng mood and behavior. Nasagot lang ang tanong na nasa isip niya nang tiningnan siya nito saka ito nagsalita. “Akala mo talaga magpapakamatay ako?” Ngingisi-ngisi pa rin ito nang tumayo na saka nilahad ang palad sa kanya para tulungan din siyang makatayo. Nagdadalawang isip ma’y tinanggap pa rin ni Brianna ‘yon. “Hindi pa naman ako sira para gawin ‘yon. Wala din akong maraming drama sa buhay, ang easy-easy nga ng buhay para sa akin eh kaya ba’t ko naman gagawin ‘yon?” Ngayon niya napagtatantong maigi ang lahat. He only deceived her! “Hindi ka talaga magpapa-“ “Hindi. Tulad nga ng sinabi ko, masaya ako sa buhay ko. Smooth, magaan. Wala akong planong tumalon, sinakyan ko lang talaga yung exaggeration ng reaction mo kanina nang makita ako. In fairness naman sayo, pupuwede ka nang maging mental health counselor. Papasa ka kung saka-sakaling mag-a-apply ka ng ganoong klaseng trabaho. You are, indeed, an effective adviser.” Kahit pa purihin siya nito sa mga opinyon nito sa kanya, mas nangingibabaw kay Brianna ang galit. Ang akala niya’y problemado ito at nangangailangan ng tulong pero binibiro at gino-good time lamang pala siya ng walang hiyang lalaking ito! Sa inis niya’y naikuyom niya ang kanyang mga kamao habang masamang tinititigan ito samantalang ito ay ngingiti-ngiti lang sa kanya na parang walang masamang ginawa o parang hindi siya niloko! Hindi nito inaasahang tatama ng malakas ang kanyang kamao sa pisngi nito kaya halos tumagilid iyon dahil sa lakas ng atake niya. Yes, she may be in her office skirt right now pero walang pag-aalinlangan talaga siyang nanuntok ng isang taong deserve na tamaan ng kamao niya! “Aww. Sa ganda mong ‘yan, Miss, ‘di ko akalaing marunong ka palang manuntok,” cool pang sabi nito nang makabawi habang hawak ang pisnging tinamaan ng kamao, tila hindi man lang ito nagalit sa kanyang panununtok! “Niloloko mo ‘ko! Gino-good time mo ako! Ang akala ko pa nama’y totoong problematic ka at kailangan mo ng immediate care and encouraging words, ‘yon pala’y binibiro mo lang ako!” Bahagyang tumino na rin ito. “Miss-“ Hindi niya ito hinayaang magsalita bagkus ay inunahan pa. Sa sobrang galit niya’y hindi niya namalayang nangilid na ang kanyang mga luha. “Ginagawa mong biro lang yung isang napakaimportanteng bagay na pinahahalagahan ng karamihan! Hindi mo ba alam ha, na ‘yang buhay na mayroon ka, yung iba uhaw diyan! Yung mga taong nakaratay at nakaasa na lang sa life machine, yung mga taong nade-dengue na bumababa ng sobra yung platelets kaya kinakailangang masalinan kaagad ng dugo para mabuhay, yung mga taong umaasang makakabalik ng safe sa pamilya nila tapos biglang maaaksidente sa labas ng bahay, hindi mo man lang ba naisip yung mga taong halos maghikahos masalba lang ang mga buhay nila para ‘yang sayo, gawin mo lang biru-biro mo ha?!” Tuluyang nawala ang tawa at pagkakangiti nito, ngayon ay nabalutan ng simpatya ang mukha nito. Mukhang napagtatanto na rin nito ang kabulastugang ginawa. “Paano na lang kung nagbibiro ka nga lang pero aksidente kang nahulog at natuluyan, ha paano na lang?! Naisip mo man lang ba ‘yon, ha?!” Umiiyak na pinaghahampas niya ang matitipunong dibdib nito. Kung alam lang nito ang pinagdaraanan niya ngayon! Kung alam lang nito kung saan siya nanggagaling kaya ganito na lang ang galit niya sa ginawa nitong hindi magandang biro! He never knew that while he’s making a fool of his life, she is actually struggling to prolong hers! “Miss, tahan na. Okay, I was wrong, I admit it. I’m sorry,” pagpapakumbaba nito saka niyakap siya. Saglit siyang umiyak sa dibdib nito pero pagkaraan ng ilang segundo ay nilayo niya ang sarili mula rito. “Miss-“ He tried to reach for her hand but she refused. “Naiintindihan ko naman kung talagang palabiro at masiyahin kang tao pero sana naman, next time maging sensitive ka din sa mga bagay-bagay na ginagawa mong biro.” Tumango-tango ito, he’s really learning from her. She wiped her tears away, nuon niya napagtantong sobrang naging emosyunal siya sa harap ng isang estranghero. “Alam mo ikaw, nakikinita ko sa aliwalas ng itsura mo, sa kung paano kang tumawa at sa mga mata mo, mahaba pa magiging buhay mo kaya sana… sana nama’y pahalagahan mo ‘yang buhay mo. Pahalagahan mo ‘yang buhay na biniyaya ng Diyos sayo.” Hindi na ito nakapagsalita, natitigilan na lamang sa kaseryosohan ng mga sinasabi niya. She is so deep that it stops him to talk because he just wants to listen to her. “Kung ako nga lang tatanungin, kung mabibigyan ako ng pagkakataon na ipagpalit ‘tong buhay ko sa ibang taong alam kong mahaba pa ang buhay, selfish mang masasabi pero hindi ako magdadalawang isip na gawin ‘yon, kasi ganoon ko pinahahalagahan yung buhay na biyaya ng Maykapal. I wanna live long and I even wish reaching kahit age one-hundred man lang sana.” “And you will be, won’t you?” Mapait siyang ngumiti sa tanong nito. She wishes for that to be possible. “I have to go. May importanteng meeting pa akong pupuntahan. Excuse me,” paalam na niya’t tinalikuran ito ngunit hindi pa nakakailang hakbang ay muli niya itong nilingon. Nakatulala pa rin ito sa kawalan na tila ba pilit na ipinaiintindi sa sarili ang laman ng huli niyang mga sinabi. For him, it was really deep. So deep that he couldn’t stop himself from thinking about her. “Nga pala, advice ko lang ulit sayo, pahalagahan at mahalin mo ‘yang buhay mo,” she stated now in a friendly and positive tone again. “Hindi lahat ng tao sa mundo ay kasing swerte mo. Binigay sayo ‘yan for a purpose kaya huwag mong sayangin. Pahalagahan mo ‘yan saka mahalin mo,” ‘yon lang at tuluyan na niya itong iniwang nakatayo at tulala roon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD