HALOS LIPARIN NA ni Evie ang kotse sa pagmamadali nitong makabalik ng opisina ngunit nagiingat pa rin naman siya dahil naaksidente na ang katrabaho kanina lamang at ayaw naman niyang pati siya ay sapitin yun.
Kahit pa naka-three inches stilettos siya ay halos takbuhin niya ang papuntang elevator.
"Tulungan na po kita, Ma’am Evie!"
"Amin na po yan Ma’am."
"Ay, thank you."
Pagkuha naman ng dalawang empleyadong lalaki sa mga dala niyang pagkain at bottled water ng makasabay siyang nagiintay ng elevator.
"Sa conference po ba itong lahat Ma’am?"
"Ay hindi, sa kitchenette muna sa 5th floor. Iaayos ko muna. Magpapatulong na rin akong i-serve sana yan sa conference din."
"Sure, Ma’am Evie."
At gayun nga ang ginawa nila. Dali-dali din naman siyang sinamahan ng mga ito sa kitchenette at iniayos ang mga pagkain.
Pagkakaalam niya ay lima mula sa S.A Constructions ang darating, dalawang engineers nito, ang accountant, ang sekretaryang nakausap na nito sa phone at ang owner. Samantalang bukod sa kanya rin ay lima ang haharap na katrabaho niya kasama naroon ang boss niyang si Benjamin, isang engineer, ang installation manager at si Fe sana na product specialist.
"Nasaan po ba si Miss Fe? Di ba siya na daw ang bibili kanina nito."
"Naaksidente si Fe. Oo nga pala!" tila may naalala siya kaya napabitiw siya sa ginawang magaayos ng pagkain sa tray at dinukot ang phone sa bulsa ng slack pants niya at may tinawagan.
Lumayo siya ng bahagya at medyo nakalabas sa hallway ng kitchenette.
"Hello Jay? Pwede mo bang puntahan si Fe sa may harap ng Mariotte hotel? -- Oo, sa Mariotte. Naaksidente kasi siya. Nabangga yun kotse niya ng SUV habang pabalik rito. Tingin ko didiretso na yun sa malapit na presinto para sa settlement. Pakipuntahan na lang siya dun please? Tapos mag-text ka na lang sa akin dahil nasa meeting na ko mamaya. -- okay sige, thank you Jay! "
"Ma’am Evie, okay na po ba toh? Ikayat na natin?"
Napalingon naman si Evie sa co-worker niya.
"Ah, sure. Let's go!"
"MR. ALESSANDRO!"
"Mr. Yu!"
"Nice to finally meet you, Mr. Alessandro. Welcome to the Yu Solar Panels!" magiliw na bati ni Benjamin ng magpangabot ang kamay nila ni Silver upang magkamayan.
"My pleasure is mine, Mr. Yu."
Si Evie ang the usual na sumasalubong sa mga clients o mga investors nila na dumadating sa kompanya, at dahil sa nagka-emergency na kailangan niyang umalis, si Benjamin mismo na lamang ang sumalubong at nag-assist sa mga ito.
"Come on, I'll show you around before we proceed to our meeting." saad pa ni Benjamin at hinaya ang kamay na daanan. Napatingin pa siya sa suot na Rolex dahil alam niya ang nangyari sa product specialist niyang si Fe at si Evie naman ay hindi pa nakakabalik.
Upang mabigyan ng oras pa si Evie bago magsimula ang meeting nila, ililibot muna ni Benjamin sa building at sa mga sample ng solar panel room ang taga S.A constructions.
"As I reviewed your request, here are some of the samples of solar panels I've recommended, actually our engineers later will discuss it to you and how does it work. We've also using these on our buildings. You've made a right choice of considering our products." paliwanag pa ni Benjamin habang nadungaw sila sa may bintana ng ground floor dahil tanaw na mula roon ang iba't ibang uri ng solar panels na ginagamit sa malakihang buildings.
Tila nagugustuhan naman ni Silver ang mga pinapakita sa kanila.
Napansin niyang may lumapit kay Benjamin na lalaki at tila may binulong rito.
"Thanks, Kyle. We'll get in there." sagot naman ni Benjamin dito at saka inayos ang sarili. Napalingon muli siya sa mga kliyente at binigyan ng ngiti. "Shall we go to the conference for our meeting?"
"Sure."
"This way please." at ni-lead naman ni Benjamin ang mga ito sa elevator na.
Bukod sa limang taga-S.A Constructions at si Benjamin, may dalawa pang empleyado na nakisabay sa kanila sa elevator paakayat.
Ilang sandali pa ay tumigil sa 3rd floor ang elevator at bumaba ang isang empleyadong nasa harapan nila.
