Ang bilis ng panahon lahat parang kailan lang. Sa loob ng halos 2 taon tinago ko sa lahat na gusto ko si Damon, at hanggang ngayon walang may alam. Wala na talaga siguro akong pag asa sa love, Unang beses ko makaramdam ng ganto sa buong buhay ko. I feel hopeless agad. Gusto ko nalang tawanan yung sarili ko eh.
Graduate na kami at nagta trabaho na sa ospital as a nurse magkasama kami ni Daph at Venice nahiwalay sa amin si Theia. My other friends? Well ganon din Six were very busy ganon din yung iba, si EL ayun nasa airlines nila FA na. I heard na naka pasa si Eros as Scout Ranger. Sila Achi naman decided to stay together, meron naman sariling Engineering Firm naman ang iilan sa family nila, they decided na paghirapan muna ang lahat at Si Damon? Hmm... He's doing a great job.
"AM! patient 10!" I snapped out, kinuha ko yung inabot sakin ng isa sa kasamahan ako at nag punta sa room ng Patient 10 chineck ko ang records neto habang naglalakad patungo sa room ng pasyente.
Nicholas Nicastro. Kapangalan ni Nhico...
Kumatok muna ako sa Pintuan bago pumasok. Ngumiti agad ako. Nakita kong napatingin sa akin ang pasyente at mga visitors nya.
"Good Morning, i checheck ko lang ang injuries ng pasyente." Tumango naman sila kaya sinimulan ko na ang trabaho ko.
"Anga anga ka kasi Kulas!" Rinig kong sabi ng isa sa mga tao sa loob ng kwarto.
"Kaya nga! Mag pagaling ka at ng makabalik na tayo sa Siargao."
"Hinahanap ka narin ng Mama mo, hindi sinabi ng papa mo na na aksidente ka."
Patuloy lang sila sa pag uusap at panenermon halatang naiirita naman ang pasyente ko.
"Sumasakit o kumkirot pa ba?" Tanong ko. Tumingin naman sya sa akin at tumango. Nginitian ko sya at binigyan ng painkiller, para naman mabawasan ang sakit.
"Oh heto inumin moto."
"Kailan ako makakalabas dito?" Tanong nya.
"Tatanong ko muna si Doc tungkol d'yan, sige tapos na akong i check ka, wag kang gagalaw ng gagalaw." Huling habilin ko at saka umalis ng kwarto.
Last nato off duty nako. Dumiretso nako sa front desk at binigay ang results ng last patient ko.
Nagpaalam nako at umalis. Nakakapagod.
"Hoy! AM! hindi mo ata ako hihintayin ha!" Napalingon ako sa sumigaw si Daphne pala. Natawa naman ako at lumapit sa kanya.
"Gaga ka! Tara na! Si Venice saan?" Tanong ko sakanya. Ngumuso naman sya sa kotse nyang naka park. Bumaba yung bintana ng kotse n'ya at kumayaw si Venice.
"Tara na AM, Mag dinner muna tayo, bago umuwi." Tumango naman ako at sumakay na kami sa kotse n'ya.
Sa isang fine dine kami kakaain. May lumapit agad sa aming waitress.
"Any reservations? Ma'am?" Umiling kami at hinanapan n'ya kami ng mauupuan. Nahagip ng mata ko si Six at Seven. Agad kong kinalabit si Daphne at Venice at tinuro kung nasaang upuan sila Six Nagulat ako ng biglang tinawag ni Venice si Seven.
"Jax! Ano yan pinopormahan mo si Six?!" Napatingin lahat ng tao sa loob ng restaurant sa amin at halos itago ko ang mukha ko. Nanlalaki naman ang mata ni Daphne kay Venice.
Lumapit kami kila Six at naki upo.
"Ginagawa nyo rito?" Agad na tanong ni Venice. Tumikhim muna si Six at nag punas ng labi.
"Si Jax kasi ang kinuha ko para sa bagong Hotel, ipaparenovate ko din yung ancestral sa Bataan." Paliwanag ni Selene at napatango tango kami.
"Oy Seven… magkakasama ba kayo nila Damon?" Tanong ko. Nanliit naman ang tingin n'ya sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Oo, magkakasama kami, bakit?" May pag hihinala sa tono n'ya. Kaya umiwas ako ng tingin at sinagot s'ya ng wala.
"Oh! Yan na order natin!" Masayang sabi ni Venice at nag simula na kaming kumain. Binasag ni Seven ang katahimikan.
"Free ba kayo next week?" Biglang tanong ni Seven
"Bakit?/Why?" Sabay sabay naming tanong na tatlo.
"Wala lang, labas lang tayong buong barkada balita ko kasi uuwi sila Eleven." Sabi n'ya
"As in Lahat sila?" Paniguradong tanong ni Daph.
"Oo " Sagot ni Six na natatawa sa reaksyon namin.
"Luh? Anyare bat' sila uuwi?" Tanong ko na hindi pa rin maka paniwala.
"Basta next week n'yo na p'wedeng malaman." Sabi ni Seven, napatango kami pero na curious pa rin ako...
"Stay tune kayo ha! Baka sa group chat nalang natin i send yung details, Hindi rin naman alam ng iba na may ganap eh, ang alam lang eh uuwi sila Eleven dito." Paliwanag ni Six kay we all agreed na lang. Shems gusto ko malaman ang ganap next week! Na kaka curious.
After our "Fancy" Dinner we decided na umuwi na rin. Marami kaming napag k'wentuhan tulad ng projects nila Seven. Pati narin yung renovation ng hotel nila Six sa may Surigao (del norte).
I've been assigned sa Patient 10 which is Kulas he's a nice person na laging inaasar ng mga kaibigan n'ya. Madalas ang kaibigan n'ya sa ospital para dalawin s'ya nakakainggit busy kasi kami now a days eh pero next week na!
Six already sent us the full details. Sa NAIA daw kami magkikita kita para hintayin si EL and yung iba. Dapat by 12 pm nasa airport na raw kami.
"Good Morning, Nurse AM!" Pag bati sakin ng ibang nurses binati ko rin sila pabalik at nginitian. Good Mood ako as of now.
"Nurse AM, do'n kana kay Kulas at tinanggal ang cast n'ya paki ano lang ha." Sabi ng head nurse namin kaya tumango naman ako.
Agad agad na akong dumiretso sa Room 104 kung saan ang Room ni Nicholas. Pipihitin ko na sana ang pintuan pero nakarinig ako ng sigawan. Agad na akong kumatok at tuluyan ng binuksan ang pintuan. Bawal ang mag ingay sa Ospital na ang warfreak naman ng mga to.
Pag ka pasok ko ay napatingin sa sa akin ang mga kaibigan ni Nicholas. Habang may mga naka tayo ang mukhang nag sesermon sa pasyente. Tumikhik muna ako bago mag salita.
"Excuse me lang, bawal po ang masyadong maingay, makaka abala po sa ibang pasyente." Sita ko sa kanila na medyo nahihiya pa. Aba ang lakas ko kasing maka eksena rito ay.
"I'm sorry, napaka pasaway lang netong anak namin." Ngumiti naman ako ng hilaw. Awkward...
"By the way, uhhmmm" she stopped a bit at tinignan ang name tag ko.
"Nurse Athena, kailan makaka uwi ang anak ko?" Sabay kaming tumingin kay Nicholas na naka busangot ang mukha.
"Uhmm replace Athena to AM nalang po, ikakabit ko lang po ulit yung cast n'ya and then pwede na pong ma discharge mamayang 12 pm." Pag katapos kong mai kabit ang Cast ay pinaalahan ko na hindi muna pwedeng tanggalin ang cast at kung ano ano pang pag papa aalala.
"Thank You, Nurse AM." Pasasalamat ni Mrs. Nicastro. Nag paalam nako at lumabas ng kwarto. Ang pasaway naman netong Pasyente nato.
Dumiretso ako sa Information Desk para sa mga sunod kong gagawin pa. Si Daphne ang nasa information Desk ngayon kaya malamang dadal dalin na naman ako non.
"Hoy AM, anyare don sa patient 10?" Tanong agad ni Daphne. Nginiwian ko s'ya may pag ka chismosa talaga tong babaeng to.
"Ewan ko noh, ala nga namang tanungin ko kung anong nangyari." Sarkastiko kong sagot kaya napa irap naman s'ya.
"Tse! Oh ano! Bukas na... next day after tomorrow na, leave tayo simula bukas diba?" Sabi ni Daphne
"Oo, malamang. 1 week leave tayo. Sa wakas makakapag pahinga rin, kahit papaano." Mahabang litanya ko. Nakita kong nag buntong hininga si Daphne, no kayang iniisip neto.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala lang." Gaga talaga to ako pa niloko.
"Ewan ko sayo Daph, sige na duty pa ako nakipag chismisan pako sayo." Nag paalam na ako at umalis. Si Daphne di na nag jowa last n'ya na si Andrei pero up until now hook up pa rin s'ya.
Good Morning Doc
Hi Doc
Good Morning Nurse AM
Good Morning po
Maririnig mo ang kaliwa't kanang pag babatian ng kapwa nurse ko at ibang doctor.
Medyo excited ako kasi mag kakasama na kami makukumpleto pa! Excited narin akong makita si Ano...
"CODE GREEN"
Nagulat ako sa biglaang pag sigaw ng isang nurse. Code Green! s**t!
"MAY PAG SABOG AT BARILAN NA NANGYARI SA SIMBAHAN AT MARAMI ANG NADAMAY! MAG HANDA NA KAYONG LAHAT!" sigaw saamin ni Doc Shaun. Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko, anong trahedya ba ito! Agad agad na naming narinig ang sirena ng ambulansya! Pag ka bukas ng E.R ay agad na kaming nag si kilos in assist ko si Doc. Bea sa isang pasyenteng mukhang natamaan ng bala! Dinalian ko ang kilos ko pero maingat. Nakaka gulantang to!
Kailangan ng operahan ng pasyente matapos kong makuha ang permission ng magulang neto. Dumiretso nako sa O.R at nag suot na ng lahat ng kailangan. Ako ang mag aassist kay Doc. Bea dahil busy rin ang iba pang Doctor.
Matapos ang operasyon ay nag hugas na ako ng kamay.
Dumiretso na ako sa Canteen para maka kain naman kahit papaano. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong may mga pulis at sundalong naririto. Ano kaya ang nangyari? Mukhang kasalan pa naman ang event sa simbahan tapos biglang may ganoong trahedya!
"Hoy! AM!" Si Venice. Naupo s'ya sa harapan ko at nakita ko namang kasunod n'ya rin si Daphne.
"Oyy! Ano? Kamusta mga hawak n'yo ngayon?" Tanong ko sakanila.
"Sa kasamaang palad may binawian ng buhay." Sabi ni Daphne sa malungkot na tono. Eto rin ang mahirap once na Doctor or Nurse ka, yung mga mamatay... Nakaka stress knowing na makita mo silang maubusan ng hininga sa harapan mo...
"May 60 degrees burn yun samin ni Doc Edna, kawawa nga eh." Kwento naman ni Venice. Shemms grabe naman yun!
"Mag leave pa ba tayo tomorrow?" Tanong ko
"Baka hilingin din nila na wag muna..." Sagot ni Daphne.
"Tanungin nalang natin sila mamaya, girls." Tumango nalang kami at nag patuloy sa pagkain.
"U-uuhhh Doc matutuloy po ba yung request naming leave?" Alanganing tanong ni Venice bahagyang naka yuko ang ulo namin ni Daphne.
"Pwede naman tutal sobra ang ipapadalamg nurse dito dahil narin laki ng casualty." Agad akong napatingin kay Doc at ganon rin si Daphne. Grabe akala ko hindi kami makakatuloy nasa side namin si Lord hehe.
"Thanks Doc!" Agad agad na kaming umuwi nila Venice dahil na rin mag hahanda kami for tomorrow sunduan. Medyo guilty kasi may emergency sa hospital sheeeez gusto ko tuloy mag trabaho nalang.
Napahinto ako sa pag iisip ng mag ring ang phone ko. Nang makita ko kung sinong tumatawag ay agad kong sinagot.
"Oh bat?" Agad na salubong ko, istorbo eh.
"Tomorrow don't forget kita kita nalang tayo sa dati."
"Oo na, grabe anong oras na yan lang pala sasabihin mo" napairap nalang ako, akala mo naman hindi ako sisipot eh.
"Tsk... Just wanna remind you dahil mamaya late ka nanaman!" Anak ka ng! Bwiset talaga to eh!
"Ewan ko sayo Seven! Punyeta!" At binbaan ko s'ya ng telepono. Boset bad vibes ahh!
Inayos ko na ang higaan ko at humiga. May sariling condo nako ngayon, graduation gift ng parents ko. Kamusta na kaya s'ya honestly out of all my friend sa kanya ako madalas walang balita. Baka kasi pag nagtanong ako eh mahalata, ang lalakas ng chakra ng mga kaibigan ko eh.
Nang ipikit ko ang mata ko ay agad akong nakatulog.
Nagising ako dahil sa pag ring ng cellphone ko. Agad kong sinagot ng walang tingin tingin caller. Istorbo keh aga aga!
"HELLO?! SINO TO?!" galit na sigaw ko sa phone! Aba! Inistorbo lang naman akong matulog!
"Wag mo kong sigawang nyeta ka! Ako dapat ang galit dito!" Nahimasmasan ako at napatingin sa phone ko. s**t si Theia pala! At late nako sa usapan namin. Lagot! May parusa nanaman ako neto!
Binaba ko na ang tawag at agad na kumilos! Mawiwindang na ako ha! Grabe medyo kinakabahan ako ngayon lalo pa't ... Ayy nako! Erase!
Agad akong pumara ng masasakyan papunta sa usapan namin. Walanjo! Sabi ko na nga ba dapat bumili nako ng sariling kotse eh! Eh kaso ayoko namang humingi ng pera kay papa!
Agad nakong pumara ng makarating nako sa destinasyon ko. Pagka pasok ko palang ay kitang kita ko na kung san sila na ka pwesto. Nag kekwentuhan yung sila Kent, Achi, Theo at D-Damon, si Seven at Daphne naka busangot ang mukha mukhang ako may dahil, si Theia at Venice na kain si Six seryosong may kinakausap sa phone workaholic talaga.
"Sorry! Late nanaman!" Agad kong sabi at naupo sa tabi ni Six.
Tumingin silang lahat sakin maliban kay Six.
"Okay, call me if anything is go wrong, hmmm, okay, Thanks, bye" then Six hanged up her phone.
"What's up AM!" Six hugged me and i did the same. Buti pa si Six!
"Late ka!" Sabay na sabi ni Seven at Daphne na nakasimangot ang mukha, napakamot nalang ako sa ulo, masyadong ano tong dalawa ay!
"Alam ko!"
"Hoy AM!" Tawag sakin ni Achi.
"Oh?"
"Gaga ka alam mo na may parusa ka" pananakot pa n'ya. Edi wow lagi naman.
"Ang Tardy mo kasi, AM" biglang singit ni Damon kaya napairap ako. Edi sila na hindi Tardy as if naman.
"Cut the drama na! So anong ganap ba talaga?!" Tanong ni Daphne sabay roll eyes, taray ah.
"You'll know, pag complete na tayo." Damon said. Kaya nag kibit balikat nalang kami. Kumain naman habang sila ay nag uusap, sumasali ako pag gusto ko yung topic nila. Eto kasi si Six at Seven dito pa dinala yung trabaho nila. Aba'y napaka workaholic nila pareho.
"Kawawa mga sinugod samin sa ospital kahapon." Pag kekwento kaya napahinto sila sa usapan nila.
"Bakit?/Bakit?"
"Kwento mo nga Venice." Pag pasa ko kay Venice, nakain pa ko eh.
"May nangyari kasing pag sabog at putukan kahapon." Pagtutuloy nya.
"Kawawa nga eh tsk... At ang sabi nung co nurse namin eh malala daw tama sa binti nung groom." Sabi naman ni Daphne. Kaya ayun napagkwentuhan nila yung sa nangyari. They heard nga raw na may ganong insidente kahapon. Guilty at nag aalala parin ako.
Matapos naming mag tambay sa Restau na yon ay dumiretso na agad kami sa airport. Geez ang exciting hehe makikita ko nanamang kumpleto kami mapapa hmmmm nanaman ako.
Ang tagal ah! Oo matagal! Isang oras na kaming naghihintay! Kingina wooooh! Pero oks lang meh libre si Kent eh pa milktea HAHAHAH.
"Flight 23 safely landed"
Agad kaming tumayo pagkakarinig ng announcement. Hehe ano kaya itsura ng mga kaibigan ko ngayon?
Sabay sabay kaming tumayo sa may waiting area ng airport para salubungin yung mga kaibigan namin. Yung boys may hawak na placard mga aning amp, nakakahiya sila madalas kasama!
Agad nahagip ng paningin ko sa Asger na parang may hinahanap ng makita kami ay agad s'yang ngumiti ng nakaka loko. Tawa tawa s'yang lumapit saamin at niyakap kami. Ang lalaling to iniwan daw si Leander sa eroplano dahil natutulog pa! Baliw talaga!
"Gago ka pre!" Rinig naming sigaw ng kung sino si Leander pala. Inis na inis ang mukha nya samantalang tong si Asger eh kung makatawa wagas! Kawawang Leander.
"Sorry na pre! Ayaw mo non chicks ang gigising sayo!" Hirit ni Asger kaya natawa kami.
"Chicks nga sana pero, kingina pre Amzonang maton yon eh!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Leander na mas lalo naming ikinatawa.
"Hoy! Anong sabi mo Leander!" Si EL naka FA uniform pa! Infairnes ganda lalo! Oopps mukhang s'ya ata ang gumising kay Leander.
"H-huh? May sinabi ba ako?" Kabadong sagot ni Leander. Ayan HAHAH karma is a b***h talaga.
Bago pa sila mag rambulan ay dumating na ang nga sundalo naming kaibigan.
"Excuse me, wag kayong mag eskandalo dito, nakakahiya kayo." Kunwaring mataray na salubong samin ni Helen. Binatukan ko nga baliw eh.
"Ulok! Don't me! Noh!"
"Bro nakakahiya kayo! May pa placard pa kayong nalalaman nyemas!" Naiiritang sabi ni Eleven. Inakbayan naman s'ya ni Achi at ginulo ang buhok na mas lalong ikanainis nito.
"Hoy ano na! Tara mag Lunch na!" Aya ni Damon kaya dumiretso na kami sa parking lot.
Nakasakay ako sa kotse ni Daph kasama si Venice, Theai at Helen. Mag kakasama naman sila Kent, Achi, Nine, Damon, Kira at Eleven.
Sakay naman ni Six si EL, Aeson, Theo, Seven at Asger.
"Oy, san n'yo daw gusto kumain, tanong ni Kent." Tanong saamin ni Daphne habang nag da drive. Na ring ang phone n'ya at i sinet nya sa loudspeaker. Naka group call pala.
"Hoy! San tayo?" Rinig na rinig sa kabilang linya ang asaran ng boys mga aning talaga!
"Tanong mo si Theo daming alam yan for sure" singit ni Achi.
"Gusto ko hotel ng isa d'yan!" Malakas na sabi ko malay mo ma ka libre HAHAHA narinig ko naman ang tawanan nila na parang sang ayon sa ideya ko! Ha!
"Oo nga naman! Balita ko masarap raw don!" Dagdag pa ni EL. Sinsakyan ako ng mga to ah! Pabor!
"Hmmm kaya nga eh, masarap rin burger don..." Kunwaring natatakam na sabi ni Daphne.
"Wow! What a nice idea!" Nag pipigil sa inis na sabi ni Six, kaya sabay sabay kaming napa...
"I KNOW RIGHT" at sabay sabay kaming tumawa.
Nang makarating na kami sa hotel ni Six ay nandoon na pala s'ya at kausap daw yung manager sabi ni Theo. May pinahandang mahabang lamesa kung saan kami kakain. Wow! Special treatment! Yayamin bongga pa. Malaki ang ngiti ko dahil ang daming tao ang tumitingin sa kinaroroonan namin. Lihim akong natawa hehe. Perks of having a friend who owns a hotels.
"Hoy! Anong nginingisi ngisi mo d'yan para kang tanga." Bulong sakin ni Leander kaya inirapan ko s'ya at syempre nag flip hair ako! Aba!
"Edi ikaw na maganda gurl!" Hirit pa n'ya kaya natawa ako. At syempre hindi mawawala yung hampas. Dumating na si Six may kasama, ipinakilala n'ya samin ito. Manager daw. Dumating na ang iba't ibang klaseng pagkain sa harapan ko at feeling ko hindi lang ako ang nag twinkle ang mata HAHAHA sorry na gutom kasi kami duh?!
"At syempre pray muna!" Sabi ni Asger kaya nag simula na kaming mag pray. Pag complete kaming barkasa si Asger ang nag lelead ng prayer. Asger is the most religious among all of us hindi lang halata. He's the one who thought us to Pray every time not 3 times a day kasi hindi naman daw yan pag totooth brush, oo yan ang exact n'yang sinabi saamin.
"Ehem!" Tawag pansinin sa amin ni Six. Kaya napahinto ako sa pag nguya siguro sasabihin nito KKB. Buti nalang may dala akong pera Hahaha.
"Hoy Damon alam kong meh annoucement ka, na curious na ako." Pag ka sabi ni Six non ay nakita ko kung paano ngumiti at lumiwanag ang mukha ni Damon. Luh anong meron?
"Ahh... Gusto kong ipaalam sainyo at sana matulungan n'yo ako"
"Ano ba yun?" Nagtatakang tanong ni Nine. At mas lalo pang lumaki ang ngiti ni Damon. Ngayon ko lang s'ya nakitang ganyan kasaya.
"Para kang tanga! Hoy!" Binatukan s'ya ni Kira kaya napa simangot s'ya. Ang cute.
"You know Ella and were in a 3 years relationship, so i decided and i know na she's the one." Pag kekwento pa ni Damon, bumilis ang t***k ng puso sa hindi malamang ka dahilan.
"Will you support me?" Pagpapatuloy nya.
"Cut the crap dude, masyado kang pa suspense eh" Si Nine na na curious na rin.
"Mag po propose nako 2 days from now... So will you join me to surprise her?" Sa mga salitang sinabi n'ya ang parang pagbagsak ng mundo ko ramdam ko ang pag baba ng balikat ko. Parang dumilim ang kalangitan kasabay ng pag dilim ng puso ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko at ang mga luhang nag babadyang sumadsad.
"Congrats bro!" Nakita ko ang saya sakanilang mata dahil sa announcement ni Damon. Pilit akong ngumiti at nag congrats kay Damon.
"Congrats pre! Wait Powder room lang ako." Paalam ko sakanila. Agad agad akong pumunta ng restroom at doon na tumulo ang mga luha ko. Nakakaiyak, akala ko wala na. Hanggang ngayon pala mahal ko pa rin s'ya. At ang masakit ikakasal na s'ya. Agad kong inayos ang sarili ko sa salamin. Nag lagay ako ng light make up para di halata yung drama ko.
Sorry for all of the grammatical errors and spelling.
Plagiarism is a Crime