NANG MAKARATING si Evie ay sinalubong naman siya sa resort with matching welcoming drinks and flower crown, at inalalayan hanggang sa reception area. "Good afternoon, Ma’am! Do you have a reservation?" panimula ng receptionist pagkalapit kay Evie. "Ahm, no. Do you still have any rooms available?" pagbabakasakali nito na kinaalangan ng receptionist. "Ahm, for a moment Ma’am, I'll check if there's still an available room." Naiwan si Evie habang nakaupo sa couch sa reception area. Hinihimas niya ang ulo ni Steve na nakaupo sa sahig katabi niya. Tinatanaw niya ang receptionist sa counter nito na abala sa monitor ng computer. Alam niyang baka sakali ang pagpunta niya rito dahil ni hindi siya nakapagpa-book ng kwarto, ni hindi man lang siya tumawag muna sa resort. Napatanaw-tanaw na lamang

