Lumipas ang mga linggo matapos ang naging anunsyo ni Chyna na oficial na raw na silang dalawa na ay hindi na kami muli pang nag usap ni Angkol.Gusto ko man siyang kausapin tungkol sa nangyari sa amin ramdam kong iniiwasan nya na ako. Ang kanyang pagiging maaalalahanin sakin dati ay napalitan ng malamig na pakikitungo.Ngayon, naging civil na lamang kami sa isa’t isa para bang may pader na itinayo sa pagitan naming dalawa, at araw-araw ay mas lalo itong tumataas. Dahan-dahan ko itong tinanggap, bagaman may mga gabi na iniisip ko si Angkol.May bahagi ng sarili kong naghahanap pa rin ng dating siya.Ang Angkol na palaging nag-aalala, nagtatanong kung kumain na ba ako, at sabik akong sunduin sa eskwelahan. Noon, tila obligasyon niya iyon ay ngayon, isa na lamang alaala. Ang nakagawian niyang