Napansin muli niyang may tinatawagan si Benjamin ngunit wala itong nakausap. Ilang sandali pa ay huminto muli ang elevator sa 5th floor. Nakakaramdam ng hilo si Silver dahil totoong claustrophobic siya at elevator ang isa sa pinaka ayaw niya sanang sinasakyan.
Napasapo ni Silver ang ulo niya at minasahe gamit ang isang kamay. Napapikit din siya ngunit kaagad din niyang idinilat ang mga mata at hindi niya mawari kung nananaginip na ba siya kaagad.
Tila bumagal na naman ang takbo ng oras ng masilayan na naman ang isang pamilyar na mukha na halos abot kamay na niya. Halos hindi niya napigilang mapanganga, napako ang tingin niya at ang pamilyar na kabog sa dibdib niya ay nagsimula na namang maramdaman.
Nasilayan na naman niya ang katauhan ng babaeng matagal na niyang hinahanap. Muli na naman niya itong nakita. Kahit pa nakapatagilid lang ito sa kanya, ang pustura nito ay kabisado niya. Hindi niya mawari kung panaginip nga ba dahil iba naman na ang kasuotan nito ngayon kumpara sa una niya itong nakita noong nakaraan araw.
Ninais niyang magmadali upang makapunta sa unahan ng elevator ngunit kaagad itong nagsara at tanging pagdaong na lang ng kamay niya sa pinto ang naganap. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng kasama sa loob.
"Are you alright, Sir?" tanong ng sekretarya niyang nagtataka sa kinilos niya.
"Ah, yeah." bumalik siya sa wisyo niya at napabuntong hininga na lamang. Tila napahiya siya dahil mabilis siyang lumapit sa pinto ngunit napagsarahan na siya nito.
Napahilamos na lamang si Silver ng kamay sa mukha at minasahe muli ang kanyang ulo.
Namamalikmata ba ako?
Nang makarating ng 10th floor, kaagad na hinaya ni Benjamin ang daan papasok sa conference room na pinahanda na lamang niya sa empleyadong si Kyle dahil abala pa si Evie sa ibang gawain. Nasabihan na rin siya nito kanina na narito na si Evie at susunod na lamang sa conference room kaya pinapanik niya roon ang mga kliyente.
"Welcome again, please have a seat gentlemen." puro lalaki ang lahat ng nasa S.A Constructions kabilang na si Silver. Tanging sina Evie at Fe lamang ang babae rin sa team nila ngunit ngayon ay si Evie na lang ang inaasahang dumating.
Nagsipagupuan naman ang mga nasa S.A Constructions at nasa pinakaharapan ng board si Silver. Sa tapat niya naupo si Benjamin rin kasunod ang ilang kasama sa meeting.
"Let's not waste more time, Kyle, please start the presentation first." pagutos naman ni Benjamin rito.
"Yes Sir."
Dapat si Fe ang unang magpi-present sana dahil introduction of products ang ipapaliwanag nito bago paguusapan ang offers ng mga engineers patungkol sa needs nila sa construction project.
Nagpatay na ng ilaw sa loob ng conference room at naka-focus na silang lahat sa board kung saan natapat ang projector at presentation.
Nang makarating sina Evie sa 10th floor, alam niyang nagsisimula na ang presentation dahil patay na ilaw roon ngunit may kaunting ilaw na nasisilayan mula sa malabong glass divider ng silid na yun.
Dahan-dahan silang lumapit at binuksan niya ang pinto. Hindi nga siya nagkamali na nagsisimula na sila doon kaya dahan-dahan niyang sinenyasan ang dalawang kasama na maunang pumasok at hatiran ng pagkain ang bawat isang nakaupo.
Napansin na iyon ni Benjamin kaya napalingon ito sa may pintuan at nagkatama na sila ng mga tingin.
Nginitian naman siya ni Benjamin kaya napangiti na lang din siya roon. Dinukot ni Evie ang phone niya na tila may tinext. Naramdaman naman din ni Benjamin na nag-vibrate ang phone niya at sinenyas ni Evie ang phone niya upang tingnan naman ni Benjamin ang phone niya.
Nang ma-gets ni Benjamin ang sinisenyas ng sekretarya ay dinukot naman niya sa loob ng coat niya ang phone at tiningnan kaagad ang tila text ni Evie sa kanya.
I'll take Fe's presentation next.
Hindi napigilan ni Benjamin na mangiti dahil buong akala na niya ay hindi na ito mapi-present dahil sa aksidenteng nangyari kay Fe. Tila nabunutan siya ng tinik sa tuwa dahil si Evie na naman ang sasalo ng mga problema. Hindi niya malaman kung papaano magpapasalamat sa dalaga.
Thank you, Evz! You're amazing!
Ikr :)
Tila napansin naman ni Silver ang pagngiti-ngiti ni Benjamin na nakaupo sa harap niya habang nakatingin sa phone niya. Napansin niya rin ang pagdungaw nito sa bandang likuran nila sa pinto kung kaya't pasimple siyang lumingon doon. Ngunit tanging pasarang pinto lang ang nakita niya dahil lumabas na ang mga naghatid sa kanila ng pagkain kaya bumalik na siya sa panonood ng presentation sa board.
Lumabas muna si Evie ng conference room para kuhanin ang laptop ni Fe na pinalagay na lamang niya sa table niya. Binuksan niya yun at nakita naman niya kaagad ang file kung anong ang presentation. Nire-review niya iyon kahit pa alam rin naman niya ang ibang details tungkol sa mga produkto nila.
Isang oras ang lumipas ay nag-text muli ang boss sa kanya na patapos na ang presentation ni Kyle at maghanda na siyang sumunod roon.
Dali-dali namang inayos ni Evie muna ang sarili, nag-retouch siya ng face powder at lipstick niya. Nagsuklay rin ng mahaba at kulot niyang buhok at tinali niya ang bandang unahan nito upang hindi nakahambalang sa mukha niya. Nagsuot na siya ng yellow coat niya na complement sa black laced sleeveless blouse niya at black slacks with black stilettos rin.
Pumasok na siya ng conference room na dala ang laptop ni Fe. Naglakad siya sa likuran ng mga clients nila dahil nasa dulo nun malapit ang table kung saan nakakabit ang wires na mag-connect sa projector. Naupo siya sa table at inayos ang pag-connect na nito.
Sumigla ang awra ni Benjamin at inayos pa ang upo ng makita si Evie na nagaayos ng laptop sa table. Nagkatama ang tingin nila at sinenyasan siya ni Evie na magkadikit ang hinlalaki at hintuturo niya at ginaya lang din siya ni Benjamin.
"And that's for my presentation for this project." saad ni Kyle at nagpalakpakan naman silang lahat sa kanya. "Next will be our product specialist's presentation."
Tumayo si Evie at nagtungo sa harapan ng lahat.
"Good afternoon everyone, I'm going to present the Yu's solar panels products in behalf of Miss Fe Hernandez." magiliw niyang bati sa mga ito.
Madalas na itong nagagawa ni Evie, minsan ay ang mismong presentation ng boss niyang si Benjamin ang sinasalo niya kaya confident na rin siya sa pagharap sa mga clients at investors.
Ngunit hindi niya inaasahan na sa araw na ito ay iba ang magiging takbo ng buhay na niya.
Mabilis nabawi ang confidence sa ngiti ni Evie at tila napako ang stilettos niya sa carpeted floor ng silid. Nanginig ang tuhod niya niya paakyat sa kanyang tiyan at dibdib. Nanlalamig na ngayon ang mga kamay niya at napansin ni Benjamin na tila natutulala si Evie. Ni hindi ito nakapagbitaw ng salita kahit pa nakaawang na ang mga labi nito.
Bigla naman nahulugan ng mga folders si Benjamin na pumukaw ng atensyon sa lahat. Napatingin rin sa kanya si Evie na tila binalikan na ng wisyo niya.
"Ah, I'm sorry. I'm sorry." saad ni Benjamin ng inaabot ang mga naglaglagang folder sa gilid niya kaya nawala ang awkwardness ng lahat dahil tila na kay Evie ang atensyon nila.
Mabilis na kumurap-kurap si Evie upang bumalik ang halam na luha sa paligid ng mga mata. Nag-clear throat siya at hinila ang laylayan ng coat niya saka bumalik sa presentation niya.
Halata mang umiiwas siya ng tingin sa lalaking nakita sa harapan niya ngayon, sinikap niyang hindi magpaapekto rito. Pilit man ang mga pagngiti niya upang mapagtakpan ang pagkabigla at kabang nadarama, sinikap niyang hindi ito ipahalata lalo na sa boss niya.
Nagpatuloy si Evie sa presentation na tila nagmamadali na siya dahil hindi na palagay ang sarili niya na matagal siyang minamasdan nito sa harap. Kailangan niyang magpaka-professional at i-set aside ang kanyang personal na nararadaman.
Magpakailang beses siyang nasasamid kahit hindi naman siya nagkakaganito noon kapag nagpi-present at halos kapusin siya ng hininga dahil magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya.
Anong ginagawa niya rito?