Chapter 18 : Best Friend Celine's POV "Oo nga pala, binalik niya itong notebook mo," sabi niya sabay abot ng notebook ko. Ha? Bakit nasa kanya? "Ah ganoon ho ba. Kumain na po ba kayo?" tanong ko kay Mama. "Oo. Tapos na kami. Ikaw ba anak?" tanong niya pabalik. "Opo ma, kina Tita Glaiza na po ako kumain. Pinapakumusta po pala nila kayo," sabi ko. "Ah, oh sila kumusta naman?" tanong ni Mama. "Okay naman po sila. May pinadala rin po silang pagkain. Nasa mesa po," sabi ko. "Eh kayo ni Kuya Marc? Okay ba?" sabat ni James. Itong batang ito talaga. "Oo naman. Ikaw ah. Ang batang malisyoso at tsismoso!" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya. "Tsk," sabi niya sabay subo sa dala kong pagkain. Patay gutom. Nakuha na pala niya iyong pagkain kahit kakakain lang nila. Shaira's POV Hello! I'm

