Payne's POV
Pumunta na ko sa office ni Dean. Pagpasok ko andun si Pres.
"Okay since Ms.Watson are here Let's start"
Umupo ako sa harap ni Dean bale kaharap ko si Pres.
"Mr. Jones And Ms.Watson. Alam nyo naman siguro na malapit na ang intrams right? So I decided you to manage the Pageant for our Ms. And Mr. Harvard."
Napanganga ako sa narinig ko.
"W-what? Pardon me Dean?" Di ko makapaniwalang tanong.
"Yes you're right Ms. Watson. So that's all." sabi ni Dean.
"But Dean-"
"No buts. "
Napatingin ako kay Pres parang wala lang nangyare. Seriously? Hindi kaya kagagawan to ng mokong na to?
"Mukhang lugi ka pa Watson ah?" Sabi niya sakin.
"Tss. " sabi ko nalang at saka lumabas ng office.
Since 3 days nalang ang Intrams kailangan na naming asikasuhin ang lahat. Ipapautos ko nalang kay Cassie ang booths.
"Oy gaga! Anyare? mukha kang pinagsakluban ng impyerno?" sabi ni Nikki saken.
Di ko sya sinagot dumiretso lang ako at pumasok sa Cafeteria. Dumiretso ako sa upuan namin. Yes. nakserve na to kaya walang magtatangka umupo dito. Since malaki naman at lima ang cafeteria dito bukod pa ang mga fast food di na sila mag aagawan ng upuan.
"Haggardness sis?" Pagkaupo na pagkaupo ko palang yan ang bungad ni Selena saken.
"Ewan ko ba diyan sa pinsan mo. Ayaw magsalita" Sabi ni Nikki.
"Hi Girls" Maya maya dumating si Duchess at si Ed at umupo. Asussual kasama na naman si Kiel. Boyfriend ni Ed.
"Magiging Partner ko si Mokong" paunang sabi ko.
"OMG!Saan?! Sa Ms and Mr. Harvard?! OMG! sabi ko na nga ba eh! Meant to be talaga kayo" Sabi naman ni Duchess at tumili ng tumili.
"Gaga! Asa ka namang sasali ako dun? Edi ako na ang nanalo?" sabi ko.
"Ang lakas naman pala" kantyaw nila.
"Partner ko siya sa Pageant kami ang mag mamanage. So di kami ang sasali. Kami ang Host." sabi ko.
"Ahh akala ko kayo na eh"
Kumain nalang kami. Nonsense lang naman ang sinasabi nila.
Fave's POV
Mula dito tanaw na tanaw ko sya.
"Ayan to-torpe-torpe ka kasi tol. Kung ako sayo? Umamin kana sa kaniya. Nako maunahan ka pa!"
Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Kevin. Di sa first time ko mainlove pero ayoko mareject.
"Hanggang tingin ka nalang sakanya tol? umamin kana ligawan mo na sya" Palibhasa chickboy tong si Keehan
"Eh kung ako nalang kaya manligaw sakanya?" this time napalingon ako kay Kai
Sinamaan ko sya ng tingin at tumawa lang si loko.
"Sasamain ka sakin Hill." sabi ko sakanya.
Tumitig nalang ako sakanya. Aaminin ko na ba? Paano kung ireject ako ng malditang yan? Sa twing lalapit ako laging nakabusangot ang mukha. Sino naman ang magtatangkang manligaw sakanya kung lahat ng lalaki susungitan niya?
Hayst! Bahala na basta aaminin ko na bago ako maunahan ni Sy.
"Pre nga pala, Sasali ako sa Mr and Ms Harvard" sabi ni Keehan.
"Pfft.."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"
Nagtawanan ang mga loko. Pati ako natatawa.
"Puta Pre? Ano papalitan mo si na Harry Sy? HAHAHAHAH!"
"Hoy ! Ang gwapo gwapo ko. Mas gwapo pa ko sa Harry na yun noh! " sabi ni Keehan. Mukhang Desidido na nga sya.
"Hahaha isusuport kita diyan Pare ako na sagot sa kape mo" sabi naman ni Kevin
"Mga gago!" at nagtawanan na naman sila.
Napatingin ako ulit sa direksyon niya. Bakit ba kasi pinapabilis mo yung t***k ng puso ko? argh! Ang hirap umamin ng isang katulad kong gwapo lang. May naisip akong Idea. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan sya.
"Hoy Fave sinong pinipicturan mo?" sigaw ni Keehan at tumawa.
Puta! Napatingin sila sakin pati na rin ang mga tao dito sa cafeteria.Maya maya may lumapit saken. Humanda ka saken Garcia!
"Hi Fave." Ngiti sakin ni Natalya.
"Hello." Sabi ko nalang. She's my childhood friend.
"Di mo naman kailangan kuhaan ng stolen I'm willing to give to you all my pictures. Gusto mo isama ko pa nudes ko"
"Ohhhhhhh" Yan yung kantyaw ng mga tao dito sa cafeteria.
Payne's POV
"Ooohhhh" Kantyaw ng mga tao dito sa cafeteria.
"Hoy gaga! Anong tinutunganga mo diyan? Sabunutan mo na 'yang si Natalya masyadong maharot!" sabi ni Ed.
" Puta pigilan nyo ko bubudbudan ko 'yan ng asin!" Akmang tatayo si Duchess.
"Eww pathetic! Nako sis wag mo gagayahin yang ganyang babae ah baka--" Naputol ang pagsasalita ni Selena nang sumingit ako.
"Seriously Selena? Gusto mo samain ka sakin? As if na magiging ganyan ako kababa duh!"
"Nattie sorry to say pero di ikaw ang kinukuhaan ko ng picture" sabi naman ni Pres.
"eh kung 'di ako edi sino??" tanong ni Natalya.
Tumingin saken yung K4 (Keehan,Kai,Fave at kevin)
"OMG! sabi na ehh sissss eto na siyaaa!" sabi naman ni Duchess na kinikilig pa.
"Ayieeee" eto na naman ang kantyaw nila.
"Sis? are you okay? Why are blushing?" Tanong ni Nikki, sinadya niyang lakasan para marinig ng lahat.
Puta?! Ilaglag ba naman ako? punyeta ka Nikki! Di ko tuloy alam ano irereact ko puta kasi ni Nikki.
Biglang tumayo si Edelyn at kinuha ang phone ni Fave.
"Sino ba kasi to ng magkaalaman na" sabi ni Ed at inopen ang phone ni Fave.
"O-M-G!!!!" Tili nya.
Agad namang inagaw ni Fave yung phone. Nagtitinili si Ed papunta samin. Parang baliw.
"PAYYYYNNNEEEEE OMG!! IKAW ang wallpaper ni Fave!!!" Sigaw naman nya.
Mas lalo akong namula. W-what? W-wallpaper daw? Pero bakit? Huh? Ang gulo!!
Napatingin ako kay Fave na nakatingin lang saken. So sa tingin mo kikiligin ako? A-S-A---
"Hoy Bruha! Baka matunaw si Fave nyan ah? Ayiee lumalandi na sya"
Sa sobrang hiya ko napatakbo ako ng wala sa oras. Teka ba't ba ko tumatakbo? Anung eksena na naman yan Payne? Papansin lang?
"Hoy gaga ka may pa walk out ka pang nalalaman arte neto" sigaw ni Selena.
Lumabas ako ng Cafeteria at dumiretsong Locker. Ano bang ginagawa ko dito? Ba't ba ko dito pumunta?Nilagay ko nalang sa locker yung folder na dala ko. nang may malaglag na maliit na papel.
I love you Payne...
Yan ang naka sulat. Seriously? Ba't di ko napansin to? Kanino naman galing to?
PAYYYYNNNEEEEE OMG!! IKAW ang wallpaper ni Fave!!!
Bigla na naman akong napangiti. Puta Payne nababaliw kana! Erase! Erase!!
"Ahmmm.."
Napaatras ako ng may mag salita. Si Pres.
"Yung about kanina.." sabi nya sheemmmsss!
"Sorry about that" Dagdag nya.
"A-ah hehehe O-okay lang yun" Payne ayos mukha nakakahiya kay Fave.
"Hmm. So,Since you already know about that, Hmm. Can I court you Payne?"
Oy puta First time nya banggitin name ko shemsss... Ang sarap ng boses nya! Tapos Ang yummy! Arghhh Payne stop! Relax! Pakipot muna.
"M-manliligaw ka? Seryoso ka?" unli lang te? kasasabi lang.
"Yes"
"B-but How? I mean, Bakit ako?" tanong ko nakapagtataka kasi aso't pusa kami kung mag away tapos liligawan nya ko?
"I dont know. Honestly? I really dont know bakit ikaw pa, I tried to flirt some other girls but I'm still inlove with the girl in my front."
Ang haba naman ng hair ko. Putek. baka jinojoke time lang ako neto ni Fave nako makakaltusan ko to pag nagkataon.
"Okay pag iisipan ko" Naisagot ko nalang at saka tumalikod baka kung ano pa magawa ko sakanya.
Pero bakit kaya ako? Eh isang hamak na simpleng student lang ako dito. Siya? Isa lang naman sa pinapantasya ng kababaihan. President ng SSG. Varsity Player, at Law student. See?
Dumiretso ako sa P.E namin. Then nakita ko si Fave na nasa Bench nakatingin saken. Enebe Fave wag kang ganyan matunaw ako! Siyempre si ako nag pahalata naglakad ako ng normal.
"Sis!" paglingon ko nakita ko si Selena at Duchess. Same pala kami ng Subject.
"Tignan mo tong si Pres. Mukhang seryoso sayo" Sabi ni Duchess.
"Hay salamat wala si sir, Mag asikaso na lang daw sa nalalapit na intrams" sabi ni Selena at umupo.
Di ko maiwasang di mapatingin kay Fave. Nakangiti syang nakatingin sa Phone nya.Naalala ko na naman yung sinabi ni Ed.
PAYYYYNNNEEEEE OMG!! IKAW ang wallpaper ni Fave!!!
Shemsss! Anu ba tong nangyayare saken? Relax si Fave lang yan!