Chapter 3 : The Stealer

1025 Words
Chapter 3 : The Stealer Celine’s POV Bwisit! Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kaiisip sa mga nangyari kahapon! Dahil doon, maaga akong bumangon at naghanda para pumasok. Pagkatapos ng mga dapat gawin ay bumaba ako ng kusina. “Celine, anak. Kumain ka muna,” alok sa akin ni Mama. “Opo,” sabi ko tapos umupo. “Ate! Mukha kang zombie,” maagang pang-aasar ni James, ang kapatid kong sobrang kulit. Six years old pa lang siya. “Ang sama mo!” sabi ko sa kaniya sabay pabirong hampas. Pero totoo iyong sinabi niya. Ang laki at itim ng eyebags ko tapos maga pa mata dahil sa kaiiyak. “Ate Zombie kumain ka na nga lang!” saad niya. Aba! Inutusan ako? “Opo!” tugon ko naman sa kaniya, “Kulit mo,” bulong ko. “Ako makulit? Ikaw nga eh!” sagot niya. Pasaway na bata! “Ano ba kayong magkapatid? Tama na ‘yan. Kumain na kayo,” saway sa amin ni Mama. Luckily, ‘pansamantalang’ tumahimik si James. “Ate? Sino ba kasing iniisip mo? Si Kuya Marc? Nasaan ba siya? Bakit ‘di na siya pumupunta rito? Busy ba siya? Kailan siya ulit pupunta rito?” sunod-sunod na tanong ni James. “Hala, wait! Daming tanong! Pwede isa-isa lang?” sabi ko. “Okay. Ate?” tawag niya sa akin. Wow! Inisa-isa nga? Sige, bahala na. “Oh?” response ko. Makiki-ride na lang ako. “Sino bang iniisip mo?” Iyong playboy kong boyfriend. “Sino pa ba?” “Si Kuya Marc?” “Opo.” “Nasaan ba siya?” Baka kasama si Martha. “Baka sa bahay nila or sa school.” “Bakit hindi na siya pumupunta rito?” Kase may iba na siyang pinupuntahan. “Hindi ko rin alam eh.” “Busy ba siya?” Oo! Sa pambababae! “Ewan, siguro.” “Kailan ba siya ulit pupunta rito?” Kapag tapos na siyang mag-enjoy sa pambababae niya. “Hindi ko rin alam. Bakit ba ang dami mong tanong?” “Bakit ang dami mo ring sagot?” Grabe talaga ‘tong batang ‘to. Ang kulit! “Tama na ‘yan. Anak, ano ba talagang pinagkakaabalahan niyang si Marc, aber?” pagsingit ni Mama. Sabi niya tama na? Ba’t may tanong na naman? Well, ano nga ba? Pambababae! “Sa basketball po siguro. Siya po kase iyong captain eh,” pagdadahilan ko na lang. “Oh sige, sabi mo yan eh. Sana wala kayong problema,” may laman na sabi ni Mama. Sana raw wala kaming problema. Wala nga ba? After ng question and answer portion naming mag-iina, kumain na kami at pumasok na ako sa school. Well, malapit lang naman, walking distance lang. So heto ako naglalakad… f**k! Bigla na lang may dumaang mabilis na kotse! Napaupo ako bigla. Buti na lang hindi ako nasagasaan dahil kung hindi, pinaglalamayan na ako mamaya. Narinig kong bumukas ‘yong pinto ng kotse tapos may parang patakbong papalapit sa akin. “Oh my God, BG! Okay ka lang ba?” BG? Isa lang ang tumatawag sa akin na BG! “Are you okay?” tanong niya ulit tapos inalalayan ako para makatayo. “Okay lang po, Momskie,” sagot ko. Si Tita Glaiza Rosales pala, Marc’s mother. “Sorry talaga. Nagmamadali lang talaga ako. Gusto kasi kitang abutan eh,” paliwanag niya. “Okay lang po talaga, Momskie. ‘Di naman po ako nasaktan. Bakit po niyo po ba ako hinahanap? May kailangan po ba kayo?” tanong ko sa kaniya. “Buti naman. Well, I just want to ask you kung bakit ‘di ka na pumupunta sa bahay? I miss you so much!” usal niya. “I miss you too po. Pasensiya na po, medyo naging busy po kasi sa school. Gumagawa po kasi ako ng mga panibagong rules and regulations.” “Siguro may problema kayo ni Marc ‘no?” pang-uusisa niya. Hinawakan niya ang kamay ko, “Sana BG, hindi ka magsawa sa pag-intindi sa kaniya. Mahal mo naman siya, ‘di ba? And I know na mahal na mahal ka rin niya.” Tumango lang ako. Bigla niya akong niyakap. “Gusto kita para sa anak ko. Sana talaga ‘di ka magsawa.” She smiled at ngumiti naman ako pabalik. “Pasyal ka naman sa bahay,” saad niya. “Hmmm, sige po Tita— Momskie. Next time po,” pagpayag ko. “Oh sige. Aasahan ko ‘yan ah? Ingat ka,” sabi niya. “Yes, Momskie. Kayo rin po.” “Osiya sige, alis na ako ah? Ingat,” paalam niya. Nang umandar na ang kotse niya, dumiretso na ako sa school. Pagpasok ko pa lang sa gate. “Nandiyan na pala iyong poor, stupid girl,” entrada ni Martha. Lumapit siya sa akin pagkatapos ay ngumiti. Plastik! ‘Di ko na lang siya tiningnan. “Kawawa ka naman. Umaasa ka pa rin na mahal ka ni Marc?” sabi niya na may halong pang-iinsulto. Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero bigla na lang niyang hinila iyong buhok ko. “Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!” matigas na sabi niya habang hawak pa rin ang buhok ko. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!” sabi ko habang sinusubukang alisin ang kamay niya. “Itigil niyo nga ‘yan!” biglang sabi ng isang pamilyar na boses. Agad namang nataranta ang mga kasama ni Martha. Pagharap ko kung sino iyong nagsalita, si Charles. “Maswerte ka!” sabi sa akin ni Martha. Binitiwan ni Martha ang buhok ko at umalis na. Habang inaayos ko iyong sarili ko ay lumapit sa akin si Charles. “Salamat,” sabi ko. “No problem. Are you okay?” tanong niya sabay hawak sa balikat ko. “Palagi naman akong okay,” tugon ko at ngumiti sa kanya. “I know you’re not but I’m glad to see you smiling.” Ngumiti lang ako ulit. “Salamat ulit. I need to go. May gagawin pa ako eh,” paalam ko. “Sure. Take care!” pahabol niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD