KABANATA 4: La Miero Enterprise

1705 Words
Kahapon ay mariing ipinaliwanag sa akin ni Wendy ang mga gagawin ko. Isinulat pa nga niya ito sa notebook. Halos nakagamit siya ng sampung page sa dami niyang bilin sa akin. Dinaig pa si Papang. Unang-una na bilin sa akin ni Wendy ay lagi akong tatawag at magti-text sa kanila. Huwag ko raw kakalimutan dahil laging nag-aalala si Papang. Sunod naman niyang bilin ay ang address ng motel na negosyo ng pamilya ni Wendy. Libre ang tirahan ko at sabihin ko lang daw ang pangalan niya. Kahit ilang araw daw ako hanggang sa makapasa sa trabaho at makahanap kung hindi man matatanggap. Naku, matatanggap kaya ako. Sa ganda kong ito? Bulag na lang ang tatanggi! Ilan pa sa mga bilin niya ang tungkol sa mga scammer sa syudad, mga buwaya maningil ng pamasahe, at ang pagkain ko sa tamang oras. Kung kailangan ko raw ng tulong ay tumawag lang ako. Ako pa ba, mauuto? Subukan lang nila. Magaling kaya ako mag-salestalk. Nakasakay ako sa bus papuntang Maynila. Bumaba na ang matandang babae na katabi ko kanina. Malapit na raw ako, mga bente minutos na lamang na byahe. Sumakay na lang daw ako ng tricycle pagkababa ko ng jeep diretso sa kumpanyang pupuntahan ko. Baka nagtataka kayo. Bakit nga naman ako luluwas ng Maynila kung hindi pa ako natatanggap? Aber, kailangan daw ng audience ko! Kahapon din ng hapon ay nag-email sila sa akin. Na kailangan kong pumunta sa kumpanya. Aalis pa rin naman talaga ako at luluwas sana kahapon, ngunit gabi na. Kaya pinagpabukas namin at saktong email naman nitong La Miero. Hindi ko na kailangan pang mag-apply sa iba. My life is so great talaga, alam ko namang hindi nila ako aayawan. Baka crush ako ng recruiter kaya kailangan daw ng audience ko. Sayang at hindi pwedeng sumama si Wendy. May taga-palakpak sana ako. Makalipas ang halos mahigit kalahating oras ay nakarating na ako sa bababaan kong terminal. Ito na nga yata ang sinasabi ni Wendy na delubyo ng mga lungsod. Kung sa amin ang traffic ay mga tao lang, dito iba't ibang sasakyan ang halos magkabuhol-buhol na sa kalsada! Hila-hila ang aking maleta ay kaagad akong sumakay ng tricycle. Mabuti na lamang at may pila. Tinanong ko rin muna bago ako magpa-diretso dahil baka mahal. Sixty pesos lang daw papunta roon ang arkila kaya gumora na ako. Ay ano pa ga ang iaarte? Siksikan kapag nag-intay pa ako ng pasahero. Ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa harap ng napakataas na building. La Miero Enterprise, napakaganda nito mula sa labas. Parang palasyo. Paniguradong napakayaman ng may-ari nito. Dumiretso naman ako sa guard at ipinakita ko pa ang email ng kumpanya sa akin. Pinaningkitan pa ako ng mata ni kuya bago ako papasukin. Mag-intay lang daw ako sa lobby at may susundo sa akin. Akala niya ba ay scammer ako? Sa ganda kong ito? Ay kuya, false news ka! Hindi pa ako nakaka-upo ay may lumapit na sa akin na babaeng naka-tuxedo. Mukha siyang maton at maganda ang katawan. Kinuha niya rin sa akin ang maleta ko at siya na ang naghila. Feeling princess naman ako rito. Siguro ay gustong-gusto akong kuhanin ng kumpanya. Ang sabi pa sa email, wear something white. Be decent and formal upon arrival at the company. Kaya ito, nakasuot ako ng puting mermaid dress na hanggang ilalim ng tuhod. Fitted ito sa akin at may kwelyo. Hindi kita ang balikat ko kung kaya't formal pa