TRIGGER WARNING! DAHAN-DAHAN akong napaupo sa sahig nang malaman ko kung sino ang aking ama. Kung kanina ay tahimik na lamang akong umiiyak, ngayon ay humagulhol na naman ako at sumigaw, dahil pakiramdam ko ay hindi kakayanin ng pagluha ko lamang ang tindi ng nararamdaman ko. Si Atlas Mazariego ang aking ama. Ang lalaking sumira sa mga Benavidez noon. Ang lalaking…kinamumuhian ni Yago. Hindi ako makahinga. Napahawak ako sa aking dibdib. Itinuon ko rin ang isang kamay sa sahig dahil pakiramdam ko, mawawalan na lamang ako ng lakas dito. Lumapit si Mommy sa akin, ngunit bago niya pa iyon magawa ay nagsalita na ako. “S-Sinasabi ninyo ba sa akin na ang ama ko ay ang lalaking…pumatay sa buong pamilya mo, Mom?” Tumingin ako kay Dad. “Ang pumatay sa iyong ama, Daddy?” Gusto kong may makapit

