CHAPTER 4

1614 Words
Parang biglang gumunaw ang buong mundo ko nang masilayan ko si Kokoy na nakahandusay sa gitna ng kalsada matapos masagasaan ng isang traysikel. Para bang tumigil ang oras namutla ako, nanlamig, at halos mawalan ng ulirat sa takot na baka may masamang mangyari sa kanya. Ang mga tao sa paligid ay nagsigawan, ang ilan ay nagtakbuhan upang tumulong, at naririnig ko ang nakakabinging tunog ng mga busina at yabag ng mga taong nagmamadali. Agad namang rumesponde ang mga gwardya ng aming paaralan. Mabilis nilang tinawid ang kalsada, marahang binuhat si Kokoy at isinakay sa isang sasakyan. "Alivia sumakay ka na bilis!" tawag sa akin ng gwardya dala ng matinding kaba sa biglaang pangyayari ay hindi agad ako tuminag s aking kinatatayuan kundi lang ako hinila ni Mang Lakay ay marahil hanggang ngayon hindi pa rin nag sink in sa utak ko na nasagasaan ang aking kapatid. Hindi ko na napansin ang init ng araw o ang mga matang nakatingin sa amin ang tanging nasa isip ko ay ang bawat paghinga ni Kokoy na tila humihina sa bawat segundo. "kokoy hwag mo namang iwan si Ate" nag iiyak kong sambit, hawak kamay habang sakay ng sasakyan patungong hospital. Pagdating namin sa pampublikong hospital, halos mamilipit ako sa kaba habang mabilis na isinugod si Kokoy sa Emergency Room. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang imahe ng kanyang katawan na nakahandusay sa gitna ng kalsada, duguan ang tuhod at nanginginig ang mga kamay. “Dalhin agad sa trauma bay!” sigaw ng isang nars habang agad siyang inilipat sa stretcher. Sa gilid ng kama, pinagmamasdan ko kung paano isa-isang kumilos ang mga doktor at nars parang mga sundalong sabay-sabay na tumutugon sa isang digmaan. “Check vitals!” Narinig ko ang tunog ng machine habang sinusukat ang kanyang blood pressure at oxygen level. Natahimik ako saglit nang marinig kong bumababa ang kanyang pulso. Para bang bawat beep ng monitor ay direktang kumakagat sa puso ko. “Prepare for X-ray,” utos ng doktor. Mabilis nilang inangat ang kanyang binti at dibdib, at nakita ko kung paano siya napangiwi sa sakit. Para bang ako ang nabali sa bawat daing niya. Hindi pa ako nakahinga nang maluwag nang marinig ko ang kasunod, “CT scan of the head, possible concussion.” Parang tinusok ng malamig na karayom ang likod ko baka may tama ang ulo niya, baka may pagdurugo sa loob. Habang dinadala siya sa loob ng scanning room, hindi ko mapigil ang patak ng luha. “Diyos ko, iligtas nyo ang kapatid ko” bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng aking damit. Hindi na rin ako mapakali kung saan ako hahanap ng pera panggastos dito,useless kung tatawagan ko si Tiyang wala namang maimbag yun tiyak magtatalak lang yun kapag nalamang nasa hospital kami. Pagbalik niya, nakita kong may dugo ring kinuhang sample mula sa kanyang braso. “CBC, electrolytes, and blood typing,” narinig kong sabi ng medtech. Nagtanong pa ako, halos mamalimos. “Kailangan po ba talaga lahat ng ‘yan po?” Sinagot naman ako ng nars. “Oo po, para handa tayo kung sakaling kailanganin ng dugo ang kapatid mo.” Habang tinutusok siya ng karayom, nakagat ko ang labi ko para hindi ako mapahagulhol. Gusto kong ako na lang ang sumalo ng lahat ng sakit, wag lang siya. Ngunit hindi pa doon natapos may isang doktor na dumating at inilagay ang malamig na gel sa tiyan ni Kokoy. “FAST ultrasound,” paliwanag niya. Pinagmasdan ko ang screen na hindi ko maintindihan, pero nakikita ko ang seryosong anyo ng doktor habang iniikot ang probe. Natigil ang paghinga ko sa bawat segundo na parang wala silang sinasabi. Hanggang sa narinig ko. “Wala namang bleeding sa abdomen, stable pa.” Para akong nabunutan ng tinik. Halos sumandal ako sa malamig na pader ng ospital, nanginginig pa rin pero may kaunting pag-asa. Nang matapos ang lahat ng test, bumulong ako kay Kokoy na nakapikit at tila mahimbing na natutulog sa ilalim ng gamot na itinurok sa kanya, " kokoy kumapit ka lang gagawa si Ate ng paraan maligtas ka lang" bulong ko habang patuloy siyanģ ginagamot ng doktor. Doon ko naramdaman ang bigat ng reyalidad na wala kaming sapat na pera, na baka hindi ko kayanin ang mga susunod na araw kung sakaling lumala ang kalagayan ng kapatid ko. “Paano na kami? Saan ako kukuha ng panggastos?” paulit-ulit na tanong ng isip ko, habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga nars at doktor sa paligid. Ang mga luha ko’y walang humpay na bumabagsak, parang ulan na hindi ko mapigil. Ilang oras din akong nakaupo hinintay ang paglabas ng doktor na nag asikaso sa kanya "ikaw ba ang kapatid ng batang nasagasaan?" napaangat ako ng mukha paglabas ng doktor,tumango ako,marahan naman siyang ngumiti dahil sa kabila ng lahat, may bahid pa rin ng pasasalamat sa puso ko. Mabuti