Chloe's POV;
Dahan dahan kong naimulat ang mata ko.. Nag muni muni pa ako saglit tyaka ako tumayo pero naagaw ng pansin ko ang isang rose na nasa side table ko at may kasama yon na maliit na card kaya agad kong tinignan
"Roses are red, Violets are blue.. I've never met anyone as beautiful as you"
-Eun Woo
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko at iiling iling na inilagay sa table ulit ang rose na yun.. Pag baba ko ay nag taka ako dahil tahimik kaya dumeretsyo ako sa kusina at naabutan ko si mommy don
"Goodmorning mom.. " bati ko at napatingin sya agad sa'kin
"Goodmorning baby.. Kamusta ang date kahapon?" tanong ni mommy kaya napangisi ako
"Masaya naman po.. Nalasing lang ako" iiling iling na sabi ko at umupo sa dining area habang pinapanood si mommy na nag luluto
"Hayy anak.. Hinay hinay lang sa pag inom ha.. Alam mo naman na masama sayo yun" sabi nya kaya tumango ako at ngumiti
"Don't worry mom.. I'm strong!" sabi ko at kunyari pang itinaas ang braso ko kaya natawa sya "Nasaan nga po pala ang mga tao dito?" tanong ko pa
"Si clyde maagang umalis may meeting daw.. Ang daddy mo naman pinacheck up si mommy" sabi ni mom kaya tumango na lang ako
Tumayo ako para mag timpla ng gatas pero sa kalagitnaan ng pag titimpla ko ay nag salita si mom
"Kamusta kayo ni damon?" tanong ni mommy kaya natigilan ako
"Okay naman po.. " sagot ko at pinag patuloy ang ginagawa ko
"Kayo naba?" tanong nya kaya pasimple pa akong huminga ng malalim at bumalik sa kinauupuan ko
"Hindi naman po kami nag break e" sabi ko pero pag sulyap ko sakanya kay seryoso ang tingin nya sa'kin kaya may namuong kaba sa dibdib ko
"Are you okay?" tanong ni mommy habang nakatingin ng deretsyo sa mata ko
"Of course I am.." sabi ko pero bumuntong hininga sya at umupo sa harap ko
"Are you sure?" tanong pa ulit nya kaya napaiwas ako ng tingin
"Yes--"
"I saw him.. " usal ni mom kaya napatingin ako agad sakanya "I saw him last day.. With another woman" pag papatuloy nya kaya doon na ako kinabahan ng sobra
"Mom.. " tanging usal ko
"Bakit nag sinungaling ka about kay damon?" seryosong tanong ni mommy kaya napaiwas ako ng tingin "I'm your mom.. So please tell me" dagdag pa nya kaya napabuga ako ng hangin
"Because I love him.. At ayokong masira ang pangalan nya sainyo" usal ko at naramdaman ko ang pag hawak ni mommy sa kamay ko "Ayokong sumuko mom.. Alam kong kaya ko.. Alam kong may chance pa" dagdag ko pa
"Anak hindi mo kailangan gawin yun.. At ayokong makikita kang nahihirapan.." malungkot na sabi nya kaya ngumiti ako at umiling
"Hindi naman po ako nahihirapan.. Kaya ko'to mom.. Don't worry okay?" sabi ko kaya napa buga na lang sya ng hangin
"Basta ayokong makikitang paiiyakin ka nya.. Dahil hindi lang mga daddy mo ang makakalaban nya, baka nakakalimutan mong may pag ka amazona ang mommy mo" sabi nya kaya sabay kaming napangiti
"Noted mom.. Pero pwede po bang sa'ting dalawa muna to? Ayoko kasing malaman nila dad at clyde" sabi ko kaya napabuntong hininga sya
"Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi nya kaya napangiti ako at agad na niyakap sya
'Mahirap man yung nagiging sitwasyon ko.. May nag papagaan pa rin ng loob ko'
"Mom aalis nga po pala ako" sabi ko at napatingib sya sa'kin habang nag luluto sya
"Saan ang punta mo? Wag kana mag papagabi masyado" usal nya kaya tumango ako
"Mag kikita kita po kami ng mga kaibigan ko.." sabi ko at tumango sya, aakyat na sana ako nang may maalala ako "Ahm.. Mom"
"Hmm?"
"Ano po bang kailangan ng mga buntis?" tanong ko at agad syang napabalikwas ng tingin
"Bakit? Buntis ka?" gulat nyang tanong kaya medyo natawa ako
"Hindi po.. Si angel" sabi ko at napatakip sya ng bibig
"Omo.. Akala ko naman ikaw na, ilang months na?" tanong ni mommy pero nag kibit balikat ako
"Hindi pa sya nag papa-ultrasound" sabi ko kaya parang nag isip sya
"Hmm.. Make sure na iinom sya ng anmum para mas healthy ang baby nya may iba't ibang flavor yon kung gusto nya.. Pero mas okay pa rin na mag pa-ultrasound sya para alam nya ang pwedeng gawin" sabi pa ni mommy kaya ngumiti ako
"Thanks mom!" sabi ko at umakyat na sa kwarto ko
Ginawa ko na ang routine ko at nag soot lang ng simple.. Pupunta kami sa mall para bumili na naman ng pagkain ni angel dahil paubos na daw ang mga binili namin.. Balak na rin nyang bumili pa ng ibang damit dahil nasisikipan na daw sya sa mga damit nya noon. Kukunin ko na sana yung relo ko nang makita ko ang bracelet na ibinigay sa'kin ni damon nung 18th birthday ko kaya kinuha ko yun at pinag masdan
"Sana pwede kong ibalik yung panahon na yun.. Kung saan napaka saya natin.. " usal ko at sinoot na yun pati na rin yung relo
Humarap ako sa salamin para ayusin ang damit ko at napasulyap sa necklace na ibinigay ni papu.. Mapait akong ngumiti at itinago yun sa loob ng tshirt.. Pag baba ko ay kakatapos lang mag luto ni mommy kaya lumapit ako at yumakap
"Hmm.. Sarap naman nyan" sabi ko kaya narinig ko ang pag ngisi ni mommy
"Dapat marunong ka na rin mag luto.. Ilang taon kana hindi ka pa rin marunong" sabi nya kaya napahiwalay ako sa pag kakayakap ko
"Hindi ako mahilig mag luto.." usal ko
"Paano kapag nag asawa ka? Sino pag lulutuin mo? Kapit bahay nyo?" sarkastikong tanong nya kaya natawa ako
"Asawa agad? Bata pa ako mom.. " sabi ko at napailing sya
"Matanda na kami ng daddy nyo.. Kita nyo naman nag kakaputi na kami tapos hindi pa kayo mag aasawa? Hayy nako anak mag 24 kana this year nasa tamang edad ka naman na" sabi pa nya kaya kaya napailing ako
"Hay nako mommy! Si clyde ang sabihan mo nyan" sabi ko at natawa naman sya
"Alam mo naman yun masyadong masungit sa ibang babae.. Tignan mo hanggang ngayon wala girlfriend" natatawang sabi nya kaya natawa ako
"Bading yata yun mom.. " sabi ko at doon sya natawa
"Hayy nakoo anak.. Sige na baka inaantay kana ng mga kaibigan mo" sabi ni mommy kaya humalik muna ako sa pisngi nya tyaka ako lumabas
Pero nang makarating ako sa garage ay doon ko lang naalala na wala nga pala akong kotse pero palabas na sana ako nang maaninag ko ang motor ko dati kaya dahan dahan akong napangisi at lumapit don.. Tinanggal ko ang cover at lalong napangiti dahil napaka linis pa rin non kaya kinuha ko ang susi sa cabinet at ini-start yon
"Whooaaww.. Gumagana ka pa pala.. Ang tagal na nung huling ginamit kita" usal ko at pinag masdan pa ang ibang parte
Dati ay medyo tumitingkayad pa ako para maabot ang sahig dahil medyo mataas ang motor pero ngayon ay saktong sakto na kaya doon ko lang napansin na nadagdagan pa pala ang height ko.. Sinuot ko ang helmet tyaka ko pinaandar, pinag buksan pa ako ng guard ng gaye tyaka ko tinahak ang daan papunta sa mall dahil doon na daw kami mag kikita kita.. Maya maya lang ay nakarating na din agad ako sa parking lot at nakita ko na kung nasaan sila kaya pinark ko na yun at bumaba
"Woww! Buhay pa pala yang motor mo? Ang tagal na nyan ah!" manghang usal ni madison kaya napasulyap pa ako sa motor bago tumingin sakanila
"Kanina ko lang nakita yan.. At buti gumagana pa, mukang matagal na hindi nagamit e" sabi ko pa
"Eh! Ano nga pa lang bibilin natin ngayon aber?" maarteng tanong ni mads kay angel kaya ngumiti sya ng pag kalaki laki at may inilabas na papel at halos mapa maang ang bibig ko nang makita ang marami sulat dun
"Seryoso ka jan angel?" gulat na tanong ni keila at tumango naman si angel
"Ang dami nyan.. Mauubos mo ba lahat yan?" tanong ko at bumusangot sya
"Oo.. Tumataba na nga ako e" sabi nya na parang maiiyak pa kaya inakbayan ko na lang sya
"Tara na.. Bilhin na natin lahat yan" sabi ko at kumindat pa kila madison at keila para sakyan na lang ang trip ni angel
Dumeretsyo agad kami sa grocery para mamili na ng pagkain.. Ako na ang kumuha ng push cart at agad na hinanap ang mga nasa listahan ni angel..
