CHAPTER 32 Habang patagal nang patagal ang mga araw ay mas nahirapan akong itagao ang pagbubuntis ko. Lumala pa lalo ang pagsusuka ko tuwing umaga. Hindi pa ako nakakapagpatingin sa mga doctor kaya hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong kaalam- alam sa kung ano ang dapat at hindi dapat. Wala akong pera rito. At isa pa, minsan lang din ako makalabas ng bahay. Kapag nakakalabas naman ako ay palaging kasama ko si Walter. Kaya hindi talaga ako makahanap ng pagkakataon na magpacheck up sa doctor. “Jacey, nitong mga nakaraang araw, ‘wag mo sana akong mamasamain, ah?” napatigil ako sa pagkain nang magsalita si Aling Mima na naghuhugas sa aking likuran. “B- bakit po, Aling Mima?” kinakabahang tanong ko sa kanya. f**k, alam na ba niya? Nahahalata niya ba ako? Sa mga katulad niyang

