CHAPTER 1
“Mag- ingat ka doon, anak.” Niyakap ako ni mommy at hinalikan ang aking noo. Umiiyak pa siya habang ginagawa iyon. Ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila ng matagal.
“Mommy, I promise. Isang taon lang babalik agad ako dito.” Ngumiti ako sa kanila to assure them that it is really okay.
“’Wag mong kalimutan na tumawag sa amin araw- araw. Sabihin mo sa amin kung ano ang ginagawa mo.” Tumango ako sa kanila.
Niyakap ko ang mga magulang ko bago ako tuluyang umalis ng bahay.
Ginusto ko ‘to kaya dapat na panindigan ko.
Nakatayo na ako ngayon sa labas ng isang tatlong palapag na bahay. Bitbit ko ang aking lumang maleta na galing pa sa isang katulong namin sa bahay. Huminga ako ng malalim bago ako nag doorbell. Bumukas agad ang pintuan at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot na pang guard na uniporme. Matanda na ito at hula ko ay nasa 50’s na. Moreno ang kanyang balat at mas matangkad ako sa kanya. My height is 5’9. I know it is tall.
“Magandang umaga po,” pilit kong pinatuwid ang aking tagalog. I usually speak in English. Pero hindi ko na pwedeng gamitin pa iyon dito.
“Sino po sila?” kawsal na tanong nito sa akin.
“Ako po ang bagong kasambahay po rito. Ang papalit po kay Chilyn.” Si Chilyn ay ang dating kasambahay dito na kinuha nila ni mommy at daddy kaya ako ang pumalit.
“Ikaw pala, pasok ka sa loob. Tulungan na kita sa maleta mo.” Alam kong sobrang o ana nitong damit ko ngayon. Lahat ng gamit na dinala ko ay galing sa mga katulong namin sa bahay. All my things are branded. At magtataka silang lahat kapag nakita nilang mamahalin ang mga gamit ko na ang alam nila ay galing ako sa isang mahirap na pamilya.
Binigay ko sa kanya ang isang maleta na dala ko.
“Sumunod ka sa akin. Ihahatid kita sa kanila ni Nena at sila na ang bahala sa ‘yo rito.” Napaawang ang aking mga labi nang makita ko ang kabuuan ng lugar. Parang isang paraiso ang bahay niya.
Matagal ko ng pangarap na makapasok dito. Nakikita ko lang ito dati sa picture, ngayon nakapasok na talaga ako.
Mas lalo akong namangha nang makapasok na kami sa loob. Sumalubong sa akin ang kanyang napakalaking painting. Ang gwapo niya talaga! Salubong ang mga kilay nito habang seryosong nakatitig sa camera. He looked so f*****g powerful in that picture. Ngayon ko lang ‘yan nakita! Hindi ‘yan nilabas sa social media! Parang gusto kong ilabas ang tinatagong iphone ko para kuhanan iyon ng picture at gawin kong panibagong wallpaper. Pero kailangan kong mag- ingat habang nandito ako. Halos lahat ng mga mamahaling gamit ko ay iniwan ko sa bahay namin. Ang tanging dinala ko lang ay ang iphone ko para makausap ko sila mommy at daddy. Ngunit nakatago lang iyon. Ang dala kong cellphone ay isnag cherry mobile na keypad. Bagong bili lang ‘to at hindi ko alam kung paano gamitin ito.
“Nena, nandito na ang papalit kay Chilyn.” Huminto kami sa isang matanda. Nakasuot ito ng isang itim at puti na uniporme para sa mga kasambahay. May dalawang bulsa iyon sa dulo ng damit. May itim na butones din iyon. Palda iyon kaya napangiti ako. Mas mabilis kong maaakit ang boss namin kapag ganyan ang suot ko. Ipapakita ko sa kanya ang mahabang legs ko.
Sisiguraduhin kong kapag umalis ako rito ay natikman ko na ang boss nila.
“Magandang umaga po!” pinasigla ako ang aking boses. Sa tingin ko ay magkaedad lamang ang dalawang ito. O baka mas matanda sa kanila si Aling Nena.
“Magandang umaga! Pakihatid ng gamit niya sa kwarto niya, Sendo. Salamat.” Utos nito. Umalis ang guard at naiwan kaming dalawa. Pinasok nito sa loob ng bulsa ng kanyang damit ang dalawang kamay niya.
“Dahil kakarating mo lang ay hahayaan muna kitang magpahinga dahil alam kong pagod ka pa sa byahe. Mamaya ay ililibot kita rito sa loob ng bahay.” Tumango ako sa kanya.
“Nandito ba si Walter?” binawi ko agad ang aking sinabi.
“I mean. . . ibig ko pong sabihin ay nandito po ba si Sir Walter?” nakita kong dumaan ang pagtataka sa kanyang mukha pero agad din naman iyong nawala.
“Natutulog pa sa kwarto niya. Alam kong kilala mo na si sir Walter pero ayaw na ayaw niyang malaman na tagahanga niya ang mga kasambahay niya. Kaya kung gusto mong magtagal dito ay palihim mo nalang siyang sulyapan gaya ng ginagawa naming lahat dito. Kapag trabaho ay trabaho.” s**t! Mukhang magiging kaagaw ko pa si Aling Nena dito, ah?
“Naiintindihan ko po. Sobrang hinahanggaan ko lang po talaga si sir Walter.” Sa sobrang paghanga ko sa kanya ay nandito ako ngayon. Nagpapanggap bilang katulong imbes na umupo na lamang sa opisina ay mas pinili ko pa ‘to.
Hinatid na niya ako sa magiging kwarto ko. Gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung saan ang kwarto ni Walter kaya lang ay baka pagalitan na ako. Tinikom ko nalang muna ang aking bibig. Matagal pa naman ako rito kaya sure akong malalaman ko rin iyon.
Ang yaman naman nito. May tig isang kwarto ang mga kasambahay. Nasa second floor ito. At sigurado ako na nandoon sa third floor ang kwarto ni Walter.
Habang hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ay inayos ko na muna ang damit ko at nilagay iyon sa cabinet. Nilagay ko sa ilalim ang aking iphone at sinigurado kong hindi makikita iyon. Lahat ng mga dala kong damit ay puro luma. Ang iba nga ay bestida pa na lampas sa aking tuhod. Karamihan sa aking dalang damit ay mga lumang maong na short na kapag naglalakad ay halos kita na ang pwet. Hindi ako nagsusuot ng short pero para kay Walter ay magsusuot ako. Para mas mabilis ko siyang maakit.
Nang matapos kong mag- ayos ng damit ay pinili kong bumaba na muna ng bahay. Nakasuot ako ng isang putting sleeveless at kulay itim na bra. I paired it with my maong short. Sobrang ikli nun na kahit ako ay naiilang na kung maglakad. Hindi ako nagsuot ng panty. Wala namang ibang lalaki rito except doon sa guard.
Nang pumasok ako kanina sa gate ay nakita kong may garden doon. Ichecheck ko iyon at titingnan ko kung anong klaseng mga bulaklak ang nandoon.
( WALTER’S POV )
I was checking the cctv of my house. Nakalimutan ko kasi kung saan ko naiwan ang susi ng isa kong sasakyan kaya hahanapin ko iyon sa cctv. Lasing ako nang umuwi kagabi kaya nakalimutan ko kung saan ko naiwan ang susi ko. Wala na akong maalala. f**k that alcohol. Ang hirap kasing tanggihan ng mga kaibigan ko.
But someone caught my attention. Nagdidilig ito ng halaman sa aking garden.
Who is this girl?
Hindi ko pa makita ang mukha nito dahil nakatalikod pa ito sa camera. Napaayos ako ng upon ang yumuko ito at parang inaamoy ang isang bulaklak. I clenched my jaw when I saw her f*****g butt. Wala ba siyang suot na panty? Kitang- kita ko kung gaano kapula iyon. Ang haba ng mga hita niya. Kahit sa cctv ko lang siya pinapanood ay nakikita ko pa rin kung gaano kakining ang balat niya.
Pumunta siya sa isa pang kumpol ng mga bulaklak. And this time, humarap na ito sa camera. Napailing ako nang muli itong yumuko at amuyin ang bulaklak. Naging mainit na ang buong paligid kahit ang lakas ng aircon ko rito sa kwarto ko. Nang yumuko siya ay nakita ko ang dalawang malulusog na dibdib nito. f**k. Her n*****s are f*****g pink. Kapag hinawakan ko iyon ay sakto iyon sa aking palad. Why am I thinking about it? Damn.
What the f**k? My f*****g member tightened inside my pants!