CHAPTER 19: The Trial Court

3392 Words
Angel's POV; Pangatlong araw na ng trial court pero ni isang ebidensya wala pa rin kaming hawak. Mas nagiging delikado ang sitwasyon dahil sa mga kasinungalingan na sinasabi ng abogado nila akira kaya naman patagal ng patagal ay nag kakaroon ako ng kaba sa dibdib na para bang hihimatayin ako sa nangyayari "Anak kumalma ka.. Makakasama sa anak nyo ni andrew yan" pag papakalma ni mommy kaya huminga ako ng malalim at tumingin sa abogado nila akira na nag sasalita "Wala silang matibay na ebidensya o kahit witness na hindi talaga nila yun ginawa ang kahalayan.. " sabi ng abogado nila akira at pinakita sa screen ang tatlong picture na kung saan yun yung mga natanggap namin na picture noon "Kung makikita sa litrato ang mga babae lang ang walang saplot at sila lang ang naka kumot.. Makikita din na kalat kalat ang damit nila sa kung saan at maaaring pinwersa silang tinanggal ang kanilang saplot.. At dahil inamin nila na nalasing sila nung gabing yun ay marahil wala na sila sa katinuan at nagawa nila ang kahalayan.. Walang kalaban laban ang mga babaeng ito sa lalaki ng katawan nila.. Yun lang po Your Honor" sabi pa nung abogado kaya napatingin ako sa Judge at parang kumbinsido ito sa mga sinabi nung abogado kaya nakaramdam ako ng pangingilid ng luha 'Hindi pwede.. Hindi pwede to.. ' "Mahina ang laban nila lucas.. Wala silang kahit anong matibay na ebidensya.. " rinig kong usal ni damon habang seryosong seryoso na nakatingin sa harap "Kinakabahan na ako.. " rinig kong sabi ni madison na panay ang pag hinga ng malalim Napatingin ako kila andrew at kita ko sakanila ang lungkot.. Nakita kong namumula na din anh tenga ni zeke at mukang wala na talagang magagawa.. Kapag nag kataon ay 7years ang itatagal nila sa kulungan at hindi ko yun kakayanin.. Napatingin ako sa gawi nila akira at halos manliksi ang mata ko nang makita kong nakangisi sya sa'kin 'Napaka demonyo nyong lahat!!' "May gusto ka pa bang isalaysay?" tanong ng judge sa abogado nila andrew at kusang tumulo ang luha ko nang dahan dahan syang napapikit at yumuko "No.. Hindi pwede to.. Hindi sila pwedeng makulong.. " rinig kong hikbi na ni keila kaya doon na ako naiyak Napatingin sa'kin si andrew at mabilis itong tumayo at patakbong lumapit sa'kin tyaka nya ako niyakap kaya hindi ko napigilan ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko "Shshsh.. Mabilis lang ang panahon love wag ka mag alala ha.. Makakasama sa baby natin yan" bulong ni andrew pero umiling ako "Ayoko.. Hindi ko kaya to mag isa love.. Ayokong makulong ka" usal ko at dahan dahan nya akong inilayo "Maari bang bumalik sa upuan? Dahil hindi pa tapos ang mga kailangan kong sabihin.. " sabi ng judge pero tumingin ako kay andrew "I love you.. " mahinang usal nya at dahan dahang lumayo at bumalik na sa kinauupuan nya kaya inalalayan ako nila mommy at tita na makaupo. Hindi ko na mapigilan ang luha ko at ganun na din sila madison at keila.. Napatingin ako sa parents nila zeke at lucas na halatang kinakabahan na din sa posibleng mangyari "Walang matibay na ebidensya ang kabilang panig kaya naman.." sabi ng judge at tumingin sa gawi nila andrew "Sasamapahan kayo ng s****l harassment at makukulong ng pitong taon sa kulungan.." usal ng judge at hinawakan nya ang wood judge gavel o yung mukang martilyo na ipinupukpok kapag hinahatulan na ang mga criminal.. Sunod sunod ang pag tulo ng luha ko at nang dahan dahan nyang itinaas yun ay doon na ako napapikit at napahagulgol.. 