Well hindi naman kami masyadong naging close nung jj pero patuloy lang siya sa pagsunod at panliligaw sa akin.
Nakangiti akong binuksan ang cp ko. Hindi ko naman ine-expect na may message request si Jj sakin. Nag add friends din siya at agad ko naman itong kinonperm. Wala namang masama diba?
Chineck ko ang message niya.
Justin Olarte
Kumain ka na?
Ako
Tapos na, papunta na nga akong room eh.
Justin Olarte
Sabay sana tayo, sayang naman.
Ako
Asan ka ba?
Justin Olarte
Papunta pa
Ako
Ah nasa gate na ako eh
Justin Olarte
Kaya nga sayang
Tinago ko na ang cp ko at naglakad na papasok ng room. Pagpasok ko, nakita ko silang tatlo nakangiti sa akin. Sanay na ako na mas nauuna sila kaysa sa akin.
Marami naman akong natutunan dahil kay franz HAHAH tinuturo niya kasi samin yung hindi namin alam. At talagang fast learner talaga siya.
" Ms. Baguinaon " tawag ng teacher ko. Tumayo naman ako " Patulong naman ako sa pagdala ng laptop ko papunta sa kabila "
Hindi naman ako tamad kaya sinunod ko, ako ang may dala ng laptop. At akala ko talaga uutusan niya lang ako, pero nagulat ako ng kinausap niya ako. " Masaya ako para sayo dahil tumataas na ang grades mo sa akin " sabi niya at ngumiti
" Hindi talaga ako masyadong matalino sa science ma'am, pero dahil andiyan si Franz mas naiintindihan ko lahat ng itinuturo niyo " sagot ko at ngumiti
" Alam mo, nakita kong may potential ka pagdating sa pag observe ng experiment " sabi niya
" Talaga po ma'am? di ko na po kasi napansin yun, dahil masyado na ring busy. Hanggang ngayon nga di ko pa alam kong anong magiging pangarap ko " sagot ko
Naglalakad lang kami, di ko naman alam kong saan kami pupunta kaya sumusunod lang ako kay ma'am. " Malalaman mo rin yan, tsaka grade 8 ka pa naman " sabi niya " Nakikita ko talaga ang sarili ko sayo Athena. Kaya sana kahit na marami kang problema wag kang susuka huh? "
Nginitian ko siya " Syempre naman ma'am " wala sa sarili kong sagot. Pumasok kami sa isang room ng grade 9. Pagkakaalam ko grade 9 dalton to. Pagpasok namin agad naman siyang binati ng mga estudyante
" Goodmorning ma'am " bati nila.
" Take your seat " sagot ni ma'am. Sumunod lang ako sa kaniya papuntang lamesa at nilapag ang laptop niya " Salamat Athena "
" Welcome ma'am, mauna na po ako " paalam ko tumango naman siya.
Maglalakad na sana ako ng may narinig akong nagsalita " Ma'am mag cr lang ako " si justin yun. Kinindatan niya ako at nakita rin yun ng dalawang lalaking katabi niya
" Bilisan mo " sagot ni ma'am. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na. Nagulat ako ng nakasunod pala sa akin si Justin
" Hi " weirdo niyang sabi at naglakad patalikod para sabayan ako
" Kala ko iihi ka? " tanong ko. Tumawa naman siya
" Hindi ako naiihi. Sinabi ko lang yun para samahan ka " sabi niya. Umayos na siya sa paglalakad. At sumabay sakin
" Adviser mo pala si Ma'am Ocay " sabi niya tumango naman ako " So ste ka pala "
" Oo, bobong ste " sagot ko
" Ikaw bobo? wee? baka nga mas malaki pa grades mo sa akin " sabi niya " Anong next sub niyo? "
" English " sagot ko tumango naman siya.
" Sabay tayong snack mamaya " sabi niya at ngumiti
" Kasama ko kaibigan ko " sagot ko
" How about lunch? " tanong niya ulit
" Kasama ko rin sila " sagot ko
" Bukas? " tanong niya
" Kasama ko sila everytime " sabi ko
Ng malapit na yung room namin. Bigla ulit siyang nagsalita " Goodluck sa next sub. Mauna na ako bye " sabi niya at mabilis na tumakbo.
Pumasok na ako sa room. Wala pa ang next teacher. " Bakit kaya ikaw ang inutusan ni ma'am ocay? " tanong naman ni Franz
" Kinausap niya ako, minotivate " sagot ko
" Bakit may problema ka ba? " tanong ni loury. Weird naman akong natawa
" Wala naman "
Naglulunch lang kami at nag uusap ng biglang may naglapag ng pagkain sa table namin. " Para sayo, ubusin mo yun " inangat ko naman ng tingin ang nagbigay. Nang marealize kong si Jj yun
Tulala lang nakatingin sa kaniya ang mga kaibigan ko " Salamat " sagot ko.
" Jj, pwede namang magsabay kayo ni tina kumain, oh kaya sumabay ka samin " sabi ni franz at abala sa pagkain niya
" Tama, lahat ng manliligaw ni Tina, wine-welcome namin " sabi naman ni Laica. Sinamaan ko naman sila ng tingin
" Talaga? " sagot ni jj at tumingin sa dalawa na nasa harap ko. Magkatabi kasi kami ni Loury tapos magkatabi rin sila Franz at Laica
" Bawal " sagot ko " Bye "
" Bye hehe " sabi niya at umalis na. Tinapik naman ito ng mga kaibigan niya
" Marami kang ikukwento " sabi ni Loury na nasa tabi ko
" Tama " sabi ni Laica
" Simulan mo ngayon " sabi namna ni Franz na puno pa ang bibig.
Wala akong nagawa kundi ekwento sa kanila yung nangyari. Buti na lang at hindi nila tinanong kong anong problema ko nun.
Walang araw o gabi na hindi nag chat sa akin si Jj. Para ngang nasasanay na ako na paggising ko may natatanggap na goodmorning sa kaniya.
Patuloy pa rin akong pinagnanasahan ng pamilya ko at hindi na ito ang naging mas sentro ng buhay ko. Dahil mas binibigyan ko na ng oras ang pag aaral ko.
Magsasawa rin naman ata sila diba? Sana nga.
" BAWAL MINOR " ito ang nakalagay sa isang inuman. Minor ba ang grade 8 at 14 years old?
Kaya wala akong naging choice, tinawagan ko si Jj at inutusan na siya ang bumili ng alak para sa amin. 2 weeks na pala siyang nanliligaw.
" Hello love " tanong niya
" Love mo mukha mo. Btw may iuutos nga pala ako sayo " sabi ko
" Ano? " tanong niya.
Pagdating talaga sa mga ganito siya ang mapagkakatiwalaan. Sa luneta lang kami nag antay. " Tagal naman nung bumili ng alak " sabi naman ni Laica
" Gusto ko nang uminom " sabi naman ni Loury
" Nagpabili ka rin ba ng milktea? " sabi naman ni Franz tumango naman ako.
Maya maya sa pag aantay, dumating si Jj dala ang mga pinamili. " Ang babata niyo pa huh, umiinom na kayo " sabi niya
" Mapapakinabangan naman pala tong manliligaw mo eh " sabi ni Laica
" Thank you jj " sabi namn ni franz at kinuha ang milktea. Ngumiti lang si jj dito
" Pwede ka nang umalis " sabi ko. Hindi naman siya nakinig " Bakit? "
" Suhol ko " sabi niya at tumawa, sinamaan ko siya ng tingin " Kiss lang naman "
" Isang kiss lang naman tina. Bigyan mo na " sabi ni Laica " Nang uutos ka kasi "
" Lapit " inis kong sabi. Pumikit naman ako
Unti unti niyang nilapit ang labi niya sakin. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa akin. Ilalayo ko na sana ang mukha ko ng bigla niyang hinawakan ang ulo ko at sinimulang kagat kagatin ang labi ko.
Hingal siyang humiwalay " Bye " Sabi niya at tumakbo ng mabilis.
Pag tingin ko sa mga kaibigan ko, nagulat naman ako sa reaction nila " Masarap? " tanong ni Loury
" iwsss live kissing " pag iinarte ni franz
" HAHAHAH may talent rin pala si Jj " sabi ni Laica
Nagsimula na kaming uminom. Gabi na pala, baka hinahanap na ako.
" Mahal mo ba si jj? " lasing na tanong sa akin ni Loury
" Ewan " sabi ko
Pinaglalaruan naman ni Laica yung bote ng alak. Si Franz lang ata ang hindi lasing eh.
" Alam mo normal lang magkajowa pag highschool" sabi naman ni Franz " Pero dapat alam ng magulang niyo "
" Ba't need pang ipaalam kong maghihiwalay rin pala? " tanong naman ni laica
" May point si laica " sabi ko " Hindi kasi lahat ng magulang ay papayag na magkajowa ang mga anak nila "
" Magkakaiba ang mga magulang natin, kaya iba't ibang desisyon talaga ang pipiliin natin " sabi ni Loury
" Para sakin better pa rin na malaman nila " sabi ni Franz at ngumiti
Sana lahat gaya ng pamilya nila, masaya at walang problema. Engineer ang papa ni Franz kaya hindi ito nakaramdam ng hirap sa buhay.
Paano naman kaming dalawa ni loury? na hindi perfecto ang pamilya. Ang pamilya rin nila ay may problema, lalo pa't hindi ito tanggap ng kaniyang ama.
Lasing na lasing talaga kaming tatlo. Nakita ko namang may tinatawagan si Franz.
" Punta ka na dito jj nagwawala na si Tina " sabi niya. Binaba niya ulit ang cp at may tinawagan ulit.
" Hello aicel? patulong naman, kasama mo si Jai, pasabi na yung pinsan niya lasing pari pinsan mo rin aicel. Magdala kayo ng sasakyan huh! " sabi niya at binaba na
Nakahiga na ako sa may damuhan sa subrang sakit ng ulo ko. Grade 8 palang kami pero marunong na kaming uminom. Kawawa ang atay namin nito.
Maya maya dumating na ang mga engot. " Buti nalang hindi ka naglasing " sabi ni Jai kay franz
" Hindi naman ako umiinom " sagot ni Franz. Abala naman si Aicel sa pagtayo kay loury!
" Woiii iuwi niyo na kami, dami niyo pang chika eh. At ikaw Jia napaka torpe mo talaga eh! " sabi ko. Hilong hilo na ako sinubukan kong tumayo " Kiss agad basta kiss "
Tumawa naman sila, " Ano bang nakakatawa? " sagot ko. Matutumba na sana ako ng saluin ako ni Jj
" Pa kiss nga " nakangiti niyang sabi
" Iwss " sagot ko. Ang sakit ng ulo ko gusto ko nang matulog. Bigla nalang ako nawalan ng malay.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________ :)