ENNA Naalimpungatan ako na parang may humahaplos ng mabini sa aking mukha. Kaya dahan-dahan ko'ng minulat ang aking mata. Ganun nalang ang pagka laki ng aking mata ng makita ko si Tom. Pagtingin ko sa kabila hindi ko na nakita si Angel. "Baby." Sambit niya at hinalikan ako sa labi. "Tom, anong ginagawa mo dito? I mean bakit nandito ka? Akala ko nasa Saudi kayo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Habang kinusot-kusot ko pa ang aking mata. "Pinag-alala mo ako ng sobra. Ang sabi mo kanina nasa byahe ka papunta sa bahay ng kuya mo. Tapos after 20 minutes tinawagan kita, pero hindi na kita makuntak. Naghintay ako ng isang oras. Pero ganun pa rin, kaya ginamit ko na ang private plane ko para makauwi ng Pilipinas. Kinabahan at nag-alala ako, sa'yo baby." Aniya. Kaya napabangon ako sa aking higaa

