Chapter 24 Tama ba ang ginawa natin? Let's leave without them knowing." Napalingon ako kay Mark. Seryoso ang mukha niya. Alam kong nag-aalala sila kay Cherry, pero kailangan naming gawin 'to. Para kay Cherry at sa mga kasama niya. Mas mapapahamak si Cherry kung dumagdag pa kami sa pag-iisip nila. “Gustuhin man natin pero hindi maaaring manatili pa tayo. Alam natin ang puwedeng mangyari kay Cherry kapag nalaman nilang tinutulungan tayo at pumapasok sa mundo nila." Humarap sila sa akin. "Pero nagtataka ako kung paano tayo napunta sa mundo nila." Nataranta akong napatingin kay Emz. Kahit ako hindi ako makasagot. Kung paano kami nakarating dito. “Ang alam ko lang may something sa mundo nila. Naalala ko may binabasa si ate. Tungkol sa Mahiwagang Kagubatan. Sinabi niya sa akin kung gaan

