"KAILAN PA NAGING ospital ang bahay ko? Sana doon ka na dumiretso nung nakakaramdam ka na nyan?!" inis pa nitong sermon kay Silver habang mabilis na minamaneho ang sasakyan nito. Nakasandal na si Silver sa salamin ng kotse habang naghahabol pa rin ng hininga. "Hindi pa rin pa pala nawawala yan. Mukhang okay ka naman kanina ah?" Hindi pa rin siya nasasagot nito. "Amoy alak ka ah? Naglasing ka pa talaga alam mo na ngang bawal sayo?! Yan sige! Alak pa! Kita mo tuloy nangyari sayo? Naperwisyo ka na naman." hindi mapigilan ni Evie na sermunan ito habang nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na ospital. Nang makarating sila ay kaagad niya itong isinugod sa emergency room upang makabitan ng oxygen. Mabilis naman ang pagaasikaso sa kanila kaya nadala kaagad sa loob si Silver. "Ahm, misis. Dit

