Narito ako, nakatayo sa gitna ng marangyang bulwagan na pinupuno ng nakakasilaw na liwanag mula sa mga mamahaling chandelier. Ang bawat kislap ng kristal ay tila nagsasayaw sa himpapawid, sumasalamin sa bawat halakhakan at ingay ng mga panauhing kabilang sa alta sociedad. Sa bawat sulok ay may mga taong nag-uusap, nagtatawanan, at nagpapalitan ng mga kwento ng karangyaan...ngunit ako, tila isang estrangherang napadpad sa mundong hindi ko naman tunay na ginagalawan. Ngayon ay kaarawan ng ina ni Sylvester at Angkol isang engrandeng okasyon na ginastusan ng todo. Naka amerikana ang mga bisitang lalaki, nakasuot ng mga mamahaling gown ang mga babae kasama si Mama habang ang mga alahas ay kumikislap sa kanilang mga katawan. "You want some drinks?" mahinahong tanong ni Sylvester, sabay abot ng

