TILA MAS MINADALI niya pa ang ginagawa niya upang matapos kaagad at makaabot siya sa office hours kapag hinatid niya ang pinapadala ni Fe sa kanya. Kinuha na niya ang red folder na sinasabi ni Fe sa cubicle nito at tinext niya si Benjamin tungkol rito, matagal ito bago nakasagot sa kanya, wala naman ito naging pagtutol ngunit ramdam niyang nagalangan ito. Pero work related lang naman, pure business, so why not though? Nanlalamig ang kamay niya habang nakahawak sa manibela ng kotse at nagmamaneho patungo sa office building ng S.A Constructions. Medyo natatandaan niya ang daan dahil naidala na siya ni Silver noon pero nag-waze pa rin siya para hindi maligaw. Mabilis pa ang byahe dahil hindi pa inaabutan ng rush hour, mag-alas kwarto pa lang, nakarating na siya ngunit ng papasok na sa park

