CLARA JAIRA
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nandito na ako ngayon sa silid ko. May suwero ang kamay ko at ako lang ang nandito ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kanina at kung sino ba ang tao na tumulong sa akin. Masakit ang katawan ko lalo na ang sikmura ko. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko pero ayaw ko rin naman dahil alam ko na hindi ako matutuwa sa makikita ko. Halos hindi ko mai-kilos ang katawan ko.
“Thank God you’re awake!” sabi ng daddy ko na kapapasok lang dito sa silid ko.
“D-Dad,” naiiyak na sambit ko sa pangalan niya.
“Shh, I’m here na, princess. Wala ng mananakit sa ‘yo,” sabi niya sa akin at niyakap niya ako. Hinaplos niya ang buhok ko tulad ng lagi niyang ginagawa sa akin.
“Sinaktan po nila ako, dad. Takot na takot po ako,” sumbong ko sa kanya.
“Sorry kung hindi kami agad dumating, princess. Pero, simula ngayon ay hindi ka na nila magagalaw pa–”
“P*natay mo po ba sila? Ano po ang sinasabi nila na p*natay mo ang anak niya? Totoo po ba ‘yon, dad?” tanong ko sa kanya.
“Huwag kang maniwala sa mga sinasabi nila. Nilagay ko sila sa dapat nilang kalagyan. Magpahinga ka na lang, may kailangan lang akong asikasuhin,” sabi ni daddy.
“Saan ka po pupunta, dad? Aalis ka po? Sino po ang magbabantay sa akin?”
“May ipapakilala pala ako sa ‘yo. Siya ang nagligtas sa ‘yo at utang ko sa kanya ang buhay mo, princess. Simula sa araw na ito ay siya na ang makakasama mo. Siya na ang mag-aalaga at magbabantay sa ‘yo habang nasa malayo ako. Sa tingin ko ay matagal akong mawawala. Don’t worry dahil malaki ang tiwala ko sa kanya,” sabi niya sa akin.
“Kailangan mo po ba talagang umalis, dad?”
“Yes, princess.”
“Sino po ba siya? Sino po ang–”
Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bumukas ang pinto ng room ko at pumasok ang lalaking matangkad, gwapo at matipuno. Ngayon ay malinaw ko na talagang nakikita ang mukha niya. Sure ako na siya ang tinutukoy ni daddy na nagligtas sa akin.
“Princess, he’s Antonio Vincent Estrellia and he’s your ninong,” sabi ni daddy na ikinagulat ko.
“Ninong? Ninong ko po siya?” tanong ko dahil hindi ako makapaniwala talaga.
“Yes, princess. He’s your godfather. Bata lang siya noong kinuha ko siya bilang ninong mo dahil family friend natin ang pamilya niya,” sagot sa akin ni daddy.
Hindi talaga ako makapaniwala na may ninong ako na ganito ka bata. Sa tingin ko ay 10 years lang siguro ang tanda niya sa akin. Nakatingin lang siya sa akin at ang seryoso ng mukha niya. Na para bang hindi siya marunong ngumiti.
“Antonio, ikaw na ang bahala sa kanya,” sabi ni daddy at tumango lang ito.
“Kailan ka po aalis, dad?” tanong ko sa kanya.
“Mamayang gabi, princess.”
“Mamaya na po agad?”
“Sorry, princess,” sabi niya sa akin.
“Ingat ka po sa pupuntahan mo, dad. Hihintayin po kita,” sabi ko sa kanya.
“I will, baby,” sagot niya sa akin kaya naman niyakap ko siya ulit.
Lumabas na sila dahil kailangan kong magpahinga. Narito lang ako ngayon sa silid ko. Nais kong matulog pero hindi ko naman magawa. Kaya naman balak ko na lang na basahin ang favorite book ko. Mabuti na lang at narito lagi ito sa ibabaw ng side table ko.
Nagsimula na akong magbasa pero pakiramdam ko naman ay bumibigat naman ang talukap ng mga mata ko. Hinayaan ko lang ito hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
*****
Nang magising ako ulit ay gabi na. Nang tumingin ako sa orasan ay alas nuebe na ng gabi. Hindi ko man lang namalayan na mahaba ang tulog ko. Hindi ko tuloy alam kung umalis na ba ang daddy ko.
“Oh my gosh!” nagulat ako dahil narito pala ang ninong ko.
Nakaupo siya sa may single sofa ko.
“Ninong, bakit hindi mo man lang sinabi na narito ka pala?”
“Kanina ka pa dito?” tanong ko sa kanya.
“Kumain ka na,” sabi niya sa akin.
“Umalis na po ba si daddy?” tanong ko sa kanya.
“Kanina pa, masarap ang tulog mo kaya hindi ka na niya ginising pa,” sagot niya sa akin at lumapit siya dala ang pagkain ko.
“Ako na po, kaya ko po ‘yan,” sabi ko sa kanya pero sinubuan niya ako at tinanggap ko naman.
Habang pinapakain niya ako ay nakatingin lang ako sa kanya. Namamangha ako sa kanya. Ang cold niya pero kasi naman ang gwapo niya. Hindi ko kayang alisin ang mga mata ko sa kanya. Sobrang gwapo niya kasi talaga. Bakit kasi hindi ko siya nakilala noon pa? Kung nakilala ko siya ay baka close na kami agad ngayon.
“Staring is a crime,” sabi niya sa akin dahil napansin niya ako.
“Sino po ang nagsabi?” tanong ko sa kanya.
“Ako,” malamig na sagot niya sa akin.
“Ninong ba talaga kita?” tanong ko sa kanya.
“Yes,” sagot niya sa akin.
“Bakit ang lamig mo sa akin? Dapat ay sweet ka sa akin dahil inaanak mo ako,” nagtataka na tanong ko sa kanya.
Pero tahimik lang siya. Wala man lang reaksyon sa sinasabi ko sa kanya. Ayaw niyang tinititigan ko siya. Pero hindi ko naman magawa na pigilan ang sarili ko. Mas lalo kasi siyang nag-iiba sa paningin ko. Mas lalo siyang nagiging hot sa mga mata ko.
“Ninong, busog na po ako,” sabi ko sa kanya kaya tumigil na siya sa pagsubo sa akin ng pagkain.
“Ninong, saan ka po matutulog? Iiwan mo po ba akong mag-isa dito?” tanong ko sa kanya.
“I’ll sleep here,” sagot niya sa akin.
“Thank you, ninong. Gusto ko rin po na dito ka dahil natatakot ako na baka may pumasok dito sa room ko. Hindi ko po alam pero pakiramdam ko ay may tao sa paligid na gusto akong saktan,” sabi ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko.
“I’m here to protect you. Hindi mo kailangan na matakot,” sabi niya sa akin.
“Okay, dito ka sa tabi ko ha. Tabi tayong dalawa,” sabi ko pa sa kanya.
“Doon na lang ako sa may couch.”
“Malaki ang bed ko. Kasya tayong dalawa dito. Hindi mo na kailangan pa na matulog doon dahil baka sumakit ang katawan mo–”
“That’s a bad idea,” sabi niya sa akin.
“Bakit naman po? Alam ko naman na wala kang gagawin na masama sa akin. Alam ko na hindi kukuha ang daddy ko ng tao na hindi niya pababayaan. Kaya alam ko na safe ako sa ‘yo at safe ka rin sa akin. Injured ako kaya wala akong gagawin sa ‘yo,” nakangisi na sabi ko sa kanya dahil bigla na lang siyang naging cute sa paningin ko.
Parang natatakot kasi siya sa akin. Alam ko na maganda ako pero harmless naman ako. Pero hindi ko alam, bigla na lang akong naging interesado sa gwapo at hot kong ninong. Mas lalo kasi siyang naging gwapo kapag nakakunot ang noo niya.
“Ninong, natatakot ka ba sa akin? Dahil natatakot ka na baka may gawin ka na hindi mo dapat gawin?” nakangisi na tanong ko sa kanya.