CHAPTER 43 ( JACEY’S POV ) “Baby, stop crying. Shh. . . what do you want?” hating gabi na at umiiyak na naman ang anak ko. Ilang araw matapos kaming makalabas sa hospital ay naging maayos naman na ang kanyang pakiramdam. Sa umaga ay nandito si Walter. Kapag naman parating na ang mga magulang ko ay aalis din agad siya. Gusto niyang harapin ang mga ito, kaya lang ay ako ang may ayaw. I don’t think my parents are ready for him. Hinahanda ko pa sina mommy at daddy. Ayaw ko naman silang piliting patawarin si Walter. “Hinahanap mo si daddy? Bukas ulit makakasama natin siya. . . shh,” kahit anong gawin kong pag- alo sa kanya ay hindi ito tumatahan. She’s very spoiled by Walter. Kapag nandito ‘yon ay halos hindi na niya ibaba. Natutulog lang palagi sa dibdib niya ang anak namin. Kinuha ko an

