NAKATITIG ako ngayon sa kabilang bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala na roon nakatira ngayon si Yago. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mananatili rito pero ang sabi niya ay nagtatago rin naman siya sa ngayon kaya mas maganda rito na lang niya ubusin ang oras niya.
Nagtatago? Siguro dahil iyon sa scandal na nabanggit niya sa akin. Ang sabi niya ay nag-iimbestiga pa ang pamilya niya at para hindi siya dumugin ng media ay pinaalis siya ng kanyang ama sa syudad.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang mga iniisip. I can’t evaluate my feelings about this. I don’t understand if I’m happy that he’s staying or not.
“Ace,” tawag sa akin ni Yaya Ruth. Nilingon ko siya and I put a happy face for her. “Sigurado ka ba na hindi mo boyfriend ang lalaki?”
Bumagsak ang ekspresyon ng mukha ko. Kilala ko ang tinutukoy niya pero magpapatay malisya ako roon.
“Who, Yaya?” I asked nonchalantly.
Yaya made a face, na akala mo ay nahuli niya nang nagsisinungaling ako. Still, I wasn’t fazed. Nagkukunwari pa rin akong hindi nakukuha ang gusto niyang i-point out.
“Iyong nasa kabilang bahay! Si Yago Benavidez?”
Namilog ang aking labi na akala mo ay ngayon ko lang na-gets ang kanyang sinabi. Umiling ako at muling ngumiti sa kanya.
“Nope, Yaya. He’s not my boyfriend. I just met him—the other night—basta!” Namula ang aking pisngi nang mapagtanto ang nangyari noong nakaraang gabi. Bakit ko nga ba iyon sinabi pa kay Yaya? Paano kung magtanong siya? Would I tell her that Yago took my v-card! No way!
Nagkibit balikat si Yaya Ruth pero kita ko pa rin sa kanyang mga mata na hindi siya naniniwalang kaibigan ko lamang si Yago. Hinayaan ko siya sa kung anong gusto niyang isipin.
May mga kababaihang lumapit sa apartment ni Yago and they are talking about something. The girls squeal with anticipation when Yago appeared in front of them.
Hindi ko alam kung bakit awtomatikong kumunot ang noo ko sa nasaksihan. Seeing girls flocking in front of the man I had a one-night stand with is leaving a bad taste in my mouth.
Humalukipkip ako at nanatiling nakatitig sa kanila. Walang kahiya-hiya nilang pinagkaguluhan si Yago kahit alam ko naman na hindi nila ito kilala at kakakita lamang kanina.
Nakaramdam ako ng iritasyon habang pinagmamasdan sila. Yago is casually talking to the girls naman. Walang masyadong ekspresyon pero hindi siya nagiging bastos at kinakausap nang maayos ang grupo ng mga babae.
Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa baywang habang patuloy pa rin sa pagsagot ng mga tanong na ibinabato sa kanya.
Ngayon ko lang siya nakita na nakasimpleng t-shirt at hindi shirt na long sleeves. Nakita ko tuloy nang maayos ang kanyang tattoo. He has a sleeve tattoo on his left arm. Tribal ang tattoo niya na may halong…
Kumunot ang noo ko nang may mapansing pamilyar sa detalye ng tattoo niya. Naglakad ako papalapit doon at walang sabi-sabing hinawakan ang braso ni Yago kung saan nakaukit ang maganda niyang tattoo.
Natigilan sila sa pag-uusap dahil sa biglaan kong pagpapakita. I didn’t mean to interrupt them from their flirting but…
“What’s wrong?”
Nag-angat ako ng tingin kay Yago at wala sa sariling itinuro ang tattoo niya. Kalakip kasi ng mga tribal tattoo ay isang pamilyar na simbolo sa akin.
“Your tattoo…” panimula ko at muling tinitigan iyon. “It’s kind of familiar to me.”
Inaalala ko kung saan ko nakita ang tattoo na ito ni Yago kaya lang ay hindi ko na matandaan.
“It’s our family emblem,” he simply answered.
Tumango ako bago siya bitawan. Humingi ako nang paumanhin sa biglaan kong pagsulpot habang nakikipag-usap siya.
“S-Sorry. Nagulat lang ako na pamilyar sa akin ang tattoo mong iyan.” Lumilipad pa rin ang isapan ko sa kung saan ko nakita ang family emblem nilang ito.
Benavidez? Did I ever hear that last name? Ngayong iniisip ko nang malalim ay nagbubuhol-buhol ang aking alaala na akala mo ay ayaw ipaalala sa akin ang lahat ng mga detalye.
“Saan mo nakita ang emblem ng pamilya ko?” Tumaas ang isang kilay niya as his lips twitched.
