Niyakap ni Patrice ang ina at napahagulgol siya ng iyak. Hinaplos lang nito ang buhok niya at ang likod niya. “Naipanood na sa akin nila Abegail ang nangyari. Ano ba talaga ang nangyari, anak? Gusto kong marinig mula mismo sa iyo.” “Si Calden mo po talaga ang kasama kong mag-dinner. Sinadya po niyang ninong niya ang manalo sa bidding para magkasama kami. Mahal pa rin po niya ako, Nanay. Hindi naman po namin alam na may ibang nakakita sa amin.” Bumuntong-hininga ito. “At anong plano mo ngayong alam na ng lahat ang tungkol sa lihim ninyong pagkikita? Sasabihin mo na ba ang tungkol sa inyo ni Calden?” “Hindi ko po kayang sabihin. Nangako po ako na ililihim ko po iyon.” “Pero di ka man lang ba niya tutulungan na malinis ang pangalan mo?” “H-Hindi ko po alam. Si Tita Mina po ang kumokontr

