Chapter 12 : I'm Willing Set You Free Celine's POV "Luto na!" masigla kong sabi pagkalabas ko ng bahay. Kahit na naglalaro pa sila ay agad na tumakbo si Marc diretso sa kusina at kumuha agad ng kutsara tapos tumikim. "Ayos! Ang sarap talaga. The best ka talaga, Ma!" sabi niya kay Mama. "Basketball player ka nga. Bolero kang bata ka," tatawa-tawang tugon ni Mama. "Totoo naman, Ma eh. Walang halong biro at pambobola. Tara na! Gutom na ako. Pinagod ako ni James eh. Tara, doon tayo sa labas! Presko roon!" Anyaya ni Marc tapos nauna ng lumabas dala-dala 'yong pagkain. Halatang excited siya eh HAHAHA. Sinundan namin siya at nagdala ng mga kubyertos. Sabay-sabay kaming kumain. Si Marc, ayon sinusubuan pa ako. Tss mainit kaya huhuhu. Ito namang si James, kabata-bata pa eh sobrang malisyos

