CHAPTER TWO

1336 Words
SIENNA "Enna ang sipag mo talagang bata. Ang ganda mo na ang sipag mo pa. Ikaw lang ang nakikita ko'ng babae na nag aani. Ang ibang katulad mo'ng bata ayaw na pumunta dito sa palayan. Ang swerte talaga sa'yo ni Nora." Kausap sa akin ni Aling Panyang. Habang nandito kami sa kubo. Katatapos lang namin mag-ani ng palay. Pinagpahinga Ako ni Kuya Noel at Kuya Roel habang hinahakot nila ang palay malapit sa may thresher. Pagdating ko sa may Kubo, nandito din pala si Aling Panyang nagpapahinga. Kime lang ako'ng ngumiti sa kanya. Kung alam niya lang na, kung pwedi lang, na hindi ako mag ani ng palay. Ay hindi talaga ako mag a-ani dahil hindi ko talaga kaya. Pero wala naman akong magagawa dahil magagalit si Nanay. "Ay siya nga pala Enna malapit na ang graduation niyo sa elementary. May toga ka na ba? Kasi kung wala pa, mayroon ako sa bahay. Sayang naman iyon, isang beses lang ginamit ng bunso ko, n'ong graduation niya din. Ibigay ko nalang sa'yo iyon. Puntahan mo na lang sa bahay." Dagdag na sabi ni Aling Panyang. "A- E maraming salamat Aling Panyang. Pero ano kasi, baka hindi na ako maka attend. Hindi na ako aakyat ng stage pwedi naman po. Saka baka nga hindi na rin ako makapag aral ng high school." Pagkwento ko kay Aling Panyang. "Hala, sayang naman Enna. Paano iyan, hanggang dito ka nalang sa palayan? Ano ba naman iyan si Nora. Kami kahit anong hirap ginagawa namin ng paraan makapag aral lang ang anak namin. Saka grabi naman kasi ang kapatid mo. Kahit sana ikaw manlang tinulungan niya. Sayang naman kung hindi ka makapag aral. Ang ganda mo sayang kapag dito ka lang. Pero alam mo Enna may kakilala ako. N'ong isang araw nagkausap kami naghahanap daw ang kanyang pinsan ng kasama sa bahay. Kahit working student pa. Malaki naman ang dalawa nilang anak. Kailangan niya lang may kasama siya at katulong na rin. Pero hindi naman gaano kalaki ang bahay nila. Saka seaman naman ang kanyang asawa. Baka gusto mo, sabihin mo sa akin. Para masabi ko sa kaibigan ko. Taga dito din naman sila nuon kaya lang lumipat sila sa Manila n'ong nagtrabaho na ang kanyang asawa sa barko." Paliwanag ni Aling Panyang. Nabuhayan naman ako ng pag-asa na baka nga makapag tapos ako ng pag-aaral kahit working student lang. Sanay naman ako sa gawaing bahay kaya hindi ako mahirapan kung sakali. Magpaturo nalang ako sa paggamit ng mga electric. "Ahm! Aling Panyang magpaalam muna ako kay Nanay. Saka kailan ba Aling Panyang? Gusto ko kasi talaga makapag aral. Gusto ko din tumulong kay Nanay kahit ganun ang ugali niya. Hindi ko hahayaan na mawala din siya katulad ni Tatay." Saad ko kay Aling Panyang. "Ang ganda mo na, ang bait mo pa talaga Enna kaya pagpalain ka ng diyos. At sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo. Kapag okay kay Nora pwedi kana kaagad makapunta sa Manila. Ihahatid ka ng kaibigan ko, sigurado magustuhan mo duon. Mga mabait naman sila dahil kilala ko sila. Kapag hindi mo naman kaya, pwedi ka naman umuwi. Sabi ng kaibigan ko kasi, kapag may mahanap siya, samahan niya daw muna ng isang linggo para tingnan kung okay sa kanya. Kaya kausapin ko ang kaibigan ko na tulungan ka niya, at turuan sa gawain sa loob ng bahay lalo na sa de-kuryente. Hindi ka naman siguro mahirap turuan dahil matalino ka." Paliwanag ni Aling Panyang. "Maraming salamat Aling Panyang. Pag-uwi namin mamaya magpaalam na ako kaagad kay Nanay. Palagay ko papayag naman siya kaagad para wala na siyang alalahanin sa bahay. Kahit nga may klasi kami, kapag may alam siyang anihan. Pina pa-absent ako para sumama kay Kuya Noel at Kuya Roel." Malungkot ko'ng sabi kay Aling Panyang. "Hayaan mo na ang Nanay mo. Mula nuong mga dalaga pa kami, ganyan talaga ang ugali. Kaya nga hindi kami gaano ka close ng Nanay mo. Kaya hindi din masisi ang mga kapatid mo kung malayo ang loob nila sa Nanay mo lalo na ang panganay niyong kapatid. Naalala ko kasi nuon na gustong-gusto ng kapatid mo na mag-aral pero ayaw ng Nanay mo. Kahit bata pa siya nuon, pinag trabaho na siya ng Nanay mo sa tubuhan at sakahan. Hanggang sa napunta nga siya kay father. Inalagaan at inayusan siya ni father. Kaya siguro nagkaganun ang kapatid mo. Pero sana kahit kayo manlang tinulungan niya, dahil wala naman kayong alam sa nangyari. Sayang nga dahil maaga nawala ang tatay niyo. Sobrang sipag at bait ng Tatay niyo. Parang ikaw ang nag mana sa kanya." Mahabang kwento ni Aling Panyang. Kaya malungkot ako'ng ngumiti kay Aling Panyang. Sakto naman na dumating si Kuya Noel at Kuya Roel sa Kubo dahil tapos na daw nila hakotin ang palay. Kaya nilabas ko na ang aming baon. Dumating din ang Asawa ni Aling Panyang kaya sabay-sabay na kaming kumain ng tanghalian habang hinihintay kung anong oras mag-umpisa ang thresher. Masarap kaming nag salo-salo ng mga kapatid ko sa tuyo at kamatis. Binigyan din kami ng Aling Panyang ng ulam nilang paksiw na isda. Busog na busog ako kahit tuyo lang ang aming ulam. Pagkatapos namin kumain nagpahinga kami sa Kubo hanggang sa nag umpisa na ang thresher. Pagkatapos ma thresher ang inani naming palay at nakuha ang na namin ang aming parte. Nagpaalam na kami kay Aling Panyang na uuwi na. Nasa kabilang daan kasi sila daan pauwi sa kanilang bahay "Salamat at natapos na rin Kuya. Tiyak matutuwa si Nanay dahil isang sako na palay ang parte natin." Masayang turan ko habang naglalakad na kami pauwi. Kapag mapagod si Kuya Noel. Si Kuya Roel naman ang magbubuhat. Ako naman ang taga dala ng bag at galon na ginamit namin kanina. Malayo-layo pa ang lalakarin namin kaya ilang ulit pa kaming nagpahinga dahil ang bigat ng isang sako. "Sana hindi ibenta ni Nanay at isugal para hindi tayo mawalan ng bigas." Turan ni Kuya Noel habang nagpahinga kami sa daan. "Sana nga!" Tugon naman ni Kuya Roel. "Sana nga mga Kuya. Ahm! Mga Kuya, sinabi ni Aling Panyang kanina sa akin na naghahanap daw ang pinsan ng kanyang kaibigan na makasama sa bahay. Tatlo lang naman daw sila dahil sa kanilang bahay. Ang asawa niya daw sa barko nag ta-trabaho. Kaya naisipan ko na magpaalam sa inyo na gusto ko duon. Baka makapag aral ako ng highschool hanggang college. Kapag magtrabaho ako sa kanila. Kaya pag-uwi natin mamaya magpaalam din ako kay Nanay." Pagkwento ko sa kanilang dalawa. "Mabuti pa nga bunso. Para bindi ka na mahirapan dito at magtrabaho sa mainit. Mabuti duon kahit pagod ka, makapag aral ka pa. Sa atin pagod ka na nga, hindi ka pa makapag aral. Kaya kung gusto mo din duon, ikaw ang bahala. Sigurado naman ako, na papayag si Nanay. Wala naman pakialam 'yun sa atin. Parang gusto niya pa nga na umalis na tayo sa bahay para wala na siyang alalahanin." Saad ni Kuya Noel. "Maraming salamat mga Kuya. Kapag nakapag aral at nakapag tapos na ako. Hindi ko kayo pababayaan." Madamdaming saad mo sa kanila. "Huwag mo na kaming alalahanin bunso. Mga lalaki kami. Kaya na namin ang aming mga sarili. Basta ingatan mo ang sarili mo duon. Ang importante makapag aral at makapag trabaho ka ng maayos para sa sarili mo. Kapag makapag trabaho din ako. Bibigyan kita kahit pang allowance mo. Saka pupuntahan kita kapag makapunta na rin ako sa Manila." Wika ni Kuya Roel. "Basta pag butihin mo ang pag-aaral mo saka mag-ingat ka kung sakaling makapunta ka ng Manila. Kapag matuloy ako sa Zamboanga at makapag trabaho binigyan din kita. Gagawa ako ng paraan para mabigyan kita. Pero bago tayo mag dramang tatlo. Kailangan na natin umalis dahil hapon na. Baka pagdating natin sa bahay sasalubingin tayo ni Nanay ng kanyang armalite na bunganga." Natatawang sabi ni Kuya Noel. Kaya sabay kaming tumawa na tatlo. Tinulungan ni Kuya Noel si Kuya Roel upang mabuhat ang isang sakong palay at nag-umpisa na kaming maglakad pauwi sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD