Ameri's POV Na-at home ako dito sa likod ni Vince, ang hirap tuloy bumitaw. Lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya at sinandal ang pisngi ko sa batok niya. "Ameri?" "Hmn?" I can feel his breathing. Ang bango niya din, kainis! "Ameri?" Bahagya niya 'kong nilingon at inalis ang helmet niya. "Ameri, pinagtitinginan na tayo ng mga tao, and please have mercy on me, I can control but not for long." Tsk! Patamad kong inalis ang helmet ko at bumaba sa Harley. Napalunok ako nang makita ko na nasa tapat na kami ng hospital. "V-Vince wala namang masakit sa likod ko, m-mamasyal na lang tayo sa iba." "No. Magpa-general check-up ka na din habang nandito tayo." "No!" Napalingon siya sa 'kin. "T-Takot ako sa ospital...p-please V-Vince, umuwi na lang tayo." Hindi ako umalis sa tabi n