Napatitig ako sa labi niya, bigla kong naalala kung paano niya ako halikan—why did I remember that all of a sudden? Distraction!
“Ah, hindi ko na matandaan. Siguro sa sobrang dami kong nakikita ay naghahalo-halo na sila sa isipan ko.” Pilit akong ngumiti at tinalikuran na siya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ganoon ang kaso.
Muli kong nilingon si Yago at nakita ko na nakatitig pa rin siya sa akin. His eyes were dark and mysterious na para bang kagaya ko ay may malalim din siyang iniisip.
Una ako nag-iwas ng tingin at pumasok sa loob ng bahay nina Yaya Ruth.
Tulala ako sa sala nang maalala ko na nabanggit ang edad ni Yago kanina. He’s about the same age as my older sister. Kaedaran siya ni Ate Maxine. Meaning halos dalawang taon ang agwat ng edad naming dalawa.
“Oh, Ace!”
Napaangat ako ng tingin kay Kuya Benj nang tawagin niya ang palayaw ko. Ngumiti ako kahit na I am still in deep thoughts. Sa gilid niya ay may nakita akong babae.
Ngumiti ang babae sa akin at ganoon din ang ginawa ko. Alam ko na may pagkamaldita raw ako sabi ng ilang kaibigan, pero ang ugali ko naman ay nakabase sa ugali ng mga taong nakakasalamuha ko. Kung bitchesa ka sa akin, do you think I’ll be good to you? No-uh.
“This is my girlfriend—Ayen. Si Ace, alaga ni Mama noong nasa Italy pa.”
Ngumiti ako rita at kumaway. Mabait din naman akong pinakitunguhan ni Ate Ayen.
“Saan ang punta mo, Kuya Benj? Para kang nagmamadali, ah?”
Nakakasundo ko si Kuya Benj kahit na hindi pa ako ganoong katagal dito. Para ko na nga siyang nakatatandang kapatid kung itrato.
“Oo, may laro kami ng basketball. Isasama ko nga si Yago. Sa laki ng katawna noon, pakiramdam ko ay athletic siya.” Tumawa si Kuya Benjamin matapos ang sinabi niya.
Nakuha nito ang atensyon ko. “Oh? Maglalaro rin si Yago?”
Naisip ko tuloy kung marunong ba siyang mag-basketball. I mean, halata naman sa katawan niya na sporty siya pero malay ko ba kung mahilig lang siyang mag-gym with no sports at all.
“Oo raw. Sama ka! Nang malibang ka naman. Naandito naman si Ayen. Hindi ka magiging mag-isa mamaya kapag nasa court na kami.”
Dahil wala rin naman akong magawa sa buhay ko ay sumama ako sa kanila.
Nilakad lamang namin ang papuntang court. Tinanong ko kung nasaan si Yago nang hindi ko siya makita at ang sabi ni Kuya Benj ay susunod na lang daw.
“Grabe talaga charisma ng lalaking iyon! Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan, eh!” komento ni Kuya Benj. Napanguso ako dahil totoo iyon. Nakita ko siya kanina na may mga kinakausap na babae! Hindi lamang iyon, makalipas ang ilang sandali ay nakita ko ulit siyang may iba na namang mga kausap at kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay iniirapan ko siya. Kung bakit ay hindi ko alam.
“Nako, oo! Bukod kasi sa taga Manila si Yago ay magandang lalaki rin. Marami talagang manghuhumaling sa kanya. Kanina nga sa tindahan ay siya ang pinag-uusapan. Iisang araw pa lamang siyang nakatira sa apartment ay siya na ata ang bukambibig ng lahat ng babae rito.”
Hindi ko gusto ang tunog nito. Ewan ko, naiirita ako na naririnig kong pinag-uusapan ng ibang babae si Yago.
Ikinunot ko ang noo ko. Oh, come on! Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Wala namang namamagitan sa aming dalawa.
Hindi kaya dahil siya ang…first ko?
I gasped with that realization. Hindi naman siguro! Hindi naman ako ganoong babae na ma-a-attach sa isang lalaki dahil lang sa s*x o hindi kaya’y dahil siya ang nakauna sa akin.
I erased those thoughts. Huwag ko na ngang isipin si Yago. Ni hindi pa nga ulit kami nag-uusap simula noong malaman ko na mag-stay rin siya rito.
Nakarating na kami ng court. Maraming tao at halos lahat ay babae. Narinig ko ang pagtawa ni Kuya Benj.
“Mukha kumalat agad ang pagsali ni Yago sa laro. Fan girls niya mga ‘yan, eh.”
Muli akong nairita sa komento niya. Hindi ko alam bakit naiinis ako kapag ganito ang topic.
