Ameri’s POV Tumakbo ako papasok sa loob ng elevator pero sa kamalas-malasan ay naipit sa papasarang pinto ang laylayan ng suot kong mahabang cloak. Ugh! Bakit ba naisipan ko pang magsuot ng ganito kalaking cloak para lang makapag-disguise!? Hinila ko ang laylayan at dahil sakto ring bumukas ang pintuan, tumalsik ako sa dingding ng elevator. Hay....at kelan ko ba matatakasan ang mga malalaking lalakeng 'to? And I'm also thinking kung saan sila nakuha ni Vince. They were all huge as life at parang handang makipaglaban anumang oras. They are all trained to protect people. Sigurado rin akong hindi lang sila basta bodyguards. Sa skills, porma at disiplina pa lang nila ay makikita na galing sila sa army. At dahil ngayon ko nga napagtantu-tanto ang mga ganitong bagay tungkol sa kanila... m