na lang at hindi gaanong napuruhan si Kokoy. Ang bawat pag-ungol niya, bawat pagkibot ng kanyang kamay ay nagbigay sa akin ng pag-asa. "pwede mo na siyang lapitan sa loob pero may karagdagan pang check sa buto niya I can explain to you later for now puntahan mo muna siya" anas ng doktor,kabado man ang mahalaga ay ligtas na ito sa kapahamakan Dala ng aking tuwa ay inilang hakbang ko lang ang emergency room kung saan doon nakahiga ang aking kapatid. "kokoy!" niyakap ko agad ito mahigpit kong hinawakan ang kanyang palad. "ligtas ka na kokoy" pag aalo ko "ate sorry akala ko kasi sumakay ka dun sa naghahanap sayo kaya hinabol ko yung kotse nya hindi ko nakita ang paparating na traysikel" nagpakawala na lang ako ng hangin sa kanyang sinabi. "pahamak na Angkol! siya pa talaga ang dahilan kaya nasagasaan si kokoy" paghihimutok ko. " ate pwede na ba tayong umuwi?" hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong sa palagay ko ay hindi kami pauuwiin ngayon sa kanyang kalagayan "ewan ko kokoy hindi ko pa alam" malungkot kong saad. Sa oras na iyon, natanto ko na hindi lang ito simpleng aksidente ito ay isang pagsubok na kailangang pagdaanan namin bilang magkapatid, at ako bilang nakatatanda, kailangang maging matatag. Kahit manginig ang tuhod ko, kahit magdilim ang isip ko sa pangambang baka hindi ko kayanin ang lahat, alam kong hindi ako susuko. _____ Tatlong araw kaming namalagi ni kokoy sa hospital nang malaman ni Tiyang ang nangyari ay dumalaw lang ito saglit at nag abot ng isang libo. "Tiyang aanhin ko naman yang isang libo mga test at gamot pa lang nya kukulangin talaga yan" "aba! Alivia ako pa problemahin mo maghanap ng pera para dito sa hospital!nakikitira na nga kayo sa bahay ko,pati pagpapagamot gusto mo saluhin ko pa!" " hindi naman yan ibig kong sabihin Tiyang ah,gusto ko lang malaman kung saan ang ibang pera na pinagbinta nyo sa bahay namin doon sa probinsya" ngunit tinalakan nya na ako pinagtitinginan na kami ng mga katabi naming pasyente,sa inis ko pinaalis ko na lang siya,itinapon nya pa ang isang libo sa harapan ko. "naku neng humingi ka na lang ng tulong sa Malasakit Center o di kaya sa OVP, sa city hall" payo ng katabi naming pasyente,kung alam lang niya lahat ng mga yun pinuntahan ko na,nakalikom ako ng 25,000 yun ang pinambayad ko sa head ct scan at iba pang test. Natakot pa ako dahil may posibildad na operahan si kokoy dahil nakitaan sa xray na may nabaling buto.Pina total ko ang kabuuang halaga dito sa pampublikong hospital ay aabot sa tinatayang halaga ay nasa 30,000 hanggang 50,000 at kailangan ngayong linggo ma schedule ang opera niya. Napahalukipkip ako kung saan ako kukuha na ganun kalaking halaga. Nang biglang sumagi sa isip ko ang alok ni Angkol estranghero. Mabilis kong hinanap ang bigay niyang calling card,para akong ginabayan ng anghel nang makita ko agad ito sa aking pitaka. "lord salamat hindi ko naitapon" nakahinga ako ng maluwag nang basahin ko ang calling card. DOUGLAS D. O9****** Kaya hindi na ako nag aalangan pa,humiram ako ng cellphone sa katabi naming pasyente ni loadan ko lang ng 20pesos unli call. "sana sagutin nya agad" nanginginig pa akong hinawakan ang cellphone,ilang ring lang ay may sumagot.Ang lungkot ko kanina ay napalitan ng konting pag asa nang sinabi nya ang oras at kung saan kami magkikita. _______ talaga kol 50,000 ibibigay nyo po?" nanlaki ang mata ko hindi makapaniwala na bibigyan nya ako ng ganon kalaking halaga sa isang hiling ko lang" dito kami nagkita sa parking area ng isang kilalang hotel malapit lang sa hospital kung saan andun naka admit ang kapatid ko. "bakit sa tingin mo ba niloloko kita ha bagets?" Seryoso niyang sagot habang humihithit ng sigarilyo. "pero Angkol a-ano po ang kapalit?" sigurado naman ako na ang maging katulong sa condo nya ang kapalit nito,ayun na rin sa alok nya sa akin nung nagpunta ito sa paaralan namin kinlaro ko lang baka isipin nya pa scammer ako. Nagtitigan kaming dalawa,pinabukol niya pa ang kanyang dila sa loob ng bibig niya na para bang sinusuri ako sa magiging reaksyon ko,kahit sampung taon kong pagbayaran ang 50,000 na magtrabaho sa kanya ay gagawin ko ma operahan lang si kokoy at makabalik na kami sa normal. "A-ano po Angkol?" pag uulit ko. "madali lang naman akong kausap bagets" nilaro laro niya sa kanyang daliri ang stick ng sigarilyo at muli itong humithit eh ano nga sabi? kung yung alok nyo po ay pap-" "sshhh" tinakpan nya ang aking bibig sa dalawang daliri nya. "isa lang gusto kong kapalit bagets at kung papayag ka na sa alok ko quits na yun,bigay ko na sayo 50,000 ng wala kang alalahanin." anas niya habang patuloy pa ring humithit ng sigarilyo. "eh ano nga" "pasalat!!" "anoooo!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD