Chapter 113

2002 Words

Halos matunaw naman si Evie dahil hindi niya alam kung bakit nanghihina siyang makitang magsumamo si Silver sa harap ng mga magulang niya para lang mapatawad ito. "Ah, eh. Tumayo ka na dyan, hijo. Nauunawaan ko ang pinagdaanan niyo noon. Kahit pa hindi talaga naging maganda ang resulta sa anak namin. Bilang magulang, hindi namin siya gugustuhing magkaganoon muli." "Pangako po, papatunayan kong totoo ang intensyon ko kay Evie. Hinding-hindi ko po siya sasaktang muli." "Dapat lang! Dahil hindi na ko magdadalawang isip balatan ka ng buhay!" pagduro pa sa kanya ng ama ni Evie, halatang nagpipigil na ito ng galit. "Mahal ko po anak niyo, ikamamatay ko na po siguro kapag nawala pa siya ulit sa akin." "Ipalilibing kita!" "Pa!" pagsuway pa ni Evie sa ama. Hinatak naman na niya si Silver upan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD