Douglas POV I can’t believe what I’m seeing.Chyna herself, standing right in front of me, smiling as if nothing has changed. Sa mismong kaarawan ko pa talaga siya dumating, at higit sa lahat, sorpresa pala ito nina Mommy. “Douglas, happy ka ba dumating ako?” malambing ngunit may halong kaba niyang tanong, habang pinagmamasdan niya ako na para bang binabasa ang bawat emosyon sa aking mga mata. Hindi ako agad nakasagot. Ilang taon na rin siyang umalis ng bansa, at sa pagkakaalam ko, doon na siya maninirahan. Ang balita pa nga’y ikakasal na raw siya sa isang lalaking nakilala niya roon. At ngayon, heto siya nasa harap ko, parang isang panaginip na hindi ko inakalang mangyayari pa dahil nong nalaman kong ikakasal na ito ay naglasing talaga ako ng isang araw kahit hindi naging kami ay nasa