'Hindi maaari... ' Chloe's POV; Tumingin ako sa oras ko at halos maiyukom ko na ang kamao ko sa inis.. "Ilang minuto na lang matatapos na ang trial court.. Kaya mo pa ba?" rinig kong tanong ni eun woo "Hindi pa sapat ang nasa isip kong ebidensya.. Dahil kapag pumalpak ako sa kulungan ang bagsak nila lucas" sabi ko at inis na kinuha ang picture "Hindi mo ba mapaamin yung babae na nag babantay sa cctv footage?" tanong nya kaya tumayo ako at ginalaw galaw ang ulo ko dahil sa stress na nararamdaman ko "Satingin ko binayaran sya nila ivy.. Hindi ko pwedeng basta basta pwersahin yung babae baka ako pa mapakulong kapag nag kataon tsk!" inis na sabi ko at napabuga ng hangin tyaka ko pinag masdan ang picture "20mins. Na lang ang natitira.. At sa pag kakaalam ko walang hawak na matibay na ebidensya ang nakuha nilang abogado.. " sabi ni eun woo kaya inis akong bumalik sa kinauupuan ko kanina "Albolaryo yata yung nakuha nila tsk! Walang kwenta yung mga pinag sasasabi nya.. Pinapalala lang nya yung sitwasyon" inis na sabi ko at napailing Pangatlong araw na ng trial pero hindi pa rin ako nakakakuha ng matibay na ebidensya.. Pinag masdan ko ang picture at ginala ang tingin sa bawat sulok non.. Tumingin ako kay ivy na nakatakip ng kumot habang ang saplot nya ay kalat kalat sa paligid, si zeke naman ay tulog na tulog na nakatabi sakanya pero napaupo ako ng maayos nang mapansin kong may pula sa gilid ng leeg ni zeke at ginawi ko ang tingin sa labi ni ivy na may red lipstick.. Inilibot ko pa ang tingin ko at naagaw ng pansin ko ang nakasulat sa table 'Pearl Hotel.. Yun pala ang pangalan nung hotel na yun.. Pero parang narinig ko na ang hotel na yun' *Tokkk!! Tokkkk!! * Sabay kaming napalingon ni eun woo nang may kumatok sa pinto at nakita ko na pumasok si clyde "Chloe.. Tawag ka ni daddy sa baba" sabi ni clyde tumango ako "Tara.. " aya ko at ibinulsa muna ang picture bago kami tuluyang bumaba Pag baba namin ay nakita ko sila tito ashton at tito james kasama sila tita tiffany at tita stacey.. "Tawag nyo daw po ako?" tanong ko kay dad "Natatandaan mo nung nag meeting sa company at si Mr. Santos?" tanong ni dad kaya tumango ako "Yes dad.. Why?" "Ikaw ang gusto kong tumingin sa hotel nila para sa project na gagawin namin.. Ang kapatid mo at si inigo ay sasama muna sa'min sa palawan para sa business meeting don.. " sabi ni dad dahan dahan akong tumango "Okay.. Kelan at anong pangalan nung hotel nila dad?" tanong ko at kinuha ang phone ko para iset ang date kung kelan kailangan gawin yun "Bali this week ang alis namin kaya dapat pag uwi namin ay mapuntahan mo na yun.. Kahit next week mo na puntahan.." sabi ni dad at may inabot na folder sa'kin kaya binuksan ko yun at agad na napakunot ang noo ko "Ang pangalan ng hotel nila ay Pearl Hotel malapit lang yan dito kaya mahahanap mo agad.. At nakalimutan kong sabihin na jan din gaganapin ang birthday ng mamu mo next month" sabi ni dad pero parang tumagos lang sa kabilang tenga ko ang sinabi nya 'Pearl hotel.. Sh*t!! Kailangan ko ng pumunta don!' "Dad.. Kailangan ko pong umalis, may kailangan po akong puntahan" agad na usal ko kaya dahan dahan syang napatango "Wag mag papagabi anak.. Aalis kaming lahat kasama ang mamu mo.. Kaya umuwi ka agad" sabi ni dad kaya tumango ako at bumalik pa muna sa mga tita at tito ko.. Humalik muna ako sa pisngi nila dad, mom at mamu.. Nag paalam na din ako kay clyde at mukang alam naman na nya kung saan ako papunta.. Pag labas namin ni eun woo ay agad nyang pinatakbo ang sasakyan "Ideretsyo mo sa pearl hotel.." sabi ko at napatingin sa relo "Sh*t! Kung kelan malapit ng matapos ang trial court tyaka ko makukuha yung ebidensya lintek naman!" inis na sabi ko at rinig ko ang pag tawa nya "Sa pag kakaalam ko sundalo ka.. Pero sa kinikilos mo nagiging muka kang abogado.. " matawa tawang sabi ni eun woo kaya napailing ako "Ayaw mo nun 2in1" natatawa ko din na sabi Mabilis kaming nakarating sa pearl hotel at deretsyo agad ako dun sa babaeng nakausap namin nung isang araw na tumatanggi sa cctv footage "Ano pong kailangan nyo ma'am?" tanong nung babae kaya seryoso akong tumingin sakanya "Ipakita mo sa'kin yung cctv footage ngayon na.. " sabi