“Bakit ba ang hilig ni Sir Angkol manantsing?” naiinis kong bulong sa sarili. Simula kasi nung sinalat niya ako, parang naging anino ko na siya para siyang kabute, bigla na lang sumusulpot kung nasaan ako. Sa umpisa akala ko nagkataon lang, pero nang siya pa ang naging substitute teacher namin sa P.E., mas lalo kong naramdaman na hindi na iyon simpleng pagkakataon. Lalo na ngayong binigyan kami ng privilege lahat ng sunday school senior high students ay nilipat na sa araw- araw.Hirap man dahil mas okey sanang isang araw sa isang linggo lang ako papasok makakapag sideline ako sa carinderia,buti na lang pumayag si Aling Soling na kada hapon ang pasok ko sa carinderia niya. Dagdag stress talaga tong si Angkol sa buhay ko.Tuwing pumapasok ako sa gym, ramdam ko ang titig niya Kahit anong iwa

