Chapter 10 : Charles' Eyes Celine's POV Paglapit ni Marc sa amin ay agad niya akong niyakap. "I miss you babe," sabi niya habang lalong humigpit iyong pagkakayakap niya. "Babe errr- Amoy pawis ka!" Biro ko sa kanya habang tinutulak siya para kumawala sa pagkakayakap niya. Agad naman niya akong pinaningkitan ng mata. "Tsk. Mabango naman, 'di ba? Paborito mo ngang inaamoy eh." Ngumisi siya habang nakatingin sa akin. "Ewww. Ewan ko sayo." Tumawa lang ako sabay hampas sa braso niya. "Hmf!" Ngumuso siya. Dumadalas pagpapa-cute ng boyfriend ko ah. Huwag ganyan, marupok ako! "Anyway, congrats pala!" Ngumiti ako at kumindat sa kanya. "Hindi ko naman maipapanalo 'yong game kung wala ka eh." Ngumiti siya pabalik. "Tsk. Bolero." I pinched his nose. "Haaay, ewan ko ba sa iyo. Ang tagal na