ko at titingin tingin sa relo ko "Diba nga po sinabi ko sainyo nabur--" hindi ko na sya pinatapos at malakas na hinampas ang lamesa "Ako si chloe jane scott anak ni clarck kalvin scott na nag mamay-ari ng Gonzales and Scott's hotel na magiging business partner ng may-ari nitong hotel na si Mr. Santos!" inis na sabi ko at parang gulat na gulat pa sya "Ngayon ipapakita mo na ba sa'kin ang cctv footage o tutulungan pa kitang mag ligpit ng gamit mo para mag resign?" habang sinasabi ko yun ay pilit kong kinakalma ang sarili ko "I--i'm sorry ma'am.. This way please.." uutal utal na sabi nya at mabilis kaming pumunta sa isang kwarto na nandoon ang computer Sya na ang nag hanap ng footage at nang mahanap nya yun ay agad kong pinanuod.. Inilabas ko ang picture na nasa bulsa ko at nag palipat lipat ang tingin ko sa picture at sa computer.. Unti unti akong napangisi sa mga nakikita ko kaya agad kong sinaksak ang flash drive at kinuha ang footage na yun.. Pero bago kami umalis ay humarap ako dun sa babae na parang takot na takot tumingin sa'kin "Mag kano ang ibinigay sayo?" tanong ko at alam kong alam na nya ang ibig kong sabihin kaya napayuko sya "T--ten thousand po.. " usal nya kaya napangisi ako "Akin na yung pera.. " sabi ko at agad syang napasulyap sa'kin kaya napatingin ako sa oras ko at wala na akong nagawa Kinuha ko ang wallet ko at inis na kinuha ang cheke dahil doon ko lang napag tanto na wala pala akong dalang cash kaya binigyan ko na lang sya ng cheke "20,000 pesos.. Dinoble ko na kaya ibigay mo sa'kin ang ibinigay nya sayong pera.. " sabi nya kaya kinuha nya ang cheke at nag lakad palabas kaya sumunod na kami "I--ito napo ma'am.. " sabi nya sabay abot ng sobre sa'kin kaya tinignan ko ang laman at agad na inabot kay eun woo "Hawakan mo dumeretsyo na tayo sa trial court" sabi ko at tumingin sa relo at halos manlaki ang mata ko "Takte! 5mins. Na lang ang natitira!" sabi ko kaya mabilis kaming tumakbo pero bago pa kami makarating sa sasakyan ay naramdaman ko bigla ang pag kirot ng puso ko kaya sandali akong natigilan at napahawak sa dibdib 'Wag ngayon please.. ' "Anong problema?" tanong ni eun woo pero umiling ako at nag lakad na lang kaya nauna na syang pumasok. Halos mapangiwi ako dahil sa kirot ng puso ko at doon nag start na nahirapan akong huminga kaya pinilit kong mag lakad ng maayos hanggang sa makarating ako dun.. Pero bago ko pa mabuksan ang kotse ay may nag salita "Chloe.. " usal nya kaya napatingin ako sakanya at medyo nagulat pa ako "Sasama ako.. " dagdag pa nya kaya mas nabuhayan ako 'Gotchaaa!!' Damon's POV; Halos lahat ay pigil ang hininga nang itinaas ng judge ang wood judge gavel at rinig ko na ang pag hikbi nila angel, madison at keila kaya napatingin ako sa mga kaibigan kong pare parehas ng nakatingin sa sahig at napaka lungkot ng muka 'Tsk! Bakit ba kasi kailangan pang humantong sa ganito?' Pero bago pa maipukpok ng judge ang gavel ay nabigla kaming lahat nang malakas na bumukas ang pinto at halos mapakunot ang noo ko nang makita si chloe na parang nag hahabol pa ng hininga "Sino ka? Bakit wala ka man lang pasintabi na pumasok?" galit na tanong ng judge kaya inis akong tumingin sakanya pero dahan dahan syang nag lakad papalapit at may dinukot sa bulsa nya, may kinuha sya sa wallet nya at agad nyang tinaas ang isang ID "Commander Sergeant Major Chloe Jane Scott.. " sabi nya habang patuloy na nag lalakad hanggang sa huminto sya sa harap ng judge "Ano ang pakay mo dito commander?" seryosong tanong ng judge "Your honor.. Nandito ako para mag bigay ng ebidensya laban sa sinasabing biktima.. " usal ni chloe pero halatang halata sa boses nya ang pag ka sarkastiko "Maari ko na po bang simulan?" tanong pa ni chloe kaya huminga ng malalim ang judge at sumenyas na gawin na nya kaya humarap sya sa'min na nakangiti Pinakita nya sa screen ang