LUMAPIT siya sa akin. Agad kong dinungaw ang batang lalaki na buhat-buhat niya. Nakapikit ang mga mata ng baby pero kahit ganoon ay nakaramdam ako ng tuwa. “Sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. I’m still searching for Diego, and there’s a lot of things na nangyayari sa Pilipinas.” Hinalikan ko ang gilid ng ulo ni Aiselle bago kunin sa kanya ang anak naming dalawa. She gave birth to a healthy baby boy. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang unang lalaki sa henerasyon nila—the first born. Iilan lamang sa miyembro ng pamilya namin ang nakakaalam ng tungkol sa anak namin ni Aiselle. Maging si Azriel ay walang alam dito. Sa pinsan ko, si Zeke lang at ang mga kapatid ni Aiselle. Komplikado pa ang lahat na ayoko munang ipaalam sa marami ang tungkol sa bata. “Hindi pa rin ba nahahanap

