Chapter 22 : Dedicated Sad Song Celine's POV Nag-start na iyong intro ng kanta. I don't know why pero parang gusto ko talagang pinapahirapan at sinasaktan iyong sarili ko habang tinitignan ko silang magkasama. Tumingin si Marc sa akin at nagtama ang mga mata namin nang saktong nag-umpisa na akong kumanta. "Kahit na, nagmumukhang tanga..." Habang kinakanta ko iyong unang stanza, naalala ko ulit lahat. Kung paano ako nagmukang tanga sa harap nina Shaira at Charles kanina. Iyong pang-aapi, p*******t at pang-iinsulto sa akin ni Martha. Iyong kahit na nasasaktan ako nang dahil sa kanya nang paulit-ulit, mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Iyong pagsisinungaling at panloloko ko sa sarili ko... "Kahit na, niloloko mo lang ako..." Ramdam na ramdam ko iyong kanta. "Babawi ako." Totoo

