"Alivia! hoy! magsi gising na kayo! dagdag palamunin pa kayo ng kapatid mo! ang kupad nyo pang kumilos! kung hindi lang ako nakonsensya inihabilin kayo ng kapatid ko hinding hindi ko kayo tatanggapin sa pamamahay ko! hirap na nga ako sa buhay dumagdag pa kayo mga piste!" araw-araw ay alarm clock ko na ang sigaw sa amin ni Tiyang kahit alas singko y media pa lang ng umaga ay tinatalakan niya na kami ng kapatid ko upang magsaing at maglinis ng bahay.
"Ate mamaya na lang ako babangon mahapdi pa ang sugat ko" inaantok pang saad ng aking bunsong kapatid na si kokoy paano kasi kahapon nakagat ito ng aso,sumasama sa mga batang kalye na nangangalakal. Dahil siya ang pinakamaliit ay siya ang nahabol ng aso at nakagat ito.
Sinubukan kong puntahan ang may ari ng aso kahapon para ipaalam ang nangyari binigyan lang ako ng limang daan. Gusto ko man itong isumbong sa barangay para turuan ng leksyon at sila na ang kumausap pero itinuro lang ako sa libreng animal bite center.
"sa susunod kokoy ha kapag nangangalakal ka ulit doon na talaga kita patirahin sa kalye" galit kong sambit habang nagtutupi sa higaan namin
"Alivia ano! di ka pa kikilos dyan?aba! anong oras na!" isa pa tong tiyahin namin ang sama ng ugali kesyo pinapalamon daw kami kailangan may kapalit ang lahat.
Sinubukan kong mag aaply kahapon sa carinderia ni Aling Tekya wala na raw bakante,hirap pa naman ang ganitong sitwasyon na wala kaming sariling pera.Kundi ako magbabanat ng buto walang pambaon araw-araw si kokoy.Napaka kunat kasi ni Tiyang ang naiwang pera sa bahay namin dati na bagong bili ay binigyan lang kami ng limang libo yun ang binili ko ng mga school supplies namin ng kapatid ko.
Buti na lang naawa sa akin ang konsehala na Mama ni Mila ang aking kaklase isa ako sa nabigyan ng privilege makapag aral kahit Sunday school lang ang mahalaga ay matapos ko ang senior high.19 na ako dapat sana ay first year college na ako pero dahil kapos kami sa buhay ay nahinto ako sa pag aaral ng isang taon.
"Ano Alivia tumunganga ka na naman dyan?magsaing ka na bilis! tatanga- tanga ka na naman! ikaw kokoy mag igib ka doon ng tubig!"
"ako na po ang mag iigib Tiyang,may sugat ang kapatid ko,wala pa naman kayong binigay na pambili ng gamot" pagmamaktol ko.
"aba! sasagot sagot ka na ha!"
"eh paano naman kasi Tiyang wala pang isang buwan mula nung nabenta ang bahay namin sa probinsya tas ngayon sabi mo ubos na,limang libo lang naman binigay mo sa amin ah" hindi na ako nakatiis at sinagot ko na ito,balita ko kasi naibenta raw ang bahay at lupa namin sa halagang 200,000 pesos tas ngayon ubos na.
"ako ba hinahanapan mo sa pera ninyo ha Alivia? kung tutuusin kulang pa ang benta nun sa ilang taon kong pagkupkop sa inyo ngayon hanapan mo ako ha! eh di magsilayas kayo sa pamamahay ko!" hindi na lang ako kumibo sanay na ako sa araw-araw na pinapalayas nya kami. Kung may ibang kamag anak lang akong kilala marahil ay lumayas na talaga kami dito,pinagtiisan ko lang lahat ang ugali nya.
Dumiretso ako sa kusina upang magsaing habang panay pa rin ang talak niya,nasulyapan ko pa sa sala ang anak niyang saksakan ng tamad.
Puro paganda lang ang alam ultimo panty nya ako pa ang naglalaba.Dakilang senyorita dito sa bahay lahat iniasa sa akin.
"Livia pagkatapos mong magsaing ibili mo ako ng pandesal"
"bakit ha Sisa wala ka bang paa?kung ikaw kaya bumili d'on total paganda lang alam mo nang magkasilbi ka naman dito sa bahay ninyo!" asik ko dala ng aking galit kung makautos para bang katulong nya ako kung tutuusin wala lang siya sa kalingkingan ng ganda ko.
"isusumbong kita kay Mama di ka mautusan" babala nya pa.
"eh di isumbong mo para wala na kayong katulong dito wala ka pa namang alam sa gawaing bahay puro ka lang paganda eh kahit saang anggulo wala talagang makitaan hmp!" pang iinis ko sa kanya.
"Mama si Livia she bullied me na naman" pagsusumbong niya.
"Alivia magsaing ka na dyan!" tinaliman ko sila ng tingin kapag ako talaga mainis lalasunin ko talaga ang mag inang ito.
______
Pangatlong beses na kaming naka libre sa animal bite center sa tulong na rin ng barangay.
"Miss Bukaka,sa susunod na linggo huling turok na ng kapatid mo" anas ng nurse na taga turok.
"po?akala ko ba tatlong balik lang?' reklamo ko,three session lang kasi ang bigay na libre sa baranggay.
"pang apat lalo na't sa sinabi mong namatay ang aso na kumagat sa kapatid mo delikado may rabbies yun kaya upang makasiguradong ligtas siya ay kailangang apat na turok.
Hulog balikat ang pakiramdam ko sa sinabi ng nurse,saan ako kukuha ng pambayad para sa huling turok niya.
Paglabas namin sa animal bite center tinanong ko ang kasabayan namin na nagbabayad kung magkano kada turok.
"naku hija maghanda ka na lang ng isang libo para may allowance ka pa" bigla akong nanlumo saan ako hahanap ng isang libo,eh isang daan nga hirap ako.
Matamlay kaming naglakad ng kapatid ko pauwi,nag iisip kung saan ako hahanap ng isang libo.
"Ate gutom na ako" kinuha ko ang natitirang sukli kanina sa sinakyan naming trycycle may fifty pesos pa.
"bilhan na lang kita ng fishball kokoy at buko juice" ani ko na dumukot ng kinse pesos sa maliit kong pitaka.
"eh ikaw ate?"
"tirhan mo na lang ako konti" may 35.00 pa namang natira buti wala akong pasok bukas makapagtinda kami ng sampaguita sa simbahan.
Pasalamat ako nung nakaraang linggo pina extra kami ni Aling Bebang na magtinda ng sampaguita,ninakawan daw kasi siya ng bagong recruit nya kaya nya pinalayas.
"kokoy bukas maaga kang gumising ha,magtitinda tayo ng sampaguita agahan natin" masakit na ang init ng araw at malalantq na rin ang sampaguita kapag nainitan kaya maaga pa lang dapat maubos na namin.
"opo ate,tas ibili mo ako laruan ha"
"tumahimik ka nga dyan puro ka lang laruan ipunin natin ang benta para sa huling turok mo" singhal ko sa kanya.
"ate sabi ng kaklase ko mag asawa ka na lang daw ng afam para yayaman na tayo"
"anong afam ka dyan wala tayo sa Siargao oy,doon maraming afam tsaka ayoko ng afam nuh" ismid ko kaloka din itong kapatid ko marahil pagod na rin siya sa hirap ng buhay namin kaya kahit ano na lang naisipan.
"bilisan mo ang kain no dyan sa fishball at ng makauwi na tayo" pagmamadali ko,maglalaba pa kasi ako wala ngayon ang bruhang mag ina sumamang maligo sa dagat sa pinsan ng asawa ni Tiyang kaya malaya akong makapanuod ng Netflix pagkatapos kong maglaba.
"Alivia daan muna kayo dito" paglingon ko si Mila kaklase ko tinawag nya kami
"Ano yun Mila?"
"dito na kayo mananghalian,dumating ang Indiano ng ate ko nagpa ihaw si Papa ng kambing" nahihiya man ay kinapalan ko na ang aking mukha.Libre na to kaya grab na namin ang pagkakataong makakain ng masarap.
Para pa kaming patay gutom ng kapatid ko nilantakan ko ang kilawin,may ice cream at cake din kaya sinamantala ko na ang kain.
"ate maglalaro lang ako sa labas kami ni Jepoy" tinanguan ko lang ito na abala sa kakakain ng cake.
"Alivia kain ka lang dyan ha bili muna ako ng softdrinks nakulangan may bisita pa sina Mama" konsehala kasi ang ina ni Mila sa katunayan sila ang tumulong sa amin na makakuha ng libreng bakuna sa animal bite center.
"sige Mila dito lang ako" maya -maya at tumayo na ako may mga nagsi datingan na kasi kahiya naman kanina pa ako dito sa lamesa.
Nag excuse na ako,nginitian lang ako ng Mama ni Mila,doon na lang ako dumaan sa likod bahay nila maraming tao kasi sa harapan mga bisita rin ng kanyang papa.
Paglabas ko ay nadaanan ko ang kwarto ng ate ni Mila,nakarinig ako ng ungol paglingon ko bukas ang maliit na kurtina ng bintana kaya nasisilip ko kung anong ginagawa sa loob.Ngunit laking gulat ko ang ate ni Mila at ang Indiano niya pinakitaan ng ate nya sa kanyang pekpek.
"you want to see it hmm" dinig kong sabi ng ate nya sa kanyang indiano na tila natatakam sa pinakita nito.
"then give me 100 thousand" hala grabe naman isang daang libo ang hiningi ng ate nya para pakitaan ng pekpek ang kanyang boyfriend.
______
Gabi na,hindi na ako mapakali sa nakita ko sa ate ni Mila nabuo ang aking plano,pero may kakasa kaya?pumasok ako sa banyo at hinubad ang aking panty.
"naku paano ba yan ang damo naman kahiya di tulad ng ate ni Mila ang kinis at ang puti rin" napakamot ako sa ulo,sa isiping simbahan pa naman doon kami magbebenta tas ito ang naisip kong gawin.
"🎶Lord patawad sadyang ako’y makasalanan..makasalanang nilalang..Lord patawad🎶 pakanta kanta na lang ako pero sa tulad kong desperada na ay susugal na lang talaga ako bahala na!