"Oo nga pala.. Sabi ni mommy kailangan mong uminom ng anmum para sa baby mo" sabi ko kay angel at kumunot ang noo nya
"Ano yun?" tanong pa nya
"Gatas yata yun.. Pero sabi ni mommy may iba't ibang flavor naman daw" sabi ko at tumango sya
"Nakakaloka mukang mamamasyal na naman tayo dito sa loob ng grocery sa dami ng pinabibili ni buntis" sarkastikong sabi ni mads kaya natawa kami ni keila
"Che! Ang sama talaga ng ugali mo sa'kin mads.. " sabi ni angel ngumiti ng pag kalaki laki si madison
"Alam mo naman na ganyan kita kamahal kaya wag kana nag rereklamo" sabi ni mads kaya napailing na lang ako sa kakulitan nila
"Ahh! Nag ce-crave ako sa ice cream" sabi ni keila
"Bakit buntis ka din?" tanong ko kaya tinaasan nya ako ng kilay
"Hindi pwedeng gutom lang?" tanong nya kaya natawa ako
"Pabili ka sa kapatid ko.. Mahilig din sa ice cream yun" sabi ko habang may pang aasar na tono
"Asuss.. Si clyde pala ang gusto" pang aasar ni madison
"U--uyy! Hindi ah!" singhal ni keila
"Nakooo keila kung ako sayo kay clyde kana lang.. Full package na yun" natatawa pang sabi ni madison pero bumusangot lang si keila
Nag lakad lakad pa kami at hinahanap ang mga nasa listahan ni angel.. Medyo nag tagal kami sa dami ng nasa listahan nya hanggang sa nahinto kami sa mga sabon..
"Wala ka bang sabon sainyo?" tanong ni mads
"Paubos na e.. Tyaka gusto kong mag palit ng sabon yung mabango" sabi pa ni angel kaya nag lakad lakad si madison para humanap ng sabon hanggang sa nahinto sya at may kinuha
"Dettol soap? Ngayon ko lang nakita ang ganitong sabon" sabi ni mads kaya lumapit ako at tinignan yun "Ang bango.. Para ang sarap ipang ligo" dagdag pa nya kaya napangisi ako
"Never take a bath with that soap.." ngising sabi ko at kinuha sakanya ang sabon na yun at kunyaring may binasa "Dettol soap kills bacteria.. And i don't want to lose you yet" pang aasar ko at agad na nanlaki ang mata nya at akmang hahampasin ako kaya agad akong lumayo
"Grabe chloe! Kelan kapa naging ganyan sa'kin? Nakakaloka!" hindi makapaniwalang sabi nya kaya natawa ako
"Bars!" usal ni angel kaya inirapan na lang kami ni madison
Nang makumpleto namin ang nasa listahan ni angel ay binayaran na namin yun at agad na pumunta sa cr dahil kailangan daw mag cr ni angel.. Pag dating namin don ay nag kanya kanya silang pasok sa cubicle at naiwan ako dahil nag hugas lang ako ng kamay pero sa hindi ko inaasahan ay may pumasok
"Oww look.. Si chloe oh!" maarteng sabi ni ivy at nag lakad papunta sa gilid ko
Kasama nya sila sunshine, akira at athena na ngayo'y lumapit na rin sa pwesto ko at nag hugas ng kamay
"Bakit nag iisa ka lang? Iniwan ka na ng mga kaibigan mo kasi mang iiwan ka?" sarkastikong tanong nya pero hindi ako umimik
"Let's go ivy.. Kailangan kong hanapin si lucas dahil nandito sila" usal naman ni athena kaya napaharap ako sa salamin at napatingin sakanilang apat
'Tsk! Nakakasuya ang pag mumuka nila'