rin. Pinahiram naman ako ni Wendy ng kaniyang magandang sandals na may 2 inches na takong kaya hindi ako nahihirapang maglakad. Hello, suki ako ng muse dati sa mga liga! Easy lang sa akin ang 7 inches— na takong. Sumakay kami ng elevator at lumabas sa top floor. Napanganga pa ako dahil sa ganda ng loob nito. Nakakatakot humawak ng kahit ano, baka may mabasag ako o kaya ay madumihan. Kasalanan ko pa, magbabayad pa ako! Baka mas mahal pa ito sa buhay ko. "Nandito na tayo, Ms. Matuwid. Pumasok na kayo sa loob at naghihintay na si Mr. Etchelion. Kanina pa niya kayo inaabangan," tuwid na sabi ng babaeng nag-escort sa akin. Nagpasalamat naman ako at pumasok na. Kukuhanin ko sana ang maleta ngunit inilingan niya ako. Mukhang sa kaniya muna. Sabagay, panira ng outfit. May dala-dala naman akong tote bag na lagayan ng aking dokumento. Sabi pa nga ni Wendy ay palitan ko raw dahil hindi bagay sa outfit ko. Aba, uso kaya ito! Minimalist daw at estetik sabi ng mga binatilyo naming kapitbahay. Itinulak ko ang mala-gate ng munisipyong kahoy na pintong ito. Napakabigat, bakit naman ganito!? May sumunod pang pinto kaya bagsak ang aking balikat. Sinubukan kong buksan ang glass door na ito ngunit ayaw. Nakita ko naman ang buton sa gilid kaya pinindot ko ito. "Tao po?" Agad na bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang malawak na opisinang tanaw ang buong dagat. Nakatalikod naman ang isang matangkad na lalaking bakas na ang kakisigan kahit nakatalikod. Face reveal naman po, ahihi. "Good morning po, sir. Ako po ang aplikante na nag-email. Ang pangalan ko po ay Maria Salina— oh la la." Nang magkatinginan kaming dalawa ay talagang luwa ang mata ko. Matangkad, makisig, moreno, at saksakan ng gwapo ang boss kong ito. Jojowain po, papakasalan. Papakidnap, magpapakatay na rin. Nasa kaniya na ang lahat. "I know your name already, Ms. Matuwid. Have a seat. Lingid sa kaalaman mo ay ibang trabaho ang iaalok ko. Mas malaki ang kita ngunit mas mahirap ang trabaho. Handa ka na ba?" gwapo niyang tanong. Kapag paglakad niya ay gwapo. Pagpikit niya ay gwapo, maski ang paghinga. Siya na yata ang ang pinakagwapong human na nakita ko sa buong buhay ko. Parang nag-drawing at kusa siyang lumabas sa papel. Perpeksyon, nakaka-akit siya. "Kahit ano po, sir. Kayo po ang bahala kung anong trabaho ang ibibigay niyo sa akin. Basta po malaki ang sahod tapos po ay kasama ko kayo. Kahit po bonus na iyong kasama ko kayo. Tanggapin niyo lang po ako," nakatulala kong sabi sa kaniya. Napangisi naman si Mr. Etchelion. Oh la la, pa-kiss! "That is good to hear, Ms. Matuwid. Buksan mo ang envelope na ito." Umupo si Mr. Etchelion sa tapat ko at binigay sa akin ang envelope. Agad ko naman itong binuklat. "Marunong ka naman sigurong bumasa ng kontrata?" tanong niya. Tiningnan ko naman ang kontrata at mabilis na binasa. English ito kaya madali kong naintindihan. "Ayon sa mga nakasulat ay kailangang lagi kitang kasama, wala kang magiging boyfriend, at dapat ay marunong kang makisama. Kaya mo bang gawin lahat ng iyon?" prente niyang tanong at ipinaikot sa kaniyang kamay ang ballpen na nasa mesa. "Opo, sir. Kahit labis pa. Kayang-kaya ko. Virgin din po ako kung hindi niyo naitatanong," kire kong sabi. "Weh?" natatawa niyang komento. "Totoo, sir! Testing niyo pa!" masigla ko namang sagot sa kaniya. Nasamid naman si Mr. Etchelion kahit walang iniinom. Pumasok siya sa kanang pinto na parang biglang nagwalk-out. May nasabi ba akong mali? Wala naman ah? Nagkibit balikat naman ako at binasa ang kontrata. Madali lang ang trabaho. Parang magiging sekretarya niya ako at lagi niya akong kasama lagi. Gusto ko nga iyon, lagi ako may makikitang pogi. Libre tirahan, libre pagkain, libre hatid at sundo, libre na rin ang iba kong luho. Saan ka pa? Hindi rin nagbibiro ang 200,000 pesos na sahod kada-buwan! Aba, saan ako kukuha no'n!? Paglabas ni Mr. Etchelion mula roon sa silid at namumula siya. May hawak siyang bagong envelope. Ibinigay niyo ito sa akin at inabutan ako ng ballpen. "Kapag pinirmahan mo ito at bibigyan kita ng kalahating milyong signing fee, ngayon din mismo. Pipirma ka lang—" Hindi ko na siya pinatapos at inagaw na ang ballpen. Agad ko itong pinirmahan at inabot sa kaniya ang papel pagkatapos. Abot-tenga ang aking ngiti. Aba! Kalahating milyon na iyon, tatanggi pa ba ako? "Asawa na kita, Salina. Wala ka ng takas." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mr. Etchelion. Napatayo ako ngunit agad niyang hinablot ang aking braso. Aba, landian lang dapat! Ayaw ko pang mag-asawa! Yari ako kay Papang! At saka bakit asawa agad eh hindi nga kami kinasal!? "You are mine now, Salina. You will work for me and you will be my wife. Obey my orders and if you will be a brat, I will show you what this man can do." Binitawan niya ang aking braso at tumalikod sa akin si Mr. Etchelion para luwagan ang kaniyang neck-tie. Bakat na bakat naman ang magandang pang-upo ng asawa este boss ko. Aba, hindi ako magpapadala! Wala munang pogi-pogi ngayon. Ala eh, nalabas ang pagiging Batangeña ko. Masampolan nga at baka sakaling maturn-off kahit alam kong sobrang ganda ko. Yari talaga ako kay Papang! "Ala eh, anong asawa? Virgen pa ako! Sekretarya ho ang akong inaplayan at hindi maging i-slut. Naiintindihan kita! No English-English!" matapang na sabat ko naman "Wether you like it or not, you will be my wife for three months. Magbihis ka na kung ayaw mong hubaran pa kita. May pupuntahan tayo, nasa couch ang paperbag. Nandiyan ang susuotin mo para sa pupuntahan natin." Iniwan ako ni Mr. Etchelion na nakanganga. Muli siyang pumasok sa kanang silid at iniwan akong nakatayo. Kontrata, asawa, kalahating milyon, wala na akong magagawa. Naghahalo-halo sa utak ko ang lahat. Kung hindi lamang siya gwapo, baka sumigaw na ako at tumawag ng pulis. Kaso baka ako pa ang mapag bintangang may balak na masama! "Ako? Asawa? Ni pogi na iyon? Trabaho ang aking ipinunta at hindi kaharutan! Yari ako nito ay, malalatayan ni Papang! Wala na nga akong pera, mag-aanak pa!" hindi ko napigilang sigaw. Napa-upo naman ako sa sosyal na couch na nasa gilid. Syempre, kapag nag-asawa ka diretso anak na iyon. Alam kong maganda ako, baka crush na nga ako ni Mr. Etchelion ayaw niya lang aminin. Aba, kakakita lang sa akin kasal na raw kami! Kakausapin ko nga muna siya, baka na love at first sight sa akin. Baka masyado akong mapanghusga at masaktan ang damdamin niya. "Etchelion, mag-usap tayo!" matapang kong sigaw at malakas na tumadyak sa sahig. Nagulat din ako sa aking inakto. Hala ka, nasisiraan na yata ako! Bakit ko naman ginawa iyon!? Baka masisante pa ako nito! Walang sahod ang pagiging asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD