KABANATA 1

2002 Words
IMINULAT ko ang aking mga mata. Naramdaman ko kaagad ang mabigat na nakapatong sa may tiyan ko. Tiningnan ko ito at napagtantong kamay iyon ng isang lalaki. Nawala ang natitirang antok sa aking sistema nang mapagtanto kong may kasama akong lalaki rito sa kwarto. Kaagad ko siyang tiningnan at nakita ko ang natutulog na binata sa aking tabi. Agad kong naalala ang mga pangyayari kagabi. Ipinikit ko ang aking mga mata. Dahil sa kalasingan ko ay nagawa ko ang makamundong bagay na iyon kahit wala sa plano. Marahan kong tinanggal ang kamay ng lalaking naka-one-night stand ko. Ni hindi ko na nga maalala ang pangalan nito. Tumayo ako at kaagad na kinuha ang mga damit na nasa sahig bago magtungo sa banyo upang makapagbihis. Kailangan ko nang makaalis dito bago pa magising ang lalaki. Walang ingay akong naglakad palabas ng silid. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing nang mapadaan ako sa may kama. Akala ko ay magigising na ito ngunit hindi pa naman pala. Nang makalabas sa silid ay dali-dali akong pumunta sa lift ng hotel para makaalis na sa lugar na ito. Nagulat ako nang tumunog ang aking cellphone. Sa isang application ay tumatawag sa akin ang aking nakatatandang kapatid. “Ate,” bati ko sa kanya. Kinakabahan agad ako ganoong tumawag siya sa akin. “Aiselle, when are you coming back? Aren’t you done with your little vacation there? Baka malaman nina Dad na tumakas ka at tinulungan pa kita!” Napanguso ako sa sinabi niya. Kahit na pinalaki kami ng mga magulang ko sa ibang bansa, fluent kaming magkakapatid sa pagsasalita ng Filipino. Iyon din naman ang gamit namin sa bahay unless hindi namin kalahi ang kausap. “Ate, dalawang araw pa lang ako rito. Ni hindi pa nga ako nakakarating kina Yaya Ruth, eh.” Si Yaya Ruth iyong nag-aalaga sa aming magkakapatid simula pagkabata. Kaya lamang, nang mamatay ang kanyang asawa ay kinailangan niya nang umuwi rito sa Pilipinas dahil sa anak. Ngayon, doon ko planong manatili habang naririto sa Pilipinas. Balak ko ring hanapin ang aming mga relatives na naririto sa Pilipinas kahit hindi ko alam at wala akong ideya kung sino sila. Bata pa ako nang huling umuwi kami rito sa Pilipinas ng pamilya ko. Ni hindi ko na nga matandaan iyon. Naikukwento na lamang sa akin ni Mommy. Hindi na kami nakabalik dahil masyadong mahigpit si Dad. Ni hindi ko nga alam kung anong mga pangalan ng mga kamag-anak namin dito dahil hindi rin namin napag-uusapan nina Daddy. Ang alam ko, he wanted to cut ties with them…or maybe he still communicates with them, pero hindi na sobrang open. Hindi ko alam kung bakit. I rarely go abroad. Kapag napunta ako ng ibang bansa ay kasama parati ang buong pamilya. Unlike my elder sister na kahit saan gustuhing pumunta ay malayang nakakaalis, doble ang paghihigpit nina Dad sa akin. “Isa pa, wala naman sina Dad ngayon diyan sa Italy. They are out of the country at matatagalan pa bago sila makabalik. Please, ate. Give me more time. Hindi pa ako nakakapag-explore. Minsan lang naman.” Nakatakas ako sa bahay namin dahil sa tulong ng mga kapatid ko. Sobrang spoiled ko kasi kay ate at sa dalawang nakababatang kapatid kong lalaki kaya pinagbigyan nila ako. Alam din naman kasi nilang hindi talaga ako nakakaalis. Nami-miss ko na rin si Yaya Ruth kaya naisipan ko na rito sa Pilipinas magbakasyon. Nang magpaalam kasi ako kay Dad noon ay hindi niya ako pinayagan. Nasabihan ko na rin naman siya at kahit na halatang kinakabahan ay pinayagan niya akong tumuloy sa kanila. Ang sabi ko ay ako ang bahala kapag nalaman ni Dad. “Geez, fine! Just always update me, okay? Take care, Aiselle. I love you.” Napangiti ako sa narinig na mga salita ng kapatid. Nakakatakot talaga siya pero sweet pagdating sa aming magkakapatid. “Yes, ate. Thank you. I love you! Send my regards to our brothers.” Matapos iyon