Douglas POV Ramdam ko ang matinding kaba habang hawak-hawak ko si Chyna sa takot na baka may mangyari sa kanya.Even though I’m confused, dahil alam kong nagalit talaga sa akin si bagets after witnessing Chyna kiss me, I still can’t just leave her in this kind of situation at baka matuluyan ito naku! kargo konsensya ko pa. “My god Chyna… what happened to you?" bulong ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi naman siya ganito dati wala rin naman itong history ng sakit sa puso na pinagtaka ko. “Sir, baka kailangan niyang makahinga ng sariwang hangin!” suhestyon ng isa ko pang empleyado habang sabay-sabay kaming nagtungo sa lobby kung saan mas maluwag ang lugar. Agad nilang binuksan ang lahat ng bintana at itinapat si Chyna sa malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Hinubad ko

