Chapter 30 : Who's Carla? Celine's POV "Shit." Napamura si Charles. "Napano ka?" sabay naming tanong ni Marc sa kanya. "Ahhh HAHAHA wala. Na-lowbatt kase phone ko," nahihiyang sabi niya. Napa-facepalm na lang ako samantalang si Marc, binato ng papel si Charles. Akala ko naman kung anong nangyare. Grabe naman kase siya maka-react. "Pwede ba akong makitawag Celine?" tanong sa akin ni Charles. "Sure! He—" Kinapa ko iyong cellphone ko sa bulsa pero wala. Tiningnan ko rin sa bag, wala rin, "Hala, na kay Shaira pala iyong phone ko. Pasensiya na." "Ito na lang sa akin oh," sabi ni Marc sabay abot ng phone niya kay Charles. "Salamat, Marc. Labas lang ako ah," paalam niya sa amin. "Sige lang," sabi namin ni Marc. Paglabas ni Charles... "Babe, 'wag kang magpapapagod. Pumunta ka na sa can

