GUSTONG MAGPANTIG ng tainga ni Evie kung hindi lamang siya inaalo at pinakiusapan ng asawa nitong babae na mas nagaalala at nakokonsensya. "Hon, tama na!" pagsuway pa nito sa asawa. "Kasalanan na nga natin eh, tayo yung nakabangga." "Beating the red light po kayo, Sir. Sumenyas naman po kami pero ni hindi kayo bumagal ng takbo." dagdag pa ng enforcer. "Babayaran na lang namin yung danyos na yan! Mukhang hindi naman nasaktan ang asawa mo eh." tila ito pa ang irita. "Umayos ka nga! Nakakahiya na ngang tayo nakabangga." pagsuway pa rin nito sa asawa. Napapaduro naman sa babae ang asawa niya na tila ito ang sinisisi. "Ikaw kasi eh, panay kang bunganga! Kung hindi mo ko inaaway sa kanina, hindi sana tayo mababangga!" "Aba bakit ako?! Ikaw itong nagmamaneho! Ni hindi ka marunong makinig! L

