Chapter 5 : Being Heartthrob's Girl
Celine's POV
"Matagal na ba kayo ni Marc?" tanong ni Charles.
Medyo nabigla ako pero sumagot din naman ako.
"Hmmm... Yup. Magfo-four years na," tugon ko.
"Hindi naman sa nakikialam pero... Siya ba 'yong reason kung bakit ka umiiyak sa garden?"
"Ahhh... Oo," nakayuko kong sabi.
"Dahil nambababae sya?" tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot.
"Matagal na ba niyang ginagawa iyon sa'yo?" tanong pa niya.
"Hindi." I sighed.
"Maayos at maganda ang unang isa at kalahating taon ng pagsasama namin ni Marc," I smiled habang ina-alala at kinukwento sa kanya 'yong una naming pagsasama.
FLASHBACK
Wow. Ang ganda ng school na 'to! Tapos halos lahat ng students mukhang mayayaman. Ang tataas ng mga building!
Lumingon-lingon ako dahil sa pagka-amaze sa school.
"Hey, you!" tawag sa akin ng isang magandang babae pero mukhang mataray.
"Hi," sabi ko habang nakangiti.
"Ewww. Siguro you're poor. Kase obvious naman sa pananalita at pananamit mo. You're not allowed here!" mataray niyang sabi. Matapobre tsk.
"Martha! Stop that! First na first day pinapakita mo pagka-brat mo. Tsk," matigas na sabi ng isang lalaki. Nagulat iyong babae na Martha ata ang pangalan at 'di ata kinaya ang hiya kaya nag-walkout.
"Miss, don't mind her na lang," sabi ng lalaki pagkalapit niya sa akin.
Wow! Ang gwapooo! Ang tangkad. Ganda ng kutis.
"Salamat," sabi ko sa kanya habang nakangiti. Ngumiti naman siya pabalik. Waaah! Ano ba 'yan? Titig na titig sa akin hays. Pakiramdam ko namumula ako.
Yumuko ako tapos naglakas-loob na magsalita.
"Salamat ulit. Sige alis na ako. Bye!" sabi ko tapos tumalikod na.
"Miss, wait!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Waaah!
Humarap ako sa kanya pagkatapos ay inalis na iyong pagkakahawak sa akin.
"I'm Marc Robert Lim. And you are?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya.
Hinawakan ko iyong malambot niyang kamay.
"I'm-"
"Miss Celine Santos!" Naputol ang sinasabi ko nang biglang may tumawag sa akin.
"Kailangan ka raw sa Principal's Office," sabi ng isang teacher.
Binitawan ko na 'yong kamay niya at nagpaalam na ako. Tumakbo ako papuntang Principal's Office. Narinig ko siyang sumigaw ng 'wait' pero kailangan ko ng umalis.
***
After akong kausapin ng principal, pumunta na ako sa room. Sandali lang naman kaming nag-usap. In-explain nya lang sa akin iyong mga kailangan kong gawin para magtuloy-tuloy 'yong scholarship ko rito.
Pagdating ko sa room, umupo na ako sa upuan ko. Yup, upuan ko. Kase may pangalan 'yong mga upuan dito. Oh, 'di ba? Bongga!
Hala? May bulaklak sa table ko? Baka nagkamali? Or may kapangalan ako? Mabasa na nga lang 'yong nakasulat sa card.
'Hi Celine Santos. You're so beautiful.' - Marc.
"Marc?" 'Di ba 'yun iyong gwapo kanina? Ayieee. Haba naman ng hair ko. Hmp! No, baka trip lang ako.
"Tingin ko seryoso siya sa iyo," biglang sabi ng isang babaeng chubby na nasa likod ko na nakasilip pala sa hawak kong papel.
"Ha?" nasabi ko na lang.
"Alam mo ba, heartthrob iyang si eh. Play boy, campus crush. Hindi pa man dito nag-aaral 'yan, pinagkakaguluhan na siya ng mga babae rito. Ganoon siya ka-famous!" madaldal na kwento niya.
Tumingin lang ako sa kanya kase hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
"Ayyy! Ako nga pala si Shaira Morales. Celine Santos, right?" Tanong nya. I just nodded. 'Di ako makasingit HAHAHA.
"Nasabi kong seryoso sIya sa 'yo, kase hindi iyan nanliligaw. Siya 'yong nililigawan!" dagdag niya.
"'Ha? 'Di naman siya nanliligaw eh," sabi ko.
"Hmmm basta! Ikaw lang ang binigyan niyan ng bulaklak!" She winked.
Haaay! 'Di ako aasa. Gano'n kagwapo? 'Di siguro!
***
After ng class, kalalabas ko pa lang ng room nang bigla na lang may mga lalaki na nagbuhat sa mga gamit na dala ko.
"Ho-" Sisigawan ko sana sila kaso inunahan na ako ng isa.
"Hindi naman siguro kame mukhang magnanakaw para sigawan at katakutan mo 'no?" nakangising sabi niya.
'Di naman talaga, kase mukha silang mayaman at mukhang mga basketball players dahil sa suot nilang jerseys. Sinundan ko lang sila. Palabas naman ng gate 'yong way na nilalakaran nila eh.
Paglabas namin ng school gate,
"Hi," sabi ni Marc habang nakangiti. Nakasandal siya sa blue car at ang cool niya tignan.
"Celine Santos, right?" tanong niya. Tumango ako.
Binuksan niya 'yong pintuan ng kotse niya.
"Hatid na kita," alok niya.
"Ahhh, 'wag na! Kase malapit lang 'yong bahay namin dito," tanggi ko.
"I know. But ayaw kong mapagod sa paglalakad 'yung babaeng papakasalan ko pa kaya ihahatid na kita." Wth, ano raw? Kyaaah!
"Ahhh, e, i, o u?" Wala akong masabi!
I heard him chuckled but then sighed. Nilagay niya 'yong mga kamay niya sa bulsa niya then tumingin sa akin nang deretso. Waaah. Ang gwapo talaga!
"Hindi naman siguro ako mukhang kidnapper or r****t para matakot ka ng gan'yan 'di ba?" tanong niya.
Yumuko lang ako. Nakita ko siyang napakamot ng ulo pero nakangiti siya. Lumapit siya sa akin.
"Okay. Iba ka talaga sa ibang babae. But please, payagan mo na akong ihatid ka. We will not use the car. Maglalakad tayo. Don't worry, 'di kita pagsasamantalahan. 'Yong mga babaeng katulad mo, dapat nirerespeto," sabi niya.
Lalamunin na ata ako ng lupa. Whoa!
"Is that okay?" sabi nya. Wag mo akong tingnan ng ganyan please.
I nodded. Kinuha niya sa mga kasama niya 'yong mga gamit ko tapos siya ang nagbuhat Grabe, ngayon ko lang napansin 'yong mga tao sa paligid ko. Ang daming nakatingin sa amin. Lalong lalo na iyong Martha ba 'yon? Ang sama ng tingin.
"Lets go," sabi niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. 'Di ako nakakilos.
Gano'n lang kami habang naglalakad hanggang sa makarating sa amin ay hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.
Pagdating sa bahay...
"Oh anak, nandyan kana pa-" Naputol ang sinasabi ni Mama nang mapatingin siya sa kamay namin.
Binitawan ni Marc ang kamay ko tapos nagmano kay Mama.
"Sino siya?" tanong ni Mama.
"Magandang hapon po. Ako po si Marc Robert Lim, schoolmate ni Celine. Nandito rin po pala ako para hingin ho ang permiso niyo na ligawan ang anak niyo," sabi niya.
OMG. Kaloka.
Gulat lang ako. Si Mama naman, parang detective.
"Sigurado ka ba, hijo? Eh parang kakikilala niyo pa lang ng anak ko," tanong ni Mama.
"Alam ko po masayadong mabilis. Pero 'di naman po ako nagmamadali at handa po akong maghintay kahit gaano katagal. I'm asking your permission lang po para maging legal ang pagdalaw ko kay Celine," sabi ni Marc.
"Paano mo mapatutunayan na malinis ang intensyon mo sa anak ko?"
"Hindi po ako haharap sa inyo kung hindi maganda ang motibo ko. Maaga pa para sabihin pero mahal ko po ang anak niyo," sabi ni Marc.
"Sa akin, walang problema. Bilib ako sa lakas ng loob mo. Pero na kay Celine ang desisyon," sabi ni Mama.
Nasa akin? Napalunok na lang ako.
"Salamat po," sabi ni Marc.
"Sige, pasok na muna ako," paalam ni Mama sa amin.
Lumapit sa akin si Marc.
"Paano ba niyan? Nasa iyo raw ang desisyon," sabi sa akin ni Marc habang nakatingin sa akin ng diretso.
Alanganin akong tumawa.
"Will you let me court you?" tanong niya.
Ayayay! Ano? Bakit? Paano?
"Ahhh..."
Tiningnan niya ako at ngumiti. Haaay anong kagwapuhan iyan?
Ayt bahala na!
"Yes. I'm letting you," sagot ko pagkatapos ay nagtakip ng bibig.
Nanlaki ang mga mata niya sabay napangiti nang malapad.
"Wala ng bawian! Thank you so much!" sabi niya pagkatapos ay niyakap ako.
END OF FLASHBACK
"After no'n, nanligaw siya sa akin. Full of efforts, ang sweet-sweet niya. Tapos hindi lang ako 'yong pinapahalagahan niya, pati sina Mama at 'yong kapatid ko. Lagi siyang nandyan para sa akin at lagi akong secured and protected because of him. Kaya after six months, sinagot ko na rin siya," kwento ko.
"Ayos naman pala kayo, anong nangyare?" kunot-noong tanong ni Charles.
"Nagbago lang naman lahat nang pumunta siya sa birthday party ni Martha," malungkot kong sabi.
"Martha... Diaz? 'Yong babae kanina?"
Tumango ako.