"Let's go.. Kailangan mo na rin hanapin si damon, sunshine baka inaantay kana.. " nakangising sabi nya kaya napangisi ako at humarap sakanya "Bakit nag seselos ka?" sarkastikong tanong nya kaya medyo lumapit ako sakanya at nagulat pa sya nang pabalang kong hinablot ang tissue sa likod nya
"Queens don't compete with hoes.. " nakangising usal ko at pinunasan ang kamay ko kasabay nun ang sabay sabay na pag bukas ng pinto ng cubicle at lumabas ang tatlo kong kaibigan "Underestimate me.. That'll be fun" sabi ko pa
"Bakit may mga surot na naman dito?" sarkastikong tanong ni madison at pinasadahan ng tingin si ivy "Akala ko ba sa mall na'to.. Pets not allowed here.." dagdag pa ni madison
"Mag ingat ka sa pinag sasabi mo madison.. " usal naman ni sunshine
"Hayaan mo sila.. Mga nag seselos pa rin yan hanggang ngayon dahil tayo.. Nababawi na ang dapat sa'tin" sabi naman ni ivy at narinig kong suminghal si angel
"Kami nag seselos sainyo? Bless your delusional heart tsk!" sarkastikong sabi ni angel kaya pasimple akong napangisi
"Tsk! Nahahawa na kayo sa bad attitude nitong kaibigan nyo? Hindi na ako mag tataka" sarkastikong sabi nya kaya tumingin ako sakanya na may sarkastikong ngiti
"I don't have attitude problem, I just carry a personality you can't handle.." usal ko at pabalang na tinapon sa basurahan ang tissue na hawak ko
"Hindi kami nandito para makipag away.. Pero kung yan pala ang hanap nyo nag sasayang lang kayo ng oras" sabat naman ni athena kaya napasulyap ako sakanya
"Bakit may ibubuga kaba?" maangas na tanong ni mads kaya napangisi si athena
"Bakit.. Muka bang wala?" maarteng tanong kaya kaya natawa si angel
"Ano to? Pa-anghelan ng muka? Pero pa demunyuhan ng ugali?" sarkastikong tanong ni angel kaya narinig ko suminghal si akira
"Ano bang problema mo? Alam mo nag titimpi lang ako sayo e!" inis na sabi ni akira pero medyo lumapit si angel at pinasadahan sya ng tingin
"Sinabi ko bang mag timpi ka? Hindi naman diba?" mataray na tanong pa ni angel kaya napangisi na ako
"Tama na yan.. Masama sayo ang mastress angel.." sabi ko at natatawa pa syang hinimas ang tyan nya na hindi pa ganun kalaki
"Oo nga.. Hindi maganda sa baby namin ni andrew na mastress ako" sabi nya at sinulyapan pa si akira na nakakunot ang noo
"Tsk! Sasabihan mo kami ng kaladkarin.. Pero ikaw pala tong nabuntis? Baka hindi naman kay andrew.." sarkastikong sabi ni athena at nakita kong napataas ang kilay ni keila kaya parang alam ko na ang mangyayari
"Atleast sakanya nag bunga sa pag mamahalan.. Hindi sa kaharutan.." sabi ni keila at pinasadahan ng tingin si athena
"Oww come on.. Aminin na nating pare-parehas tayong may malalanding side kaya wag kayong nag mamalinis" sabi ni ivy kaya napataas ang kilay ko pero agad syang sininghalan ni madison
"Kapag kami nag landi.. Nasisiguro naming sa pag mamay-ari namin" sabi ni madison at tinaasan nya ng kilay ni ivy "Hinay hinay sa pag lalandi.. Baka ikamatay mo" dagdag pa nya kaya napasinghal ni ivy
"Eh ano naman sayo kung malandi ako? Hindi naman ikaw ang nilalandi ko.." sarkastikong sabi nya kaya napa iling ako
'Grabe.. Joke ba to?'
"Papayag naman akong landiin mo ang mahal ko.. Basta papayag ka din na basagin ko yang muka mo?" sabi ni madison at akmang lalapitan nya si madison nang humarang ako at dahil mas matangkad ako sakanya ng ilang inch ay naitaas nya ang tingin sa'kin
"Wag kang nag bibida chloe.. Baka kapag hindi ako nakapag timpi mapatulan kita" mataray na sabi nya sa'kin kaya napangisi ako
"Hindi ako makapag intay.. " sabi ko kaya akmang nya akong sasampalin ng masapo ko ang kamay nya "Nakalimutan kong ipaalam sayo na.. Kamao ang pansampal ko kaya kung gagawin ko sayo.. Masisiguro kong dudugo yang ilong mo" sabi ko at pabalang nyang inagaw ang kamay nya habang nakatingin ng masama sa'kin
"Tara na.. Kailangan ng mag pahinga ni angel" aya ni keila kaya tinalikuran ko na si ivy
Inakay na ni keila si angel palabas at sumunod ako pero bago pa kami makalabas ng tuluyan ay may pahabol na sinabi si madison na kinatawa namin
"Ang mga malalandi ay parang show ni kuya kim.. Mapangahas! Mapag mantiyag! Mapanlinlang! MUKANG LAWIN!" sigaw nya kaya tatawa tawa kaming palabas ng cr
"Kupal na yun! Akala mo hindi sya papatulan tsk!" sabi ni madison habang nag lalakad kami
"Grabe nastress si baby don.. " sabi ni angel at hinimas himas ang tyan nya
"Pero wag kayo.. Sumasabat na si keila" sabi ni madison at natawa naman ako
"Okay lang na depensahan nyo ang sarili nyo.. Pero ayokong nakikipag ayaw kayo masyado ah" sabi ko pa at tumango naman sila
"Nakakainis lang kasi yung mga pinag sasasabi nila.. " usal ni keila
"Chill lang kayo.." sabi ko at napailing na lang
Nag lakad na kami papunta sa parking lot.. Mag co-commute sila dahil wala naman silang dalang sasakyan at tanging motor lang ang dala ko.. Pero pag dating namin sa parking lot ay hindi namin inaasahan ang makikita namin
"Andrew?" gulat na tanong ni angel dahil ngayon ay mag kalapat ang labi ni akira at andrew
Nandito din sila zeke, lucas, at damon.. Kasama naman ni akira sila ivy, sunshine at athena
'Tsk! Ano to reunion?'
"Angel.. " usal ni andrew at napasulyap ako kay angel na ngayon ay tumutulo na ang luha kaya nabitawan ko ang hawak hawak kong plastik na mga pinamili namin
'Siraulo ka!'
Mabilis akong nag lakad sa dereksyon nila at nakita ko pang lumayo si akira.. Sa sobrang inis ko ay mabilis kong sinuntok ang muka ni andrew at bago pa sya matumba ay nahawakan ko na ang kwelyo nya at sinandal sa pader
"Chloe!" rinig kong sigaw nila madison
"Gago ka andrew! Isa kang malaking gago alam mo ba yun!" galit na sabi ko habang madiin kong isinandal sya sa pader at nakahawak sa kwelyo nya
"Mali ang iniisip mo chloe! Hindi ko sya hinalikan!" nahihirapang usal nya habang pinipilit na tanggalin ang kamay ko sa kwelyo nya kaya pabalang ko yun na binitawan at seryosong tumingin sakanya
"Okay lang sana kung si angel lang ang maaapektuhan.." sabi ko at parang nag taka pa sya "Iniiwasan kong mastress si angel dahil masama sakanya yun.. Pero lintek na yan!" sigaw ko at napatingin sya kay angel na umiiyak na
"A--anong ibig mong sabihin?" nag tatakang tanong nya kaya sumulyap muna ako kay angel bago tumingin ulit kay andrew
"Buntis si angel.. At ikaw ang ama" seryosong sabi ko at parang natigilan naman sya "Gustong gusto kita sapakin ng paulit ulit andrew.." usal ko at kumurap kurap pa sya
"Buntis si angel..." mahinang usal nya at napatingin kay angel at mag lalakad na sana sya sa gawi nila ay nakita kong pinigilan sya ni akira
"Baka nag sisinungaling lang sya! Baka hindi talaga ikaw ang tataya ng anak nya! Andrew please wag mo akong iwan.." pag mamakaawa ni akira kay andrew pero pabalang nyang binawi ang kamay nya kay akira at tumingin ng masama
"Tama na akira t*ngina! Matagal na tayong tapos at pinaintindi ko sayo na si angel ang mahal ko!" sigaw nya at naiyak na si akira, nakita ko rin na nangilid ang luha ni andrew "Nasisiguro kong ako ang ama ng bata.. Dahil yung sa'min ni angel? Totoo pero kumalat na may nangyari sa'tin? Alam mo at alam ko na hindi yun totoo.. Kaya kapag may nangyaring masama sa anak ko ng dahil sayo.. Baka kung anong magawa ko sayo" seryosong sabi ni andrew at tuluyang lumapit kay angel
Napasulyap pa ako kay damon na seryosong nakatingin sa'kin pero ako na ang nag iwas ng tingin dahil wala ako sa mood para alalahanin pa sya
"I'm sorry love.. I'm really really sorry.." usal ni andrew at agad na niyakap si angel "Hindi na ako aalis sa tabi mo.. Pangako" dagdag pa nya kaya nakita kong napayakap na din si angel
"Ihatid mo na si angel sakanila.. Hindi pa alam ng magulang nya kaya kailangan ipaalam nyo na" sabi ko at tumingin si andrew sa'kin
"I'm sorry.. " sabi nya pero hindi na ako umimik
Humarap ako kila ivy na pinapatahan si akira. Sinamaan ako ng tingin ni ivy at medyo lumapit sa'kin
"Ano masaya kana?! Napaiyak mo na ang kaibigan ko?! Tsk! Ganyan ka ba kadesperada? Para sa mga kaibigan mo?" inis na tanong nya kaya tinitigan ko sya ng deretsyo sa mata
"Hindi ako pumapatol sa babae ivy.. But now.. I'm warning you.. Dahil sa oras na maubos ang pasensya ko sayo sisiguraduhin kong mang heheram ka ng muka sa aso.." sabi ko at tinalikuran na sila
"Ihahatid ko na si angel.. Maiwan na namin kayo" sabi ni andrew kaya tinanguan ko na lang sya at tinulungan sa ibang plastic na pinamili namin
Nang makaalis sila andrew at nakita kong wala na sila ivy kaya napatingin ako kila madison na nakatingin kila zeke kaya tumingin ako don at tinawag sila
"Zeke! Lucas.. " tawag ko at natuon ang atensyon nila sa'kin
"Bakit?" tanong ni zeke kaya tinuro ko si madison at keila
"Ihatid nyo sila sa bahay nila.." sabi ko at halatang nagulat pa
"Wag na chloe.. Kaya naman namin mag commute" sabi ni keila pero umiling ako
"Hayaan nyong sila na ang mag hatid sainyo.." sabi ko at wala na silang nagawa
Inantay ko pa munang makaalis sila at hahanapin ko na sana ang motor ko nang mapasulyap ako kay damon na nakatayo pa rin
"Wala kang balak umuwi?" tanong ko pero ngumisi sya
"May inaantay ako.. Umuwi ka kung gusto mo" sabi nya at kasunod non ay may narinig akong tunog ng sapatos kaya napatingin ako sa likod ko
'Veronica.. '
"Ahm.. Hi chloe" bati nya pero hindi ako sumagot at napasulyap pa kay damon na seryoso pa rin na nakatingin tyaka ako agad na dumeretsyo sa motor ko
Sinuot ko na ang helmet tyaka ko yun pinaandar.. Bago pa ako makaalis ng tuluyan ay napasulyap ako sa side mirror at nakita kong hinahabol nila ako ng tingin.. May namuo na namang kirot sa puso ko dahil sa inaasta ni damon at sa kung anong meron sakanilang dalawa nung veronica.. Sa pag kakaalam ko ay mag kasama sila sa iisang bahay kaya hindi ko kayang isipin ang mga pwede nilang gawin lalo pa't madalas walang tao sa bahay nila damon..
'Nagiging maayos na ang sitwasyon ng mga kaibigan ko.. Pero ako? Ito.. Nag babakasakaling bumalik pa sya kahit na mukang malabo na.. '