picture at nakita ko pang pasimple syang napangiwi habang napahawak sa dibdib pero agad din syang huminga ng malalim at nag simula "Base sa tatlong picture na'to ay makikitang pare-pareho sila ng sitwasyon at hindi pwedeng sabihin na hindi sinadya ang nangyari.. " sabi nya at sumulyap pa muna sa gawi nila ivy bago sya nag patuloy ulit "Kung makikita sa tatlong litrato na'to ay ang mga babae lang ang wala saplot habang ang mga lalaki ay halatang tulog na tulog" sabi nya at lumapit sa monitor at may kung anong isinaksak dun "Sa pag kakaalam ko hindi pwede ang ginagawa nya.. Dahil una sa lahat hindi sya abogado.. " rinig kong usal ni veronica pero hindi ko sya pinansin at pinag masdan ang ginagawa ni chloe. Lumabas sa screen ang isang video at halatang cctv footage ito "Cctv footage ito kung saan naganap ang party sa picture na ito" sabi nya at ipinakita ulit ang picture pero agad din na ibinalik sa video pero hindi pa nakaplay kaya agad nyang ini-start yun kaya tutok na tutok kami sa video.. Tinapos namin ang video pero napakunot ako dahil wala akong nakitang kahit isang ebidensya kaya nag tataka akong tumingin kay chloe pero ngayon ay napangisi sya tyaka nya ibinalik sa simula ang video pero ngayon ay naka slowmo na yun "Sa unang tingin ay parang normal lang ang ikinikilos nilang lahat habang umiinom hanggang sa tumayo si ivy at mapapansin na may dinukot ito sa bulsa nya" sabi ni chloe at pinanood ko ang slowmo pero wala na don si ivy "Ilang segundo ang itinagal nya hanggang sa pag balik nya ay parang lasing na ito kung mag lakad.. Nang makaupo sya ay doon dumating ang isang waitress at may dalang Moscato d'Asti wine at agad nyang ibinigay ang wine sa tatlong lalaki" sabi pa nya 'Wala akong maintindihan sa sinasabi nya.. Tsk!' "Ilang minuto pa ay sunod sunod na tumayo ang tatlong lalaki at mapapansin na ang kalasingan nila kaya lumapit ang tatlong babae at naiwan ang isang kasama nila tyaka nila inakay ang tatlong lalaki.." sabi nya at napansin kong napapangiwi sya at napapahawak sa dibdib kaya medyo nag taka ako "Nag kanya kanya sila ng akay sa mga lalaki dahil halatang hindi na kayang mag lakad mag isa ang tatlong lalaki na yan.. Tyaka sila nag kanya kanya ng pasok sa loob ng kwarto pero wala ng cctv doon" sabi nya at pinause ang video tyaka tumingin sa judge "Makikita sa video na bago pa bigyan ng wine ang tatlong lalaki ay napaka ayos ng tindig at kilos nila hanggang sa binigyan sila ng wine ng isang waitress at agad na ininom.. Ang alcohol level ng Moscato d'Asti ay nasa 5.5% lang kaya hindi sila agad malalasing dahil halos hindi pa nangangalahati ang wine sa baso na yon.. Kaya ang masasabi ko ay.. " sabi nya at sumulyap kay ivy at ibinalik ulit ang tingin sa judge "Nilagyan nya ng sleeping pills ang tatlong wine na yun para ipainom sa tatlong lalaki.. Dahil nakita naman sa video kanina na nung tumayo sya ay may idinukot sa bulsa at nang makabalik sya ay kasama na nya ang waitress.. Yun lang po Your Honor.. " kalmadong sabi nya 'Bakit hindi ko napansin yun? Abogado ba to?' "Whoaaa.. Mas bumibilib ako kay chloe" rinig kong usal ni madison pero mas naagaw ng pansin ko ang pag tayo ng abogado nila ivy kaya nag simula itong mag salita "Your Honor.. Unang una sa lahat wala syang karapatan na mag salita dito dahil hindi naman sya abogado.." seryosong sabi ng abogado nila ivy pero nakita kong tinignan lang sya mula ulo hanggang pa ni chloe kaya pasimple akong napangisi 'Hambog pa rin sya.. Tsk!' "Hindi nakakasiguradong nilagyan ng sleeping pills ang wine dahil hindi naman nakita sa cctv na nilagyan yun ng victim.." sabi ng abogado nila ivy at ipinakita ang video "Makikita na marami na silang nainom bago pa sila uminom ng wine kaya hindi imposible na malalasing sila don.. At walang cctv sa loob ng kwarto kaya may chance silang magawa ang kahalayan sa mga