Naupo ako sa bleachers kasama si Ate Ayen. Nagkwentuhan kami habang naghihintay ng mangyayaring laro nang bigla na lamang magsigawan ang mga babaeng naririto.
Tiningnan ko ang rason ng pagtili ng lahat at nakita ko nga ang paglabas ni Yago mula sa kanyang kotse.
“Grabe, akala mo yayanig ang buong court!” Humalakhak si Ate Ayen pero hindi ako nakasabay. May naramdaman akong kumukulo sa loob ng katawan ko at alam kong dugo ko iyon.
Tumunog ang aking cellphone kaya’t tiningnan ko ito. Hindi pa naman magsisimula ang game nila kaya may time pa akong malaman kung sinong tumatawag.
Nakita ko ang pangalan ni Ate sa isang app na ginagamit namin para makapag-usap.
Tumayo ako at umalis sa kinauupuan ko. Tinawag pa ako ni Ate Ayen pero sinabi ko na may kakausapin lang ako.
“Pronto!” masiglang bati ko sa nakatatandang kapatid, ipinapahiwatig na handa na akong makipag-usap. Sa tuwing tumatawag siya ay kinakabahan ako dahil baka ibalita niya sa akin na alam na nina Dad na nawawala ako sa bahay.
Hindi ko alam how did they do that. Wala akong ideya kung anong sinabi nila sa mga tauhan naming naiwan sa masyon sa Italy at hanggang ngayon ay hindi pa hinahalughog ni Dad ang buong mundo para lang makita ako.
“Hi, just want to ask if you are okay? Having fun, Ace?” tanong niya sa akin. “Tumawag na ako dahil baka hindi na ako makatawag sa mga susunod na oras o araw. Everyone’s hysteric right now dahil sa pagkawala mo. Well, sinabi namin na hanapin ka na muna bago mag-report kay Dad. Dahil alam nila na sa kanila magagalit si Dad, napaikot namin sila at nakumbinsi. We’re delaying them, para wala agad magsabi kay Daddy ng nangyari. Silver and Yvo are handling the situation smoothly right now.”
“Okay naman ako, ate.” Natuwa ako na maging ang mga nakababatang kapatid naming lalaki ay tinutulungan ako sa kalokohan ko.
May naalala nga pala akong itatanong sa kanya kaya itinanong ko kaagad nang hindi ko makalimutan.
“I’m planning to meet some of our relatives here. Alam mo ba kung nasaan sila o kahit pangalan na lang nila. Para lang may ideya ako. Minsan ay nababanggit ni Daddy na may kamag-anak tayo rito pero walang ibang binibigay na detalye. Bago ako umuwi ng Italy, gusto ko sana silang puntahan.”
Tumigil si Ate Maxine sandali. For a minute, I thought the call ended pero hindi pa naman.
“Huwag na, Aiselle…” she said in a low and soft tone. “Ayaw ni Dad na pinag-uusapan sila for a reason. ‘Tsaka wala akong alam—”
“I don’t believe you.” Humalakhak pa ako. “Hindi ba may bumibisita kay Dad lagi sa Italy. I forgot his name. Si Tito…uhm…Tito Zav!” sigaw ko nang maalala ko ang pangalan niya.
I never met him in person. Naririnig ko lang ang pangalan niya but haven’t seen Tito Zav personally. Hindi ko alam kay Dad. Masyado siyang matago. Sa amin atang magkakapatid ay si Ate at Silver lamang ang nakaharap sa tito naming iyon. Siguro kasi rati ay si Ate ang tagapagmana ng posisyon ni Dad ngunit nang ipanganak si Silver ay napunta kay Silver ang posisyon, kaya maraming alam ang dalawa sa mga bagay-bagay na nangyayari sa pamilya namin, unlike me.
I am not sure if Yvo, the youngest among the Montecalvo siblings, has an idea, pero baka pareho lang kaming walang alam.
Bumuntong-hininga si Ate sa sinabi ko. “Malaking problema kapag nagpakita ka sa kanila. Malalaman agad ni Dad iyon.”
Bumagsak ang balikat ko pero pinagpilitan pa rin ang gusto. “Just tell me. Alam kong may alam ka. Imposibleng wala.”
I wonder if Dad is mad at them. Ngunit kung galit siya bakit nakikipag-usap pa rin siya kay Tito Zav?
“Fine.” Bumuntong hininga si Ate. Nakarinig ako ng ilang ingay dahil mukhang magsisimula na ang game.
Napatingin ako sa likod ko. Sobrang lakas ng sigawan na mas naririnig ko pa sila kaysa ang maintindihan ang sinasabi ng kapatid ko.
“Benavidez.”