CHAPTER 34 Lumabas ako ng bahay. Nandoon na ang sasakyan ni daddy sa labas. Wala na akong sinayang pa na oras. Lumabas ang driver namin at kinuha ang maleta ko. “Thank you, manong.” Bumukas ang backseat. Bumungad doon ang aking ama. Mabilis akong pumasok sa loob at sinara ang pintuan. Yumakap agad ako kay daddy at umiyak nang umiyak sa mga bisig nito. I miss my dad so much. Pinagsisihan ko na ng husto ang pagpunta ko sa kanila ni Walter. I should have stayed with my parents. Dapat hindi ko nalang sinayang ang oras ko kay Walter. Masama ba akong anak? Lahat naman ng tao ay nagkakamali sa buhay, 'di ba? Ang mahalaga ay nakita ko ang pagkakamali ko at may panahon pa ako para itama ito. Wala itong imik, nanatili lang siyang nakayakap sa akin at hinahaplos ang likuran ko. He's comforting