babae.. Yun lang po Your Honor" sabi nya pero hindi pa nakakapag react ang judge nang tumayo si chloe sa pag kakaupo sya at agad na pinlay ulit ang video pero slowmo.. Nakita ko pang napataas ang kilay ng judge pero hinayaan lang din nya si chloe "Talagang hindi makikita sa cctv ang pag lagay ng victim ng sleeping pills sa wine dahil sa bandang gawi don ay wala ng cctv.. Tsk!" napangisi ako sa inasta nya pero nawala ang ngisi ko nang mapansin kong nakatingin si madison kaya unti unti akong nag seryoso "Bilib ka no?" pang aasar ni madison pero tinignan ko sya ng seryoso "Walang kabilib bilib sa ginagawa nya.. " sabi ko pero inirapan lang nya ako kaya tumingin ulit ako kay chloe "Kung babalikan nga ulit natin yung video.. Makikitang ayos ang galaw at walang kahit anong mali sa galaw ng tatlong lalaki bago pa nila mainom ang wine.." sabi nya at napansin ko na naman na pasimple syang napangiwi at parang nahihirapan sa pag hinga "Kung makikita sa video, nung tumayo ang tatlong lalaki ay pare-pareho silang nakasinturon at makikitang mahigpit talaga yun na nakalagay.." pag papatuloy ni chloe at napa sulyao ako sa mga kaibigan kong pare-pareho ng nakangiti 'Mga abnormal talaga' "At dahil wala ngang cctv sa loob ng kwarto ay pag kukumparahin ko ang picture at ang video.. " sabi nya at pinakita ulit ang picture "Makikita sa picture na nakasinturon pa rin silang tatlo at kung babalikan sa video ay parehong pareho pa rin ang pag kakalagay ng sinturon nila" sabi nya at humarap sa judge habang pinapakita ang picture "Halatang sa video na parang babagsak na ang katawan ng mga lalaki.. Kung titignan ang ang picture pare-parehas na nakatakip ng kumot ang mga babae dahil wala silang saplot pero paanong matatanggal ng mga lalaki ang damit nila kung nanghihina na ang katawan? At kung nangyari nga ang kahalayan hindi naman siguro mag effort na mag sinturon sila kaagad pag tapos non at isa pa.. Hindi na nila kakayanin mag sinturon dahil nga hinang hina na ang katawan nila" sabi nya at humarap sa picture at zinoom nya ang picture nung kay zeke "Makikita ang red mark sa gilid ng leeg ng lalaki at kung titignan ang labi ng sinasabing victim ay napaka pula ng labi nya dahil sa lipstick.. Kahit sino naman siguro sa'tin ay hindi kayang halikan ang sariling leeg right Your Honor?" sarkastikong tanong ni chloe kaya halos maibuka ko na ang labi ko sa mga nasabi nya 'Paano nya nagawa yun..' "Bago palayain ang mga kaibigan ko Your Honor.. May isa pa akong napaka halagang proweba o masasabi kong witness.. " dagdag pa ni chloe at binalik ang video at inihinto kung saan nag iisa na lang si sunshine na nakaupo Dahan dahang bumukas ang pinto kaya lahat kami ay napa tingin don at unti unti syang pumasok 'Sunshine?' "Kung titignan sa video.. Sya ang kasama ng mga sinasabi nyong victim.." sabi nya at nag lakad si sunshine pero huminto lang sya sa gitna at tumingin sa Judge, huminga muna sya ng malalim bago nag salita "Ako si Sunshine Riley Lazaro.. Kaibigan ng sinasabing victim na sila Ivy, akira at athena.. Ako ang witness at.." pinutol nya ang sasabihin nya at tumingin kila lucas "Wala pong nangyaring kahalayan at totoong nilagyan ng sleeping pills ang wine na ininom nila nung gabing yun sa party.. " pag papatuloy nya at nakita kong napangiti si chloe at tumingin sa judge "That's all.. Your Honor.. " nakangiting usal ni chloe at sa puntong yun napatayo sila lucas, zeke at andrew sabay sabay silang pumalakpak kaya nag palakpakan na ang mga kasama namin at hindi ko naiwasang mapapalakpak din 'Pinahanga mo ako.. Vegeta...' "Chloe!!" dahan dahan kong naitigil ang pag kakapalakpak ko nang masilayan ko ang pag pikit ni chloe at agad na bumagsak sa sahig kasunod nun ang pag sulpot ni eun woo at agad na nilapitan si chloe 'Anong nangyayari?!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD