Chapter 32 : It's Over Celine's POV "Celine..." Hinawakan niya ako sa braso. Huminto naman ako at hinarap siya. Nang makita ko siya, hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya ulit. Alam kong mas malakas ang pagkakasampal ko ngayon. Yumuko lang siya ulit. Sa sobrang galit ko, pinagsusuntok ko siya sa dibdib habang umiiyak ako. Pinagsasampal ko siya at tinulak-tulak pero parang tinatanggap niya lang lahat iyon. Nakayuko lang talaga siya. "Ano pa bang gusto mo, ha Marc? Hindi ka pa ba kuntento? Kase ang sakit-sakit na eh. Hindi ka pa ba masaya? Hindi ka pa ba nagsasawa? Hindi ka ba napapagod manakit, manloko? Magsinungaling ha? Kase ako? sawang sawa na ako at pagod na pagod na!" sigaw ko habang umiiyak. Nakita ko na tumulo na rin ang luha niya. Napailing na lang ako. "Tsss an

