THIRD PERSON Sa gitna ng kagubatan sa malawak na ilog habang nangangaso ang dalawang magkaibigan napahinto sila ng may nakitang silang parang tao na nakahandusay sa gilid ng sapa. Kaagad na nilapitan nilang dalawa para tingnan kung tao nga ba o hayop. Nang tuluyan silang makalapit na kunperma nila na tao at isang babae. Sunog ang kanyang mukha, balikat at kamay. Punit punit na rin ang kanyang suot. Binuhat ng isang lalaki at pinahiga ng maayos sa lupa saka tiningnan ang pulso kung buhay pa ito. Nang may pulso pa ang babae kaagad na binuhat ng lalaki at mabilis na bumalik sa kanilang tribu. Ang kanilang lugar ay malayo sa bayan. Nasa pinakadulo na sila ng bundok malayo sa mga tao. Hindi din sila nakapag aral ngunit marunong din sila magbasa at magsulat. Dahil sa isang pumupunta din sa ba

