Chapter 15 : Proving I'm The Right One Celine's POV Pagkatapos ng makapigil hiningang sabay-sabay naming pagkain nina Marc, Shaira at Charles, hinatid na ako ni Marc pauwi sa bahay. Si Shaira naman, sumabay na lang kay Charles. Wala naman ng sagutang nangyare between Marc and Charles. Kaso buong oras katapos no'n ay tahimik na lang talaga. Kumakain pero hindi na-enjoy. Habang nasa kotse... "Babe?" tanong niya. "Hmmm?" tugon ko at humarap sa kanya. "Para sa iyo, gwapo ba si Charles?" Wth is that question? Tiningnan ko siya at wala siyang ekspresyon. "Ha?" Nasabi ko na lang at alanganing tumawa. "Magsabi ka lang ng totoo." "Ahm, oo..." Alanganin kong sagot. "Magaling siyang mag-basketball 'no?" "Ahm ewan," patay malisya kong sagot. Nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa pag

