CHAPTER 27 ( SPG! SPG! SPG! SPG! SPG! ) ( JACEY'S POV ) “Isuot na mo 'yang damit mo!” sigaw ko kay Walter dahil nakita kong papunta na rito si Paxton. Malinis na ako. Naisuot ko na rin ulit ang damit ko. Si Walter naman ay wala pang suot na damit. Tapos na siguro silang kumain. Tapos na rin kaming dalawa ni Walter dito. Enjoy na enjoy nga si Walter sa pagkain niya kanina. Halos ayaw niyang bitawan. “Isuot mo na 'yan, Walter!” kinuha ko ang t-shirt niya at tinapon iyon sa dibdib niya. Gusto pa yata ako ang magsuot sa kanya ng damit niya. “Nand'yan na si Paxton!” nagsimula na akong magpanic. Ayaw kong malaman niya ang ginawa namin dito ni Walter sa loob ng sasakyan. Hinampas ko ang dibdib niya dahil sa inis ko. Tinatamad niyang sinuot ang kanyang t-shirt. Malinis naman ang loob ng

