Warning SPG❗️ Naging usap-usapan hindi lamang sa pamilya ni Ate She na sa mahabang panahong akala ko’y tunay kong pamilya, ay hindi pala. Ang lihim na matagal na ikinubli ni Mommy ay tuluyan nang nabunyag, at kasabay nito’y ang pagkatao kong matagal ding ipinagkait sa akin. Umabot ang balita sa pamilya nina Tito Frederick, higit sa lahat kay Moma Alberta na mula’t sapul pa lamang ay mabigat na ang loob sa akin, kahit wala pa siyang malinaw na dahilan. Para bang isang kasalanang hindi ko alam ang nagawa ko, subalit ako ang hinusgahan. Sinubukan kong pumunta kina Ate She, dala ang huling pag-asang may yayakap pa rin sa akin gaya ng dati. Ngunit sa pagbukas pa lang ng pintuan ng mansion, tanging si Aling Sendang ang matagal nang tagasilbi ang humarap sa akin. “Señorita Azalea, ikaw pala,