ay ibinaba ko na ang cellphone ko at kaagad nagtawag ng taxi para makabalik sa hotel na tinutuluyan ko malapit sa airport. Gosh! I still can’t believe that I gave my v-card to a stranger. It was a pleasant experience, still. Hindi naman maipagkakailang kahit sabog ako kagabi dulot ng alak ay nararamdaman ko pa rin sa sistema ko ang ipinatamasa niyang pagpapasaya sa akin. Hindi na rin sayang. Nang makarating sa hotel ay inayos ko kaagad ang gamit ko. Mag-check out na ako ngayon at pupunta ako sa isang bayan sa Quezon Province. Hindi ko alam kung saan ito ngunit may mapagtatanungan naman siguro ako ng address na ibinigay sa akin ni Yaya Ruth. Naligo ako at nagpahinga lamang sandali bago tuluyang umalis ng hotel. Panay ang pagtatanong ko kung saan ako dapat pumunta at sumakay sa mga nakakasalubong ko. Tinutulungan naman ako ng mga tao, siguro sadyang wala lamang akong sense of direction and ended up being lost. Ang sakit na ng paa ko kakalakad pero hindi ko pa rin alam kung saan ako dapat pumunta. Tinangka kong sumakay ng taxi pero parating may mga sakay ito dahil nagmumula ang mga ito sa airport. Tumigil ako sandali sa paglalakad nang makita kong green light. Ayoko namang masagasaan ‘no. Nang maaari nang tumawid ay naglakad na akong muli. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may isang kotse ang humaharurot kahit na naka-red light naman! Halos mabangga ako ng kotse. Mabuti na lamang at tumigil ito sa tamang distansya. Kakaunti kasi ang sasakyan sa kinaroroonan ko kaya siguro ang bilis magpatakbo ng isang ito. Natumba ako sa lupa dala na rin ng pagkagulat. Napamura pa ako sa isipan ko nang makaramdam ng hapdi sa aking magkabilang palad dahil sa pagkakatuon nito sa lupa. Kaagad na bumaba ang driver ng humaharurot na sasakyan at nilapitan ako. “Hey, are you alright?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Galit akong tumingin sa kanya at kung maaari lamang magbuga ng apoy sa galit ay ginawa ko. “Alright? How dare you asked me that after almost hitting me! Marunong ka bang tumingin sa traffic light? Kitang-kita mo na ngang red, eh!” Kung ipabalik ko kaya ito sa driving school? Akala mo hari ng kalsada kung magmaneho. Sasabog ko pa sana ako nang mas malala dahil sa kawalang disiplina niya sa pagmamaneho nang mamukhaan ko ang lalaki. Pakiramdam ko ay ganoon din siya dahil titig na titig ito sa akin. Napalagok ako sa sariling laway nang hindi nga ako magkamali sa hinala ko. Siya iyong lalaking iniwan ko sa hotel kanina! The man who took my v-card! Shit! Dahan-dahang nagsalubong ang kanyang kilay nang kagaya ko ay maproseso na rin siguro ang katauhan ko. “You…” Itinuro niya pa ako. “Ikaw iyong kagabi, hindi ba?” Gusto kong tumanggi. Pwede kong sabihing hindi ako iyon at hindi ko siya kilala. Pero…parang imposible naman dahil mukhang naalala niya ako. Hindi ako nagsalita. May bumusinang isang sasakyan sa amin kaya’t tumingin siya roon sandali bago ibalik sa akin. “Get inside the car,” utos niya at itinuro ang kanyang kotse. Ngayon ay ako naman ang salubong ang kilay. “Bakit ako sasama sa ‘yo—” “Ihahatid kita kung saan ka papunta. I have things to ask you too. Sumakay ka na sa kotse.” Dahil maganda naman ang naging offer niya at nawawala na talaga ako sa landas ay tinanggap ko iyon. Sumakay ako sa kotse niya at ganoon din siya. “Saan ka ba papunta?” he asked, casually. Pinaandar niya nang muli ang kotse niya at papunta sa hindi ko alam. “Sa Candelaria, Quezon.” Huminga ako nang malalim. “Wala nang bawian ang alok mong paghahatid sa akin, ha? Hindi ko rin alam ang papunta roon.” Narinig ko ang pagmumura niya at sinabi ang mga salitang, “ang layo!” Ganunpaman ay hindi naman niya binawi ang offer niyang paghahatid sa akin. Tiningnan ko ang lalaki. Damn, I forgot his name! Hindi ko tuloy alam paano ko siya tatawagin. “Uhm, hey…so, ano iyong itatanong mo sa akin?” Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa kanya ngayon. Kanina ay galit ako dahil sa nangyari pero ngayon…nahihiya naman. Nahihiya ako dahil iniwan ko siya kaninang umaga nang walang kahit anong huling salita. But that was a one-night stand, hindi ba? Kailangan ba magpaalam? Aren’t one-night stands supposed to be like that? Inunahan ko lang siyang iwanan ako. “Were where you? When I woke up in our hotel room, wala ka na roon. I was looking for you everywhere!” Kalmado man siya ay may riin ang bawat salitang binibitawan niya. “Well, I woke up and go. Bakit? Dapat ba hinatayin kitang magising? Kailangan ba may proper farewell tayo bago maghiwalay?” sarkastiko kong tanong sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang bigat ng kapaligirang unti-unting bumabalot sa aming dalawa. Tiningnan niya ako sandali. Ang kanyang mga mata’y matatalim. Na kung kaya ka lamang saksakin sa pamamagitan ng tingin ay nasugatan na siguro ako. Hindi siya nagsalita. Umigting lamang ang kanyang panga kaya’t ngumisi ako. Parang gusto ko pa siyang asarin. “Bakit mo ako hinahanap? Siguro sinadya mong masagasaan ako kanina ‘no?” Humalukipkip ako at sumandal sa backrest ng kinauupuan ko. “No. It was an accident. May iniisip ako tapos nakita kitang tumatawid. Ni hindi ko nga alam na ikaw iyong…kasama ko kagabi.” Bumuntong-hininga siya at umiling. “I was looking for you because I thought you were foreign to this country. Baka mamaya kung ano pang masamang mangyari sa ‘yo. Kargo de konsensya pa kita.” “Okay lang naman ako. Buhay na buhay pero muntikan mo nang patayin.” Somehow, I feel disappointed na hindi niya ako hinahanap sa dahilang iniisip ko. I thought after our steamy night, he was attached to me. Well, wala ako sa pelikula. Hindi iyon nangyayari nang ganoon kabilis. And hello! Virgin ako nang may mangyari sa amin. Imposibleng may makita siyang espesyal sa ginawa ko kagabi. Malamang ay mas may magagaling pa siyang nadala sa kama. “I apologized, okay? Hindi ko sinasadya.” Tiningnan niya ako sandali bago muling magsalita. “Your name is Aiselle, right?” Tumingin din ako sa direksyon niya. Tumango ako. He remembered my name! Hindi ako makapaniwala lalo na’t ako’y nakalimutan ko ang kanya. “And you are? Sorry, my memories from last night were a little vague.” Iniliko niya sa isang kanto aang kotse niya bago ako sagutin. “Yago.” Ngumiti ako. I can be friendly naman sa taong naka-one night stand ko, hindi ba? Wala namang rule na bawal. “Nice meeting you and thank you sa gagawin mong paghatid sa akin.” Hindi siya nagsalita. Mahigpit lang siyang nakahawak sa manibela habang tahimik na nagmamaneho. Napaismid ako. Medyo suplado. Supladong gwapo. Napangiti ako sa iniisip. “Anong gagawin mo sa Candelaria? Naandoon ba ang pamilya mo?” Sinilip niya ako sandali bago ibalik sa daan ang atensyon. “Hindi! Dadalawin ko lang iyong nagpalaki sa akin. Tapos baka hanapin ko ang relatives ko rito sa Pilipinas.” Kahit hindi ko alam paano ko iyon sisimulan. I have no clues! Itatanong ko na lang siguro kay Ate. I’m sure may alam siya. “And your family? Nasaan sila?” He eyed me cautiously. “Nasa ibang bansa. Wala sila rito.” Tumango-tango si Yago. “Okay, so why are you here alone?” And daming tanong! Tiningnan ko si Yago. Nakatingin din siya sa akin dahil nakatigil sa pagtakbo ang kotse. Napalagok ako nang makita ko nang malinaw at malapitan ang mukha niya. He looks like a Greek f*****g god! Napanguso ako. Ayoko sanang sagutin iyong katanungan niya but…oh well. Wala rin naman akong mapapala kung itatago ko. “I ran away from home.” Kung paglalayas nga bang maituturing ito. “My parents don’t have the slightest idea about my whereabouts.” Kitang-kita ko ang panlalaki sa kanyang mga mata. Na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD