SIENNA "Baby, wake up na. Alam ko'ng gising ka na baby, kaya halika na. Kapag hindi ka gumising gagawin ko ngayon ang ginawa ko sa'yo kagabi." Narinig ko'ng pagbabanta na sabi ni Tom. Kanina pa nga ako gising kaya lang nahihiya ako'ng magmulat ng aking mata n'ong naalala ko ang nangyari kagabi sa amin ni Tom. Parang ayaw ko ng gumising sa sobrang hiya. Umingos ako kunwari saka tumagilid. Kaya kiniliti niya ako. Pero panay ang palo ko sa kanyang kamay. Hinalik halikan niya din ako sa aking ulo. "Baby h'wag ka nang mahiya sa akin. Ako lang naman ang gagawa nun sa'yo. Saka kailangan pa natin pumunta sa mansyon, naghihintay si Mamita. Pero kung ayaw mo at napagod ka kagabi. Tatawagan ko nalang si Ate. Masama ba ang pakiramdam mo baby?" Mahinahon na tanong ni Tom sabay kapa ng aking leeg. B

